Chapter 7

1096 Words
Kabanata 7 MAAGANG pumunta si Esang kay Aling Lolita at ang makipagkita siya sa kaibigan nito na nangangailangan ng kapalit sa pagiging katulong. Sumama siya papunta sa palengke para makipagkita sila ni Aling Lolita sa babae. "Sigurado ka na talaga, Esang?" tanong ni Aling Lolita sa kanya habang nagbabaktas sila papunta sa palengke. Tumango siya saka sumagot. "Oho, kailangan na kailangan ko na po talaga ng pera, Aling Lolita. Lalo na at nanakawan kami kagabi. Kailangan kong tulungan si Lola ng pagpapa-aral sa mga kapatid ko." "Naku! Ang mga tao talaga ngayon! Hindi man lamang nag-iisip kung sino ang pagnanakawan. Kahit kapwa nilang nanghihikaos din ay bibiktimahin." "Ganoon talaga, Aling Lolita. Sadyang may mga tao talaga na ganoon sa mundo. Hindi po natin maiwasan ang makatagpo ng mga taong ganyan," sang-ayon niya na siyang ikinatango ng babae. "Oo nga pala, nakwento sa akin kagabi ni Haven ang nangyari. Mag-iingat ka sa susunod, Esang. Mahirap nang magtiwala ngayon sa mga taong nakapaligid sa atin. Hindi natin alam kung may binabalak silang masama laban sa atin o wala." Ngumiti siya saka tumango nang sunud-sunod. Mukhang alam na niya kung nasaan nagmana si Haven. "Kayo rin ho dapat, Aling Lolita." Ngumiti rin sa kanya ito at tumango. Mabilis silang nakarating sa pagtatagpuan nila ng kaibigan ni Aling Lolita. Pagkarating nila sa estante ng mga gulay ay may isang babaeng nakabestida. May dala-dala itong basket, mukhang isasabay na siguro nito ang pamamalengke at ang pakikipag-usap sa kanila. May kaunting puti na ang kulot na mga buhok nito; kulubot na ng kaunti ang balat sa katawan, at wala nang ilang ngipin sa harapan—halatang may edad na talaga. Ito ang nakikitang rason ni Esang kung bakit ito aalis bilang kasambahay sa mga amo nito at naghahanap ng kapalit. May katandaan na pala ang babae at hindi na talaga kaya ang mga gawaing-bahay— ayon sa panindig nito at isura. "Gelda! Aba eh, kanina ka pa ba? Pasensya na at nahuli yata kami ng dating." Ngumiti si Gelda sa kanila at umiling. Napagawi ang tingin nito sa kanya. "Aba eh, ito ba ang nirorokomenda mo, Lolita? Wala bang mas matanda sa kanya?" Nababanaag ni Esang ang pagkabahala sa mga mata nito. Ang alam ni Esang sa mga oras na iyon ay sa tingin niya, nababahala ang matandang babae sa kanya, dahil sa bata niyang edad ay namamasukan na bilang kasambahay. "Oo, siya nga. Bakit may problema ba roon? Hindi ba siya pwede?" Nakikitaan ng pagkabahala ang boses ni Aling Lolita sabay lingon sa kanya. Pinisil nito ang kanyang kanan na kamay. "W-wala naman," agarang sagot nito sabay baling kay Esang. "Basta at sisiguraduhin mo iha na masipag ka. Ayaw nang tatamad-tamad nila boss." Ngumiti nang malapad si Esang. Kung ganoong klaseng katulong lang pala ang hanap ng mga boss na sinasabi ni Gelda ay hinding-hindi siya papahuli sa mga ito. Kung kasipagan lang naman ang usapan ay yakang-yaka niya iyon. Gagawin niya ang lahat para lamang may pantustos sa araw-araw. "Iyon lang pala, eh! Naku, kayang-kaya iyan ni Esang. Ang batang 'to, eh. Walang sinusukuan, lumalaban kahit sa anong bagay. Isa pa ikaw na lamang inaasahan niya. Kailangan na kailangan talaga nito ng trabaho para sa mga kapatid at Lola