EIGHT: Uno

1374 Words
Ganitong pwesto pa rin natagpuan ni Ann ang magkaibigan makalipas ang halos dalawang oras. Syempre, tao lang si Ann at ‘di niya mapigilan silipin kung ano ang ginagawa nila Teddy at Uno sa patio. Sinisiguro niya lang na ‘di siya mahuhuli ng dalawang bata na nagsa-spy sa kanila. Kung pwede lang bumiyak ang puso niya, kanina pa nagkadurog-durog ito. Kada sisilip si Ann sa likod ay ‘di naiiba ang kanyang nakikita: nakaupo lang dalawa. Ang anak niyang si Teddy ay nakasandal lang ang ulo sa balikat ni Uno. Ang ulo naman ni Uno ay nakadikit sa ulo ni Teddy. Tila ni hinga o galaw ay ‘di nila magawa. Alam ni Ann kung gaano kalungkot ang bunsong anak sa ideya na mawawalan na siya ng best friend, best friend na kasama niya mula pagkabata. Pero ano ang magagawa nila? Nagkaroon ng napakagandang opportunity si Edward sa US. Ayaw man ni Ann makita na mawawalan ng best friend ang bunso niya, kailangan nilang tanggapin na wala na silang kawala sa tadhana. “How are they doing?” pabulong na tanong ni Raine. Pang ilang beses na tumawag si Raine sa kaibigan niya para icheck kung kamusta na ang anak. Tumatakbo ang oras at malapit na silang umalis pa-airport. Gustuhin man ni Raine na bigyan pa ng mas matagal na panahon si Uno mag-good bye kay Teddy, nasa punto na sila na pag di pa sila umalis anytime soon ay baka maiwan sila ng eroplano nila. “Girl, parang yung iyak ko ngayon, daig pa yung iyak na ginawa ko nung nag-break kami ni Johnny. Naalala mo yon? I know masyado pang bata tong dalawang to, and napaka-innocent ng friendship nila, pero why do I feel like we’re the contrabida in a movie na pilit pinapaghiwalay ang two star-crossed lovers? Alam mo ba, ‘di na ata gumalaw tong dalawa since nakarating sila sa likod? Nakasandal lang yung ulo ni Teddy sa balikat ni Uno tapos for the first time, magka-holding hands lang yung dalawa. ‘Di kumikibot. Nakaupo lang sa sofa,” kwento ni Ann. “Girl naman! Do you really have to say that? Ang bigat-bigat na nga ng puso ko na aalis kami. Kung ‘di lang talaga na-promote tong si Edward,” paliwanag ni Raine. “Raine, I know, I know. ‘Di mo na kailangan magpaliwanag pa ulit. Sino ba naman makaka-turn down sa CTO position, diba? Tanga na lang ang mag-no dyan,” mahinahong hirit ni Ann. “It’s always been Ed’s dream to be a chief and we can’t believe that it’s finally come and so soon too!” sabi ni Raine. Alam nilang dalawa na gagawin ni Raine ang lahat para sa kaligayahan ng asawa. At bilang isang freelance writer, hawak ni Raine ang oras niya, at maluwag sa loob niyang isentro sa buhay niya ang asawa’t anak. “I know that you will do everything that it’s in your power to make Ed happy and that’s not a sin, Raine. You don’t have to feel guilty for being happy that Ed got this role, let alone helping him make it possible,” paalala ni Ann. “Pero we never thought that leaving would tear these two apart like this. Ako lang ba ang nagi-guilty?” tanong ni Raine. “Girl, trust me, ‘di ka nag-iisa. I keep hoping na dahil mga bata pa sila, that they’re resilient. Magkikita pa naman sila, diba? Babalik pa rin naman kayo dito? Kahit mag-bakasyon lang?” May tono ng pag-aalala sa boses ni Ann. “Ann, alam mo na if kayang kaya, syempre babalik kami dito. I don’t know how long we’ll be there. I don’t know if for good na tong migration na to or next year ba andito na kami ulit. But like I said, it’s Ed’s dream to be a CTO so we will support him as much as we can. The good news is, being the CTO, maganda ang sahod ni Ed, syempre. So definitely, we can afford to come back for vacation here.” Nakahinga