Kabanata 19 SIGAW siya nang sigaw ngunit wala sa kanyang nakakarinig. Nakagapos ang kanyang isang paa ng kadena. Kaya't kahit anong pagpupumilit niyang makatakas sa lugar na iyon ay hindi niya magawa. Palahaw lamang ang kanyang tanging nagagawa. Iyak nang iyak sa isang sulok habang nababalutan siya ng dilim. Hubo't hubad siya't pinababayaang lamunin ng init at lamig. Pinapakain naman siya ng mga kalalakihang nagbabantay sa kanya pero pinagsasamantalahan muna siya bago bigyan ng kakarampot na pagkain; pagkain na tira. Naawa siya sa sarili. Nanginginig sa takot. Iba't ibang mga bulong na ang kanyang naririnig. Binabawian na siya tuluyan ng bait; kinukuha na rin ang kakarampot na normal niyang pag-iisip. Rinig niya ang mumunting boses ng mga kalalakihan sa labas. Bigla siyang naba

