[Wren's POV] Nagtext sa akin si Courtney, gusto niya raw akong makausap. Ayoko sana pero baka kung ano na naman ang gawin niya. "Kaileen, nagtext si Courtney sa akin. Gusto niya raw ako makausap. I told her kanina na makikipag-usap lang ako kung kasama kita. Would you like to join us?" tanong ko naman sa kanya. Napatahimik siya at hindi agad nagsalita, "Well, um, baka private ang pag-uusapan niyo. Ayoko makisali, it's better if kayo ang mag-usap. Basta alam mo naman ang limitasyon mo eh, sana hindi tayo magkaproblema." Niyakap ko naman siya at hinalikan sa noo niya bago tuluyang lumabas sa kwarto at makipagkita kay Courtney sa garden area. "So, gusto mo na talagang ipakita sa akin na pinili mo na si Kaileen over me?" tanong niya sa akin pagdating na pagdating ko. "Courtney, I know na

