He's My Naked Decision 04

3876 Words
Chapter 4 ••• Can I be your boyfriend, Honey? ••• Pinilit ni Mitch idilat ang mga mata dahil sa mga mahihinang yabag na kaniyang naririnig sa paligid. When her eyes opened, she was greeted by Lee who was changing his clothes. His movements were in rush but swift enough to not create loud thuds. Her forehead creased before a yawn escaped her mouth. Kararating lang ba ni Lee? Iyon ang tanong sa utak niya habang pinapanood ang mga galaw ng binata. Napatingin si Mitch sa orasan na nasa bedside table. Her eyebrows furrowed when she saw the time— eight twenty-seven A.M. Nanatiling tahimik si Mitch at pinanuod niya lang si Lee na dahan-dahang pagbibihis nito, halatang ayaw makagawa ng kahit anong ingay. When Lee was finally done changing into his boxer shorts and a shirt, he sighed in relief. Mitch closed her eyes— pretending to be still asleep. Naramdaman niya ang paglundo ng kama sa bakanteng espasyo sa tabi niya tanda na tumabi sa kaniya si Lee. Tumagilid si Mitch ng pagkakahiga upang talikuran si Lee na katabi niya na ngayon. Hindi niya maintindihan ang sarili, kung bakit bigla siyang nakaramdam ng inis. She's not just annoyed, she's hurt with the thought that Lee came home just this morning from wherever he went. Tanda pa rin ni Mitch ang sinabi nito kagabi bago umalis na hindi siya magtatagal sa pupuntahan nito. Pero bakit ngayon lang siya dumating? Mitch sighed when she felt Lee's arm circled around her waist from behind. Gustong alisin ni Mitch ang pagkakayakp nito sa kaniya dahil sa sobrang inis na nararamdaman mula sa pagsisinungaling nito sa kaniya. "I know you're awake," bulong ni Lee sa tainga niya. His breath was fanning the crook of her neck. Napadilat si Mitch at ngumiwi. She's not really good in pretending and she hated the fact that Lee knew her this much. Mitch huffed a deep breath because of frustrations and annoyance. She removed Lee's arms around her. Lumayo rin siya nang kaunti sa binata para magkaroon ng distansya sa pagitan nila. Lee sighed before giving Mitch an apologetic face— puppy eyes and pouted lips. "Sorry. Na-extend 'yong lakad ko," Lee apologized. "I am not asking. No need to explain anything," she answered with a resting face. Then, she closed her eyes. Kulang ang tulog ni Mitch dahil naghintay siya ng hanggang alas tres ng madaling araw sa pag-uwi ni Lee. Pero hindi ito dumating gaya ng sinabi nitong babalik siya kaagad. Mainit ang ulo niya para kausapin si Lee. She didn't want to talk for she might say words she would regret at the end. Mitch didn't expect to fell asleep with a heavy and annoyed heart. She's blaming Lee for that. Nagising na lang siya nang may kiliting nararamdaman sa gitna ng kaniyang mga hita. A moan escaped her lips when she felt surge of pleasure and then she exploded. She's so flustered as she felt how wet she was in between her legs. She couldn't believe that her dream about Lee pleasuring her mound was really happening! Umangat ang ulo ni Lee matapos ang orgasmong naabot ni Mitch. Nagtagpo ang mga tingin nilang dalawa. Nag-init ang mga pisngi ni Mitch nang mapatingin siya sa labi ng ni Lee na nangingintab dahil sa likido rito. She knew that sticky liquid— it came from her. "Hey?" Gumapang paibabaw sa katawan niya si Lee hanggang sa magpantay ang mga mukha nila. Kaagad na dumampi ang halik nito sa kaniyang noo, pababa sa ilong 'tapos sa pisngi. Mitch heaved a deep sigh when their lips were just an inch away from each other. He was hovering his lips over her. His minty breath was intoxicating. "Gutom ka na? I'll cook for you. Anong gusto mo?" malambing na tanong nito. "I'll take a shower. Get off." "Gusto mo sabayan kitang mag-shower? Hmm?" Lee started raining kisses on her face down to her neck. "Ayoko. Get off me," walang emosyon na sagot niya. Ayaw man aminin ni Mitch sa sarili pero