Ramdam ni Raine ang paghatak sa kanya ng anak. “Mommy, hurry please!” pakiusap nito habang hinihila pausad ang nanay.
“Uno, please. We’ll get there eventually. The baby’s not going anywhere!” hirit ni Raine habang hinahatak ng anak ang kanyang kamay.
“But I want to meet baby!” sagot ni Uno.
Napa-buntong hininga na lang si Raine. Mukhang di mapipigilan ang excitement ni Uno makita, for the first time, ang bago niyang kaibigan at kalaro.
Sa wakas, nakatayo na ang mag-ina sa tapat ng nakasarang pinto. Kumatok ng mahina si Raine bago pumasok sa kwarto. “Ann?” tawag niya.
“Raine?” sagot ng kaibigan mula sa kama sa gitna ng silid. “You’re finally here! Buti naman!” sabi niya pa.
Pumasok na ng tuluyan ang mag-ina nung marinig ang boses ng kaibigan. Natawa na lang si Raine makita si Ann na partially nakaupo sa kama. Nakaharap ito sa isang bassinette na nasa tabi ng higaan.
“You’re up?” sabi ni Raine.
Ngumiti si Ann. “Yeah. I just finished feeding the baby,” sabi niya.
“Tita Ann!” malakas na bungad ni Uno pagpasok sa kwarto. Napa-rolyo ng mata si Raine. Nag-aaral pa lang sila ng anak ng indoor voices at di pa ito namamaster ng bata.
“Uno, soft voice please. Natutulog si baby, oh! Saka si Ate Tiana,” hirit ni Raine. Napansin na niya ang batang nakahiga sa kama ni Ann pagpasok na pagpasok pa lang nila sa silid.
“Saan baby, Mommy?” Lumapit si Uno diretso kay Ann. “Tita Ann, saan baby?” tanong niya ulit, pero this time, malumanay na ang boses.
Napatawa ng mahina si Ann. “Andito si baby, Uno. Do you wanna know the baby’s name?” alok nito.
As if by instinct, napayakap si Uno sa hawak na laruan habang tumatango ito.
“Juan Antonio Cruz,” seryosong intro ni Ann, “I want you to meet Sofia Isabel Ortega.” Tumingin si Ann sa kaibigan, “Girl, pabuhat naman kay Uno so pwede niya masilip si Isa.”
Napabuka ng bibig si Raine. “You’re calling her Isa?” tanong nito.
Agad na tumango si Ann. “Yeah. Uno, meet your new friend, Isa. Isa, this is Kuya Uno.”
Halos mabali ang bewang ng bata para lang makalapit sa bagong panganak na sanggol na kasalukuyang natutulog. “Mommy, is Isa a boy or a girl?” tanong ni Uno.
Ngumiti si Raine. “Isa is a girl, baby. That’s good, right?”
Nakasimangot si Uno. “Isa will play with Uno even if she’s a girl?” tanong nito. Alam talaga ni Uno ang mga priorities niya.
Natawa si Ann ng malakas. Pinigilan niya lang ang sarili nung napaungol sa pagtulog ang panganay na si Tiana. “Of course, Uno! It doesn’t matter whether Isa is a girl or a boy. She’ll play with you and be your friend. But since she’s younger than you, you’ll take care of her and help her be a good girl, right?”
Ngumiti si Uno. “Yes, Tita.” Inilapag ni Uno ang dalang teddy bear sa tabi ng sanggol.
Agad na inayos to ni Ann sa paanan ng sanggol. Kelangan pa siguro linisin ang laruan pero ayaw rin ni Ann malungkot si Uno kapag nalaman niyang di pa pwede agad ilapag ang paborito nitong laruan sa tabi ng baby. “Teddy also wants to meet Isa?” tanong niya sa bata.
“Tita Ann, Teddy is for Isa so she will not cry. Teddy will be her friend when Uno is in our house or in school. Mommy says lapit na pasok si Uno sa school, eh,” paliwanag nito.
Napalingon si Ann kay Raine. “Binibigay ni Uno si Teddy?” Alam ni Ann kung gaano ka-importante sa bata ang stuffed toy.
Tumango naman si Raine. “Yup. Gift daw niya. Siya mag-isa nakaisip niyan ah. Kaya nga na-delay kami ng pag-alis sa bahay. Na-late tuloy kami ng slight. Ewan ko what got into his head. Naisip na lang talaga niya bigla ibigay si Teddy.”
Hinarap ni Uno ang kaibigan ng Mommy niya. “Tita Ann, I don’t need Teddy anymore. My new teddy is Isa. She looks like a teddy bear too? She will be my friend.”
“Are you sure, baby?” paniguradong tanong ni Ann.
Tumango si Uno. “Yes, Tita Ann.”
“Eh what are you gonna do if you get sad? Will you get Teddy from Isa?” dagdag pa ni Ann. Hindi pa rin siya makapaniwala na Uno will give away his favorite toy just like that.
Napabuntong hininga ang bata. Halatang naiinip na sa paulit-ulit na tanong pero pinipigilan ang sarili na mainis. “Isa is Teddy Girl. We’ll play together!” sagot niya.
Hormonal pa siguro si Ann dahil sobra siyang na-touch sa sinabi ni Uno. “Thank you for being Isa’s first friend, Uno. I’m glad that it’s you. And I’m sure that you and Isa will be very good friends.”