Kabanata 18 PINAHINTO ni Haven ang kanyang motor sa isang matalahib na lugar. Bumihis muna siya sa kanila kanina bago dito pumunta. Sa kabilang bayan lang naman itong pinuntahan niya kaya hindi naman malayo kung saan siya nakatira. Mas mabuti na ang nag-iingat sila. Mahirap na ang mahuli sila ng mga kalaban. Hindi pwedeng matunugan ang ginagawa nilang kilos. Inayos niya ang polong suot saka ang sumbrero sa ulo- para hindi siya makilala ng kung sino man ang makakakita sa kanya o kung sino man ang makakasalubong niya. Natanaw niya ang lalaking nababalot ng jacket at nakahaba ng pantalon. Tulad niya'y nakasumbrero rin ito. Hindi agad ito makikilala, tulad niya'y naka-disguise rin ito. "Kanina ka pa ba? Pasensya na at pinaghintay kita," salubong niya sa lalaki. "Okay lang iyon, kuya.

