Three years later
Kung swerte lang sa kapitbahay ang pag-uusapan, wala nang suswerte pa kay Raine.
Kada hapon, dinadala ni Ann sina Tiana at Isa sa park para makapaglaro sa playground. Dahil sa nag-iisa lang si Uno at walang instant kalaro—aka kapatid—sinusundo na rin ni Ann ang anak ng kaibigan para makapaglaro sa labas.
Kaya naman kada hapon, nagkakaroon ng oras para sa sarili si Raine. Don’t get her wrong. Her son is the best thing that ever happened to her and Edward as a couple and hindi niya ipagpapalit sa kahit anong bagay ang pagiging mommy ni Uno.
Pero bago siya maging ina ay meron siyang sarili niyang buhay and it’s nice to get a moment to yourself even if it’s just at least an hour every day. Bumabawi naman si Raine kay Ann pag hinahatid niya sina Uno at Tiana sa school. Pareho na silang nasa elementary since si Uno ay six years old na at si Tiana naman ay eight. At dahil Isa is a good sleeper, Ann gets some quiet time in the morning as she gears up for work.
Sinandal ni Raine ang likod sa recliner na naka-pwesto sa front porch ng kanilang bahay. Paborito niya ang maupo sa harap, tumingin sa front yard kung saan may simpleng garden, at magbasa. Ngunit higit sa lahat, Raine just likes to enjoy the peace and quiet.
Kahit kailan ay hindi pinagsisihan ni Raine ang pagiging stay-at-home mom. Besides, napagkasunduan nilang mag-asawa na since si Edward ang mas malakas kumita sa kanilang dalawa in terms of a regular income, si Edward na ang magpapatuloy magtrabaho at si Raine naman ang magbabantay kay Uno.
It works out majority of the time. And this is largely due to their neighbors, specifically ang kaibigang si Ann, giving Raine regular opportunities to decompress.
Pinikit ni Raine ang mga mata sandali dahil alam niyang maya-maya lang ay babalik na ang kaibigan niya na karay-karay ang mga masasaya, makukulit, at maiingay na mga bata.
And soon enough, nakarinig na ng mga yapak si Raine, senyales na malapit na ang anak niya. Nakangiti na si Raine bago pa buksan ang kanyang mga mata. Ano na naman kayang adventure ang ikukwento sa kanya ni Uno?
Pero napa-panic si Raine nang makita ang anak! Madumi ang suot nito, parang pinagpahiran ng putik, magulo ang buhok, at tila namamaga ang ilong. “Uno, anak! What happened?” sigaw nito habang tumatakbo papunta sa kanyang unico hijo.
Alam niyang mas malikot na ang bata. He’s six, after all. Pero mukha siyang nakipag-rambulan! Agad siyang tumingin kay Ann at lalo lang nag-alala nang makita ang mukha nito.
“Raine, I’m so sorry,” panimulang hirit ni Ann. “I turned away for one second and when I turned back, Uno was in a fight with another boy! They were going at it so hard, it took me and the boy’s dad to break them up,” paliwanag nito. Halatang worried ito sa nangyari sa bata at sa reaction ni Raine.
Hindi naman sa galit si Raine kay Ann. Sa dami ng beses na dinala nito ang kanyang anak, tiwala na siya na binabantayan ng kaibigan si Uno in the same way na binabantayan niya ang sarili niyang mga anak. “Ann, it’s ok. I know Uno can be a handful. I don’t blame you. But what happened?” It’s taking all of Raine’s efforts para ‘wag maging hysterical.
“Mommy! There was a bad boy! Bad siya, Mommy! Inaway niya si Teddy!” Every now and then, nagugulat pa rin si Raine kada tinatawag ng anak si Isa, ang pangalawag anak ni Ann, na Teddy. Simula nung unang araw na nagkakilala sila sa hospital room ni Ann, nung binigay ni Uno ang laruan niya sa sanggol, ay tinawag na ni Uno si Isa na Teddy Girl. Talagang pinanindigan nito na si Isa ang kapalit ng kanyang precious teddy bear.