Sarah niya." "Kung ganoon, maari na siyang magsimula ngayon o kaya ay bukas. At ako ay aalis pagkatapos ko siyang ihatid doon. Susunduin pa kasi ako ng isa sa kamag-anak ko sa kabilang bayan. Luluwas na kami ng ibang lugar." Seryosong-seryoso ang mukha nito bago tapunan ng isang mapanuring tingin si Esang. Tinapik ni Aling Lolita ang balikat ni Esang at niyaya na siyang sumunod kay Gelda. Nagpaalam na rin si Aling Lolita at Esang sa isa't isa bago sumunod ang dalaga sa likuran ng babaeng malayo-layo na ang nalakad mula sa kanilang kinatatayuan. TAAS-BABA ang tingin na isinukli kay Esang nang matapos siyang ipakilala ni Gelda sa magiging amo. Ayon kay Gelda, ang babaeng maganda na nanunuri sa kanya ngayon ay si Madam Chelsea. Ito ang magiging amo ni Esang sa loob ng ilang taon— kung magtatagal siya sa pangangalaga nito. Mamaya pa niya makikilala ang among lalaki kapag umuwi na ito galing trabaho. Isang certified public accountant si Madam Chelsea at ang asawa nitong si Don Herbert ay isang engineer. May anak ang dalawa na nasa limang baitang pa lamang at ito ang ihahatid niya sa school at aalagaan sa mansion kapag walang pasok. May tatlong anak pa ang mga ito na hindi na binanggit pa ni Gelda sa kanya. Mabilis na pinaliwanag sa kanya ni Gelda ang mga gawain habang nanatiling tahimik ang kanyang amo sa pagmamasid sa kanya mula ulo hanggang paa. "Ikaw na rin ang maglalaba at magluluto sa umaga, tanghali at gabi. Kung may oras ka pa ay ikaw na rin ang maglilinis ng buong mansyon na ito. Sa madaling salita, sa iyo itatalaga ang lahat ng trabaho rito. Dahil ikaw lang ang tanging kasambahay na kukunin. Pitong libo sa isang buwan muna, kasi sisimula ka pa lang. Pero kung magtatagal ka ng limang taon ay tataas na ang sweldo mo. 'Yan ang sabi sa akin ni Madam Chelsea. Nakuha mo ba ang nais kong ipahiwatig sa iyo?" paliwanag sa kanya ni Gelda habang nakataas ang kilay. Kanina pa talaga hindi maganda ang pakikitungo sa kanya nito. Maging itong magiging amo niya ay may masamang awra. Pero kahit na ganoon ay tatanggapin niya pa rin ang trabaho. At isa pa, baka mali lang ang impresyon niya rito. Baka mamaya ay mabait pala ito at hindi masama. Huminga siya nang malalim at tumango sabay ngiti sa dalawang babae na kaharap niya. "Tatanggapin ko ang trabaho, kakayanin ko ang lahat." Pumalakpak si Madam Chelsea saka isang ngisi ang lumitaw sa mga labi nito. "Kung ganoon ay wala na tayong dapat pag-usapan pa. Magsimula ka na bukas ng umaga. Ala sais ay dapat nandito ka na, ayaw ko ng late." Sunud-sunod ang tango na pinakawalan ni Esang saka malawak na ngumiti. "Makakaasa po kayo, Ma'am." Tinapik naman siya sa balikat ni Gelda. Nababanaag niya sa mga mata nito na parang may gusto itong sabihin sa kanya. Pero hindi nito kayang sabihin. Huminga na lamang nang malalim si Esang at hindi na lamang pinansin iyon. Inisip na lamang niya ang magandang balita na ibabalita niya sa dalawang kapatid at Lola Sarah mamaya. Ito na ang simula ng mga pangarap nila, ng pangarap ng mga kapatid niya, ng lola Sarah niya, ng Nanay niya at mas lalo na pangarap niya. Sana nga ay matupad na ang lahat ng mga iyon, simula ngayon. Sa kabutihan ng Diyos. . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD