[Kaileen's POV] "Ma'am, Sir Wren is here." pagreport naman sa akin ni Lily sa phone. "Let him in." sagot ko naman. Napangiti naman ako when he gets inside my office at may hawak pang bouquet of roses. "Para sa aking mahal na reyna." nakangiting sambit niya sabay lapag ng bouquet sa aking lamesa. Tumayo naman ako at lumapit sa kanya para halikan siya sa pisngi. "Salamat sa sweet surprise mo. Natuwa ako pati si baby." nakangiting sagot ko naman sa kanya. "Let's go home. Hindi ka pwede mapagod diba? Ang usapan nating dalawa may kukuhanin ka lang at may titignan saglit. Now that I'm here, fix your things and let's go home." utos naman niya sa akin. Oo, hindi nga kasi pa ako nakakalagpas ng 1st trimester kaya mahirap kung hindi ako magbedrest. "Napakaprotective ng daddy mo." bulong ko