Kahit anong pagtama ang gawin nila—niya, ni Edward, ni Ann, at ng asawa niyang si Johnny at ultimong si Tiana—di talaga nila mapilit si Uno na tawagin si Isa by her real name. Pilit niya talaga tinatawag ang kaibigan na Teddy.
“What do you mean, anak? May umaway kay Isa?” pagklaro ni Raine.
Mabilis na tumango si Uno. “Mommy, he took Teddy from Teddy. Di ako pumayag. I asked him nice to give Teddy back pero ayaw niya! He’s so bad, Mommy!” sumbong ni Uno.
On any given day, matatawa si Raine sa inis na nasa mukha ng anak. Pulang-pula ito at kada salita ay lumulubog sa gigil ang mga dimples sa magkabilang pisngi.
Pero not today. Not when nakikita niya na magkaka-black eye ang anak niya sa mga susunod na araw. Not when mukhang dumugo pa ang ilong nito. “What happened to your face, anak?” It took all of Raine’s willpower not to fly into a rage at sugurin ang batang nanakit kay Uno.
“Mommy, yung bad boy, he hit me!” galit na sinabi ni Uno. “Dito, oh!” turo niya sa kaliwang mata.
Napatikom ng bibig si Raine. At least alam na niya bakit magkakapasa ang anak under his eye.
“Tapos tinulak niya ko! I hit my nose when I fell,” turo naman niya sa ilong.
And that explains the bloody nose. Sinusubukan ni Raine pigilan ang galit na nabubuo sa puso niya. Alam niyang away bata ‘to pero halos nananaig na sa katawan niya ang need para sugurin ang magulang ng batang nanakit kay Uno at sabunutan at sampalin sila. Hindi niya mapapatulan ang bata pero no one said ‘di siya pwedeng gumanti sa nagpapalaki dito.
“Did you hurt him back?” tanong ni Raine.
“Mommy kasi…” sabi ni Uno. Halatang may gusto siyang sabihin pero nag-aalangan ito.
“Ano ‘yon, anak?”
“Eh baka you will get mad at me,” sabi ni Uno.
“Tell Mommy. We’ll figure it out together.” Ayaw basta mag-commit ni Raine na ‘di siya magagalit. Kailangan muna niya malaman kung may ginawang hindi dapat si Uno. Pero sa totoo lang, ‘di rin alam ni Raine ang kanyang gagawin. A small part of her feels like tama lang na gumanti si Uno at ipagtanggol ang sarili kahit na matinding ipinagbabawal nila ni Edward na manakit si Uno ng ibang bata.
“Mommy, ayaw ko kasi sana to hurt him. I got Teddy back naman kahit na he was a bully. Pero when I gave Teddy back to Teddy, tinulak niya rin si Teddy. Mommy, Teddy is only three! She can’t fight for herself. She fell down tapos naiyak na tuloy siya. So I had no choice but to push him away. Nabagsak siya sa ground. I’m sorry, Mommy! I don’t wanna be disobedient but di pwede may mag-hurt kay Teddy.” ‘Di pa man nakakapag-react si Raine ay humarap na agad si Uno sa Tita Ann niya.
“Tita Ann, diba you tell me I’m Teddy’s protector? So I had to make sure that boy doesn’t hurt Teddy! Was I a bad boy?” tanong ni Uno, may pakikiusap sa mukha.
Ngumiti si Ann sa bata bago magnakaw ng tingin sa kaibigan. Di niya malaman ang isasagot dahil ayaw naman niya makialam sa paano palakihin at disiplinahin ng kaibigan niya ang kaniyang sariling anak.
Napa-kibit-balikat si Ann. “Raine, I don’t wanna overstep my place but even if Uno ended up hurting the boy, it really was not out of line. Kahit nga yung daddy nung bata, napa-awat at nag-apologize dahil nakita niya na yung anak niya ang may kasalanan. I, for one, am glad that Uno did what he did. Or else baka nawalan na nga ng toy si Teddy—I mean Isa—siguro nasaktan pa yung bata.
“For what it’s worth, Uno really was Isa’s protector. He made sure that that boy can’t bully my little girl.”
“Tita Ann, I won’t let anything bad happen to Teddy. I’m her bodyguard,” matapang na proklama ni Uno.