ng maluwag si Ann. “Buti naman. Siguro ok na rin to, no? I mean, who would have thought that these two would be so clingy to each other? I definitely didn’t. Maybe this time, Teddy will make other friends. Remember, last year ba yon? Or two years ago? Inis na inis siya kasi people won’t stop teasing them with each other. Maybe, without us realizing it, masyado naging dependent tong dalawang ‘to sa isa’t isa. So this time, they’ll make friends with other people.” ‘Di malaman ni Ann kung sino ang kinukumbinse niya. Napabuntong hininga na lang si Raine. “I hope you’re right, girl. I really hope you’re right. But…” Isa na namang malalim na hininga ang nanggaling kay Raine. “Girl, I hate to say it but it’s time. If we don’t leave in the next half hour, we’re going to be late na talaga for our flight. Can you tell Uno that we’ll be getting into the car na and will be picking him up in a minute or two? As much as I wanna give them more time, wala na talaga akong mabibigay.” “Ok, ok. Sige na, you and Ed get ready and I’ll talk to the kids,” bulong ni Ann. She’s not looking forward to what she’s about to do but there’s no easy way around it. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa bukas na sliding door. Laking gulat niya nang mapagtanto niya na ‘di naman sobrang tahimik ng dalawa. May bulungang nagaganap at masyadong mahina ang mga boses na ‘di marinig ni Ann kung ano man ang pinaguusapan nila. For some reason, Ann feels like she’s intruding on their private time. “Ahem.” Kailangan tanggapin ni Anne na wala na siyang ibang magagawa kung ‘di mang-istorbo. Parang nagulat na mga tuta ang dalawa at dali-daling naupo ng diretso. Ann rolled her eyes. It’s not as if di niya alam na sobrang lapit nila sa isa’t isa. If this was any other boy, nag-intervene na si Ann kanina pa, lalong lalo na’t masyado pang bata si Teddy, pero kilala niya na si Uno. Alam niya ang ugali nito. Napansin niyang ‘di pa rin nagbibitaw ng kamay ang dalawa pero ‘di na lang niya ito pinansin. “Uno, your mom called. Get ready na raw.” “Ha?” si Teddy ang sumagot. Si Uno ay napatikom lang ng bibig. “I’m sorry, Teddy, but they need to leave for the airport,” sabi ni Ann. “No! No, Mama. Can’t Uno stay for a little bit longer?” tanong ni Teddy. “Honey, please, don’t make this hard for Uno too.” ‘Di naman sinasadya sabihin ito ni Ann pero laking gulat niya nang makitang tumutulo ang mga luha sa mukha ng binata. Niyakap ni Teddy ang matalik na kaibigan. “Uno, please, don’t forget me, ok? I’m going to miss you so much,” sabi ni Teddy. “Call me when you get to New York, please?” Napaka-higpit ng pagkakakapit ni Uno sa dalagita. “I promise I won’t ever forget you,” sagot nito. “I’ll always think of you, Teddy. Don’t worry. We’ll still talk on the phone, ok? I’ll ask Mom to call Tita Ann. Don’t be sad na, ok? Wag ka na umiyak,” sabi nito kahit na may mga luha ring tumutulo sa kanyang mukha. “I’ll call you when we get to New York, promise. I’m sure Mom will let me call. Don’t cry na ha? But the travel time is around twenty hours. So know that I’ll only call after around that time, ok? In the meantime, you can do your own thing muna ha? Please stop crying after I leave.” “Promise that you’ll call, ha? Promise mo yan.” Tumango si Uno. “Yes, I promise. I’ll give you a call as soon as we get to the States. You can count on me.” Nakarinig sila ng tunog ng busina. Sinusundo na si Uno ng mga magulang niya. Kaya kahit tumatagaktak pa ang luha nila ay wala na silang ibang nagawa kung ‘di maghiwalay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD