“Uno, anak, are you done?” tawag ni Raine mula sa baba ng hagdan. Tumatakbo ang oras at ayaw niyang maipit sila sa traffic. Marami silang mga gamit na kailangan icheck-in kaya mas mabuti nang makarating sa airport habang marami pa silang oras. Sinabihan na niya ang asawa’t anak ilang araw na ang nakalipas na maaga silang aalis ng bahay.
Sa wakas, lumabas na ng kwarto si Uno. Lumubog ang puso ni Raine nang makita ang mukha ng kanyang nag-iisang anak.
Nang binahagi nilang mag-asawa ang balita na na-promote si Edward sa kanyang kumpanya, kitang kita ni Raine ang kaligayahan ng anak nang makita na natupad na ang matagal nang pinapangarap ng Daddy niya. Ngunit ‘di nila inakalang mahihirapan ang bata na iwan ang buhay niya sa Pilipinas.
Kung tutuusin, fourteen pa lamang siya. Panigurado, ‘di naman siya mahihirapan na gumawa ng mga bagong kaibigan kahit saan man siya dalhin ng buhay, diba? Dahil kahit na mahiyain ang anak, nakita ni Raine kung paano itago ni Uno ‘to at mag-adjust sa paligid niya. Kahanga-hanga para kay Raine makita ang anak na makipag-kaibigan sa iba, maging mas bata man o matanda ito sa kanya, lalong-lalo na sa mga taong napapansin niyang hirap makahanap ng mga friends.
Ngunit ‘di naisip ng mag-asawa ang lalim ng mararamdaman ng kanilang anak nang mapagtanto nito na maghihiwalay na sila ng best friend niya. ‘Di nila akalain na mahihirapan si Uno iwan si Teddy.
It’s their fault. They’ve forgotten how it feels to be a child. An only child with a best friend he’s known since he was three. Sa tagal at dalas nilang magkasama, naging mahalang parte na ng buhay ni Uno si Teddy. Bukod sa kanilang dalawa ni Edward, si Teddy ang isa pang constant sa buhay ni Uno.
But it’s too late now and ‘di na nila pwede pang atrasan ang pagtanggap sa foreign assignment ni Edward.
“Oh, anak,” naiiyak na sabi ni Raine nang makita ang mugtong mga mata ni Uno. “Uno…” Ito lang ang nasabi niya dahil she truly is at a loss for words. ‘Di niya alam ano ang pwede niyang sabihin para maalis ang kalungkutan sa mukha ni Uno.
“Mom? Do we really have to go now? I mean, I know aalis tayo but ngayon na ngayon na ba? Or do we still have time?” mahinang tanong ni Uno. ‘Di man ipinahalata ni Raine pero rinig niya ang panginginig sa boses ng anak. Halatang nagpipigil ito sa pag-iyak.
“Hindi naman. We have a couple more hours. Bakit? Is there anything wrong? Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Raine.
Umiling si Uno. “No, I’m ok, Mommy. Pero ok lang ba if I go over to Teddy’s? I promised her that we will spend our time together until we really have to leave eh.”
Tumango si Raine. “Ok, sige lang, anak. Are your bags all fixed?” tanong nito.
“Yes, Mom. They’re downstairs. Inayos ko na sila don kagabi para I don’t have to worry about taking them down. Mabigat, eh. I know you and Dad will be busy so baka mahirapan ako to take them down by myself.”
Napangiti si Raine. “Good thinking, Uno. Ok, sige. We’ll just finish things up here and then we’ll call you when we need to leave.”
Ngumiti rin si Uno. “Thank you, Mommy.” At kahit nagbibinata na si Uno at, to Raine’s dismay, nagiging conscious na siyang magpakita ng physical affection sa kanilang dalawa ni Edward, nagulat siya at natuwa nang bigla na lang niyang naramdamang binabalot siya ng anak sa isang mahigpit na yakap.
Hinabol ni Raine ng tingin si Uno habang nagmamadali itong bumaba sa hagdan at muli na namang sumagi sa kanyang isipan na ang bilis talaga pala ng panahon pag naging isang ina ka na. Kamakailan lang ay ayaw pakawalan ni baby Uno ang palda niya, nahihiya at takot makipaglaro sa ibang mga bata, gusto palaging nasa tabi lang ng mommy niya. Pero ngayon…
Lumabas bigla ng kwarto si Edward, tumutulo pa ang buhok sa pagmamadali sa paliligo.
“Babe, I’m sorry! I’m done with my shower. We still have enough time, diba?” sabi ni Edward habang pinupunasan ang salamin na natuluan ng tubig mula sa buhok niya.
“It’s ok, baby. Come,” sabi ni Raine habang kinukuha ang kamay ni Edward para hilahin ito pabalik ng kwarto nila. “Let me help you with your hair. You’re dripping water all over the floor. Ikaw talaga.”
Napakunot ang noo ni Edward. “Akala ko ba we need to leave? ‘Di pa ba tapos mag-ayos si Uno? Gusto mo tawagin ko na? Ako na sisigaw para magmadali siya.”
“Ed, hush. Marami pa tayong oras, ‘di natin kailangan magmadali. OA lang ako when I thought we should leave early. Ayos naman na since last weekend yung mga gamit natin. Nasa baba na raw yung mga gamit nung isa. And it’s not as if we’re going to die if we forget something. We’re going to a city, anyway. Let’s not rush and take our time until we really need to get to the airport,” sagot ni Raine.
“Huh? What’s going on? Naligo lang ako, naiba na ang ihip ng hangin? Why the sudden change of plans?” nagtatakang tanong ni Edward habang hinahayaan niyang iupo siya ng asawa sa dulo ng kanilang kama.
Hindi pa tuluyang nawawari ni Raine na aalis na talaga sila ng Pilipinas. Palibhasa kada lilingon siya sa paligid ay wala siyang nakikitang pagbabago, parang aalis lang sila para magbakasyon. Hindi naman kasi nila tuluyang iiwan ang kanilang bahay—ang bahay na pinagpaguran nilang mag-asawa para maipundar. Alam nila na balang araw ay uuwi rin silang muli dito, kaya napagkasunduan nilang ‘wag ito pakawalan. Laking swerte nila na pumayag si Ann mag-matyag sa kanilang tahanan. Madali lang naman raw at katabing bahay lang naman ito. May naka-set up na rin na cleaner para panatiliing maayos ang property nila at ‘di ito mapabayaan ng panahon. Kaya naman ang kwarto nila ay mukha pa ring kwarto nila. Kung ‘di pa bubuksan ang mga aparador at makikitang wala na itong mga damit sa loob, wala pang mag-aakalang mawawalan na ng tao ang bahay nila.
Pumasok si Raine sa banyo at kumuha ng tuwalya. ‘Pag labas nito sa kwarto ay tumayo siya sa harap ng asawa habang marahang pinupunasan ang basang buhok nito. Napangiti siya nang maramdaman ang mga braso ni Edward na pumupulupot sa bewang niya. “Babe?” halos pabulong na tanong ni Edward.
“Uno said he wanted to spend some more time with Teddy before we absolutely have to leave. I figured, we don’t need to be so early in the airport when kaunti na lang naman ang kelangan nating gawin. We still have time. He can still spend an hour or so with his lifelong best friend before they have to part.”
Naramdaman ni Raine na lalong sumikip ang hawak ng asawa sa katawan niya. “Aaaw, babe. That’s good. Ok, let’s give him as much time as we can, then.”
Ni-ring ni Uno ang door bell sa bahay ng mga Ortega. Nakarinig ng mga yapak papalapit sa nakasarang pinto si Uno at ‘di pa nakakalipas ang isang minuto ay may nagbubukas na ng pinto.
“Hi, Tita Ann,” panimula ni Uno. “Andyan po—”
‘Di pa tapos magsalita si Uno ay lumingon na si Ann sa direksyon ng loob ng kanilang bahay. “Teddy! Uno!” sigaw ni Ann. Sinundan ito ng tunog ng mga paang nagmamadaling pumanaog sa hagdan. Nung nakita nilang nakababa na ang nagdadalagang si Teddy ay tumalikod na si Ann. “Uno, pasok ka na lang,” dagdag nito bago tuluyang maglaho sa kanyang home office.
Tahimik ang paligid maliban sa mga foot steps ni Teddy na nagmamadaling makarating sa pinto.
Ngunit walang binatbat ang nagmamadaling padyak ng mga paa ni Teddy sa lakas ng dagundong ng t***k ng puso ni Uno.
Ganito ba ang nararamdaman ng dalawang magkaibigang malapit nang maghihiwalay? Na-take for granted ni Uno na palagi niya makikita ang masayang mukha ng kaibigan. Ngayong huling beses niya na makikita ito—at least for the foreseeable future—parang ang gusto na lang niya ay titigan at isaulo ang mukha ni Teddy hanggang oras na para umalis.
Nang sa wakas ay nakarating na si Teddy sa pinto, bakas sa ngiti nito ang bahid ng kalungkutan. Tulad ni Uno, namumugto ang mga mata ni Teddy na karaniwang nagningning sa tuwa. “Hi,” mahina niyang sabi. ‘Di mapigilan ni Uno malungkot dahil ‘di pa man sila nagkakalayo ay parang may distansya na sa pagitan nila ng matalik na kaibigan.
“Hi. Sabi ni Mommy, maya-maya pa daw kami aalis. She said I can hang out here muna.” Ngumiti si Uno. “With you.”
Binalik ni Teddy ang ngiti. “That’s good. Pasok ka?”
Tumango si Uno. “Teddy Girl? Would you mind if we hang out at the patio? I think I’m gonna miss seeing Tita Ann’s garden,” dagdag niya. Walang lakas ng loob si Uno na sabihin kay Teddy ang totoong dahilan: na hindi naman talaga ang garden ang mamimiss niya kung hindi ang mga alaalang nabuo nila sa garden ng mga Ortega.
Ang mga habulan nila simula pa nang matuto si Teddy maglakad, ang mga gabing nag-camping sila sa garden dahil walang libreng oras ang magulang nila para dalhin sila sa totoong camp site, ang mga maiinit na araw ng summer na nagkukulitan lang sila sa pool sa likod.
Hindi mabilang ni Uno ang oras na naubos niya sa patio.
Sa dining room.
Sa sala.
Sa bahay ni Teddy.
Sa buhay ni Teddy.
At ngayon ay aalis na siya nang ‘di niya alam kung kailan sila uli magkikita. ‘Di sa unang pagkakataon ay nakaramdam si Uno ng pagkainis na bata pa lang siya. ‘Di niya pa hawak ang kanyang buhay. Wala pa siyang kakayanan na kontrolin ang oras niya, ang direksyon ng buhay niya.
Nang sa wakas ay nakarating sila sa patio sa likod, agad na hinila ni Teddy ang kamay ni Uno para maupo sa tabi niya. Sumandal ito sa braso ni Uno at inihiga ang ulo sa balikat ng binata. “Wala nako makwento. Napag-usapan na natin kagabi. Ok lang ba na upo lang tayo dito?”
Napansin ni Uno na ‘di pa rin pinapakawalan ng kaibigan ang kamay niya kaya pinisil niya ito ng mahigpit. “Oo naman. Kaya nga ako nagpunta dito eh. Para we can hang out some more.”
Hindi na nagsalita pa si Teddy. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ni Uno na nababasa ang t-shirt niya sa may bandang balikat, kung saan nakasandal pa rin ang ulo ni Teddy.
Hindi na niya kailangan pa magtanong kung ano ang nangyayari dahil naririnig niya ring sumisinghot ang kaibigan. Lalong hinigpitan ni Uno ang hawak sa kamay nito.
Aalis na lang siya, hindi pa rin niya alam ang gagawin at hindi pa rin niya kayang tiisin ang kaibigan pagka-nagsimula nang lumuha ito.