naiinis pa rin siya sa nangyari kagabi na naghintay siya sa binata para sa wala. "Come on, Lee." She hissed. "Nanlalagkit na ako e," inis niya pang sabi rito at pilit na itinutulak paalis sa ibabaw niya. Kaagad bumangon si Mitch sa kama nang tuluyang mapaalis si Lee sa ibabaw niya. Inayos niya ang kaniyang shorts. Walang lingon na pumasok si Mitch sa banyo at napasandal sa isinara niyang pinto nito. Huminga siya nang malalim bago hinubad ang lahat ng kasuotan at pumailalim sa shower. She should not react this way just because Lee didn't do what he promised her last night. He said he would come back as soon as possible. But he didn't stay true to his words. That disappointed Mitch, big time. Naalala niya ang naging pagtatapos ng relasyon nila ni Lee noon— she left him because he didn't have the capability to make what he said happened. Mitch hated Lee for being incapable back then. Kahit gusto niyang manatili noon sa tabi ng binata, hindi maaari. Noon, alam ni Mitch na wala siyang mapapala kay Lee kahit sobra niya itong mahal. And years had passed... But Lee seems incapable. Still got no something to offer. Napabuntong hining si Mitch bago pasimpleng sinabunutan ang sarili. Dapat hindi siya bumalik sa dating Mitch— dapat manatili siyang hindi apektado! If she wanted to win this f*****g game, her heart should be strong to conceal every emotion she has for him. Nang matapos maligo, kaagad na nagbihis si Mitch at lumabas ng k'warto. Her determined face turned into a frown when she saw Lee comfortably sitting on the sofa at the sala. Nakabihis na naman ito kaya nakaramdam na naman siya ng inis. Saan na naman ito pupunta? "Ang bango mo," Lee said before giving Mitch a calculating smile. Halatang sinusuri niya ang reaksyon ng dalaga habang palapit ito— galit pa rin ba 'to o okay na sila? Hanggang ngayon, aminado si Lee na kahit gaano niya kilala si Michelle Arga, kapag pinili nitong itago ang kaniyang emosyon, mahirap malaman kung anong tumatakbo sa isip nito. "Your compliments for me always feel like you're asking for s*x," Mitch said before chuckling. In that instant, she managed to look okay and not affected at all. She really did master the art of faking. "You're always overthinking everything I say," Lee said. Napailing naman si Mitch sa sinabi ni Lee. Hindi niya na 'to binigyan pa ng kulay. Sa halip, naupo siya sa tabi ng binata 'tapos ay kaagad na humilig sa balikat nito. Naiinis man si Mitch at gusto niya itong awayin, hindi p'wede— dahil wala siyang karapatan. Laro lang 'to. Wala siyang karapatang mag-demand ng kahit ano. Ayaw niyang maging talunan sa larong nag-uugnay sa kanilang dalawa. Hindi siya p'wedeng matalo at muling madala sa sinasabi ng puso niya— dahil hindi lang siya ang apektado. Kapag nasaktan niya, may isang importanteng tao na madadamay. Mitch was okay before she met Lee again. She's aware of that something that stirred inside her after having Lee as her one-month contract boyfriend. But then again, she shouldn't let her heart and emotions decide. Kasi no'ng huling beses na gano'n, nasaktan lang siya. "Hindi ka na ba galit?" parang batang tanong ni Lee sa kay Mitch bago hinawakan ang kamay nito. She sighed. "Hindi naman ako nagalit," she denied, trying so hard to hide the annoyance and bitterness. "Really? Why does it— Michelle," Lee hissed as she felt her kissed the crook of his neck. He stilled when she nipped his skin. "So naughty. Hmnnn... You know how I lose myself because of you." Mitch grinned. She licked and sucked his neck until she finally left a red and swollen mark— her work of art. "There. My work of art." Saka siya tumingala kay Lee na nakangisi na rin sa kaniya at sa ginawa niya. They're back to being clingy and hot to each other. "Your work of art is perfect. I like it." Then he gave her a peck on her lips. "So, what's with the outfit? May lakad ka ulit?" nakangusong tanong ng dalaga kay Lee. Inakbayan niya si Mitch bago hinalikan ang noo nito, "About last night, uuwi na kaagad sana ako kaso napahaba ang bridal shower na pinuntahan ko." May pag-aalangan sa mga mata ni Lee na tila inaalam ang magiging reaksyon ni Mitch. But Mitch knew better than to show her real emotions. Pinilit itinago ni Mitch ang inis at sakit sa mga mata dahil sa nalaman. Kung gano'n, galing si Lee sa isang bridal shower? Nagcake-man ba siya ro'n 'tapos sumayaw na parang macho dancer habang hinuhubad ang mga damit? Sa harap ng ibang babae? She swallowed an imaginary lump in her throat before faking her smile. She even gave him a peck on his lips before taking his hand on her. "Oh. So, may work ka ulit ngayon?" 'yon lang ang nasabi ni Mitch. Pilit na ngumiti siya nang pilya upang hindi makita ng binata ang inis niya sa ideyang pumasok sa utak niya— baka may ikinama si Lee na babae sa bridal shower na iyon kaya ito natagalan sa pag-uwi. "I didn't really mean to break my promise na babalik ako–" "Come on Lee," she dismissed him. "I don't care about last night. Let's forget about that. So, may... May work ka ba ulit ngayon?" "Wala. Gusto ko sanang yayain kang lumabas. Let's eat outside. Tanghali na rin naman. Don't worry, my treat. What do you think?" he hopefully asked. Nawala ang lahat ng inis ni Mitch at napalitan ng kasiyahan dahil sa simpleng alok na iyon mula kay Lee. No matter how much she denied it, she got soft spot for Lee. It's almost a week since the game called Lucky 9 started and this was the first time that they would go outside to eat. Together. Mitch wanted to consider it as their first date since the day they were reunited by the game. "Is this a date?" Saka siya naupo sa kandungan ni Lee nang may pilyang ngisi. He grinned at her before placing both of his hands on the sides of her waist to pull her closer. Then, he kissed her fully on the lips. Mitch responded with the same ferocity. Her hands gripped his shoulders with so much anticipation and desire. She would never ever be able to deny the attraction and s****l tension between them. They were both catching their breaths when their lips separated. "Gusto ko talagang matuloy 'tong date natin. So please... I am begging you, Honey," he hissed, trying so much to control himself. "Get off of my lap then go to our room and change your clothes." Mitch shut her eyes closed when Lee pushed his hips upward to make her feel how alive he was down there. "I am really trying so hard to not rip your clothes and ravish you," he added as his breathing became ragged. Nakangising umalis mula sa pagkakaupo sa kandungan ng binata si Mitch. She blew Lee a flying kiss before running upstairs to change her clothes. Pagkababa ni Mitch matapos makapagbihis, lumapit kaagad sa kaniya si Lee at umakbay. Sabay silang lumabas ng bahay at nagtungo sa kotse ng dalaga. Pero kahit kotse ni Mitch ang gamit nila, Lee was the one on the driver seat. "So, it's really your treat?" tanong ni Mitch na may halong panunudyo pa kay Lee. It was so rare for Lee to treat someone because he really values money. That's one attribute he developed for being the breadwinner of his family. Kaya naman nakakagulat talaga para kay Mitch iyong mga pagkakataong manlilibre ito. "Gulat na gulat ka? Well, I earned too much last night. Nabili ko na ng maintenance na gamot si Nanay at nabigyan ko na ng allowance si Tina para sa buong buwan. May natira pa kaya naisip ko na gastusin na lang 'to para makapag-date tayo." Kinindatan ni Lee ang dalaga na halatang pinakaisip-isip kung bakit nga ba siya manlilibre. Irritation filled Mitch but she pushed that feeling away. She needed to stay compose. Naiinis siya dahil ang perang gagamitin naman pala nila sa kanilang date ay galing sa trabaho ni Lee bilang stripper sa bridal shower na pinuntahan