NASA GARDEN si Esang nang tawagin siya ni Leng. Kasalukuyan siyang nagbibinyag ng mga halaman. “Esang. . . tawag ka ni Dreamo sa loob. May gusto sa iyong kumausap,” tawag nito sa kanya. Muntik na niyang nakalimutan na sinabi pala sa kanya ni Dreamo na may gusto sa kanyang kumausap ngayong araw. Tumango siya saka nginitian si Leng. “Sige, susunod ako. Patayin ko na lang muna itong hose.” Tumango rin ito at tinalikuran siya. Parang lalaki talaga itong kumilos. Napangiti na lang habang iiling-iling si Esang. Akala niya talaga ay nagpapanggap ito noon, pero nitong mga nagdaang araw na nakasama niya ito ay napatunayan niyang tomboy nga talaga si Leng. Halos nakasundo na rin niya ang dalawa at nakilala niya ang ugali ng mga ito. Minsan masungit si Dreamo pero mabait. Si Leng naman ay

