Kabanata 17 KANINA pa nakatitig si Haven sa litrato ni Esang at sa litrato rin ni Aling Salvi. Ilang linggo na at hindi pa rin umuusad ang kaso sa nawawalang dating artista. Kahit anong gawin niya'y hindi niya mahanap ang Nanay ni Esang. Napabuga siya nang malalim na hininga. Nakalimutan niyang may pupuntahan pa pala siya. Kinukumusta na rin ni Lola Sarah ang kaso ng anak nito. Ngunit wala man lamang siyang magandang ibalita rito dahil walang ganap sa kaso. Kahit anong gawin niya'y walang nangyayari. Kung aasahan naman niya sa ka-buddy ang na ini-assign sa kanila ng hepe nila ay wala siyang tiwala. Kaya't hanggang maari'y siya na lamang ang kikilos na mag-isa. Ayon nga lang ang problema'y wala siyang mahanap na impormasyon. Hanggang ngayon ay wala pa siyang hint kung saan naroroon