nito kagabi. Mukhang nag-enjoy ang kung sino mang malalanding babae na 'yon kaya ang laki ng binayad nila kay Lee, Mitch thought. Mitch smiled sweetly at him to hide her irritation. Inilagay niya na lang sa kaniyang utak na ginagawa lang naman ni Lee ang maduming trabaho na iyon para sa pamilya nito. Her smile turned into a forced one when she remembered that this was the same thing she's doing back then— fighting herself to not argue with Lee because of his job. "You okay?" "Ha? Ah, oo naman. Naalala ko lang kasi si Nay Lidya," sagot ni Mitch para bumaling na lang sa pamilya ni Lee ang usapan. "Ah... Si Nanay? She is good but never been better. Nakaratay na lang siya ngayon dahil na-stroke siya at na-paralyze ang kalahati ng katawan niya." "What? Stroke?" Nakaramdam nang pag-aalala si Mitch sa nalaman. Huling kita niya sa nanay ni Lee ay masigla pa ito at tanging gamot lang sa high blood ang pinoproblema. "Kaya nga todo kayod pa rin ako hanggang ngayon, Mitch." May mapait na ngiti sa mga labi ni Lee. Katulad ng dati, nakatali pa rin si Lee sa kaniyang trabaho bilang stripper dahil kailangan nitong maibigay ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya. Inabot ni Mitch ang kamay nitong nakahawak sa manibela at pinisil. For some reasons, she wanted Lee to feel that she was not going to leave him alone. Kahit na, alam ni Mitch sa isip niya na pagkatapos ng isang buwang laro ng Lucky 9, kailangan ulit nilang umalis sa buhay ng isa't isa. "Eh si Cristina?" Mitch asked, trying to lift up the mood. "Fourth year college. Matatapos na siya sa pag-aaral at magiging teacher." "Wow! I remembered clearly Tina when she was still in Grade ten. She said to me that she really wants to be a teacher. I am glad she's so near on that goal." "Yeah. Tina keeps on asking about you, by the way." "Really?" Nagtuloy-tuloy ang k'wentuhan nila Mitch at Lee tungkol kay Tina at sa mga naging achievements nito habang nag-aaral. Mitch felt proud for his sister and what she's doing in her education. Kahit mas bata sa kaniya si Tina, naging isa ito sa mga malalapit niyang kaibigan lalo na no'ng magkasama pa sila ni Lee. Masaya siya para sa kaibigan niya at para kay Lee na may napupuntahan naman ang mga sakripisyo nito. "We're here." Pagkababa nila ng kotse, pumasok sila sa pinagdalhan sa kaniya ni Lee. Mitch was a bit surprised, actually. She didn't expect that Lee would bring her to this place— Ang parehong lugar kung saan madalas silang kumaing magkasama noong high school pa sila. "So, missing the high school days?" tanong ni Mitch matapos maupo sa pinaghila sa kaniyang upuan ni Lee. He sat at the chair in front of her. "I miss the foods here. Ayaw mo ba rito?" "No. Na-miss ko ring kumain dito. I mean, the sisig and the lechong kawali here are the best. Naalala mo ba–" "Michelle? Jared?" Hindi natapos ni Mitch ang sinasabi niya dahil sa tumawag sa kanila. Bumaling sila sa tumawag sa kanila at kaagad napangiti si Mitch. "Manang Ellen!" masayang tawag ni Mitch sa ginang na malaki ang pagkakangiti sa kanila. Lumapit ang ginang sa kanilang mesa at kaagad namang tumayo si Mitch para yakapin ito. "Kumusta, iha? Kay tagal na nang huli kitang makita rito," anang ng ginang 'tapos ay napatingin kay Lee. "Jared? Hindi ba't ikaw si Jared?" "Opo, Nay Ellen," magalang na tugon ni Lee. Niyakap din ito ng ginang 'tapos ay saka namang dating ng asawa nitong tinuring na ama ni Mitch, si Tatay Dang. "Tay Dang!" Niyakap rin ni Mitch ang matandang lalaki. "Aba at ang mga bata na ito, kayo pa rin pala hanggang ngayon? Magpapakasal na ba kayo?" Nanigas ang ngiting nasa mga mukha ni Lee at Mitch dahil sa tanong ni Tatay Dang sa kanila. Nagkatinginan sila at kaagad napaiwas ng tingin sa isa't isa. "Ano, Jared? Kailan ang kasal?" ulit na tanong ni Tatay Dang kay Lee na ikibit balikat lamang ang naging sagot. "Ikaw talaga