Napaluhod si Ann para mapantayan ang mga mata ni Uno. “Thank you very much for being Teddy’s best friend, Uno. Because of you, di nasaktan si Teddy Girl.”
Makalipas bigyan ni Ann ng light kiss si Uno sa pisngi, tumayo siya para kausapin si Raine. “I don’t know if you still want to speak to the kid’s dad. I got his info, just in case. We can all go to their home and discuss what that boy did. But kanina, I saw how angry the dad was and how he scolded his son. The boy’s going through something daw, kaya he’s acting out. May sakit yata yung mommy ng bata, seryosong sakit, and the boy knows something’s up. Di ko na masyado pinush, naawa rin kasi ako dun sa daddy.
“And I’m really sorry, Raine. ‘Di ko talaga sinasadya. Nakakita kasi kami ni Tiana ng flower na we were taking photos of para sa Science class niya. Nalingat lang kami talaga saglit and then boom! World war na agad.”
Tumango si Raine. “I believe you, Ann. Thank you for sorting it out. Edward and I will probably talk about it muna siguro and see if there’s anything that needs to be done.”
“Ok, lemme know if there’s anything you need from me. In the meantime, uuwi na muna ‘ko. Buti nakarating na si Johnny from the office so may nagbabantay sa kids but it’s my turn to make dinner tonight…”
“Ano ba, Ann! You don’t even have to give me a reason. Thank you for taking Uno home. Sige na, I know busy ‘tong time na to for the Ortega household. Usap na lang tayo later, kung sakali.”
Nang makaalis na si Ann, saka muling pinansin ni Raine ang anak. Nakayuko ito, nakatingin sa sapatos niyang nadumihan ng lupa mula sa playground. “Are you ok, honey?” tanong ni Raine.
Tinaas ni Uno ang ulo at tumingin sa nanay. Ngayong six na si Uno, ‘di na ganon kadalas ang pag-iyak ng bata. Natututunan na niyang icontrol ang kanyang emotions. Pero right now, kitang-kita na overwhelmed ang bata.
“Mommy, was I bad? Did I make you angry?” alalang tanong nito.
Tumulo na ang luha ni Raine sa awa sa bata. ‘Di pala-away si Uno. Sa katotohanan, ang worry ni Raine ay lalaki ang anak na pushover. Kaya alam niyang malaking bagay yung he got into a physical fight with another boy.
Kahit na six years old na si Uno, nasa edad na na hindi binubuhat—mahaba pa siya for his age—ay di na nakapagpigil si Raine na buhatin ang bata.
“I’m not happy you got into a fight, baby, but sometimes, you have to defend yourself and the ones that need your help. In this case, since Teddy’s too young, you did right by coming to her defense. Pero sana ‘wag mapadalas, anak. I don’t want you getting into fights often, ok? Next time, as much as possible, whatever other people say, it’s better to walk away. Do you understand, Juan Antonio?”
Niyakap ng mahigpit ni Raine ang bata. Araw-araw, naiisip niya kung gaano kabilis tumakbo ang mundo. Parang kahapon lang ay tinuturuan niya ang anak kung paano lumakad.
Ngayon, he’s turning into a gentleman who will risk his safety to defend his friend.
“Mommy, ouchy my body,” sabi ni Uno.
“I’m sorry, anak. Let’s go inside and get you all cleaned up. Tapos we’ll have dinner. Malapit na umuwi si Daddy. After dinner, I’ll give you a shower tapos you’ll take paracetamol para your body won’t hurt, ok? Pero I think you’ll have a black eye tomorrow,” sagot ni Raine.
“Mommy?” bulong ni Uno habang nakasiksik ang mukha nito sa leeg ni Raine.
“Yes, anak?”
“Even if ouchy body ko, I won’t let anyone hurt Teddy Girl. I promised to take care of her and be her friend. I won’t ever let anyone do anything bad to her,” sumpa nito.
Napangiti si Raine. Grabe lang ang loyalty ng anak niya sa kaibigan. Napaisip tuloy si Raine if this will turn into something else pag tumanda na ang dalawa.