Danilo! Palagi na lang 'yan ang itinatanong mo sa dalawang 'yan! Magtigil ka nga!" Hinampas pa ni Manang Ellen sa balikat ang asawa para ilayo ang usapan sa kasal. Bumaling muli si Manang Ellen sa kanilang dalawa. "'Yung dati ba ang order ninyo?" Tumango na lang si Mitch sa matanda pagkatapos ay nakahinga nang maluwag dahil umalis na ang mag-asawa para ihanda ang order nila. Silence filled their table and Mitch didn't know what to say. That's why she focused herself staring at their table. A frown registered on Mitch's face when she noticed the vandalism on their table. Her heart skipped a beat when she recognized the vandalism. Kaagad na nag-angat ng tingin and dalaga para ipalibot ang tingin sa kabuuan ng kainan na halos wala namang pinagbago simula nang huling punta niya rito. Her heartbeats became faster when she realized that they were actually sitting on the same table where they will always eat back then. Muling napatingin si Mitch sa vandalism na nakasulat sa lamesa. Can I be your boyfriend, Honey? Hindi na napigilan ni Mitch nang rumagasa ang mga ala-ala tungkol sa vandalism na 'yon. *** "Mitch, kain tayo kila Manang Ellen! Libre ko." "Okay po," malambing na sagot ni Mitch sa imbitasyon ni Jared 'tapos ay kumapit pa sa braso nito. Pagkapasok nilang dalawa sa kainan nila Manang Ellen at Tay Dang, naupo sila sa parehong p'westo na lagi nilang pinipili kapag dito kakain. "Oh! Ellen! Nandito na naman sila Jared!" Sabay na lumapit sa kanilang dalawa ang mag-asawa. "Michelle! Na-miss kita! Hindi kasi kayo pumunta rito kahit isang beses noong nakaraang linggo. Nakakatampo." Niyakap ng ginang si Mitch. "Pasensya na Manang Ellen ah. Tinapos po namin ang exam last week. " Nagpa-cute pa si Mitch sa ginang na ikinatawa na lang nito. "Oy Jared! Niyaya mo na bang magpakasal 'tong si Michelle kaya kakain kayo ngayon dito?" tanong ni Tay Dang kay Lee na kumamot na lang sa batok nito at napatingin kay Mitch. Madalas silang niloloko ni Tatay Dang tungkol sa kasal na para bang napakasimpleng bagay lang no'n. May pilit na ngiti ang si Mitch habang nakatingin kay Jared. Alam niyang naiilang ito kila Manang Ellen at Tay Dang dahil pinilit niyang magsinungaling si Jared na boyfriend niya ito kahit na M.U. lang sila. "Hoy, Danilo! Ang bata pa nila para riyan sa kasal na 'yan! Tigilan mo nga 'yan!" "E kay bagal naman kasi nitong bata ko!" "Ewan ko sa 'yo! " Hinampas ni Manang Ellen ang balikat ng asawa bago humarap sa kanilang dalawa ni Jared. "Jared? Michelle? 'Yung dating order ba?" Tumango silang dalawa at kaagad tumalima ang mag-asawa upang magpunta sa kusina para sa order nila. "Jared? Okay ka lang?" tanong ni Mitch. "Okay? Mitch, hanggang kailan tayo magpapanggap sa harap nila?" puno ng pagtatanong sa mga mata ni Jared. Michelle just shrugged and reached Jared's hand on the table. "Come on, Lee Jared Trinidad. Manang Ellen and Tay Dang really wanted us together and I don't want to disappoint them. So please?" Jared heaved a deep sigh before he smiled at her. At natutuwa naman si Mitch dahil umayon muli ang binata sa nais niya. Ipinalibot ni Mitch ang tingin sa kabuuan ng kainan nila Manang Ellen. Kahit hindi kalakihan ang lugar, maraming kumakain. Hindi naman nakapagtataka iyon kay Mitch dahil masarap talaga ang mga pagkain dito. Tanging hiling ni Mitch na sana mas dumami pa ang mga pupunta rito at kakain. "Mga anak! Ito na ang order ninyo." "Salamat po, Manang Ellen," magiliw na tugon ni Mitch sa ginang na kaagad bumalik sa kusina. Malaki ang mga ngiting inilapit ni Mitch ang kanin na nakalagay sa sizzling plate kasama ang sisig na isa sa mga paborito niya ritong i-order. Sumunod naman siyang kumuha ng lechong kawali na isa rin sa mga paborito niya. Maganang sumubo si Mitch ng pagkain. She was chewing her food when she noticed Jared. "Hoy! Andito na ang foods! Ano bang ginagawa mo riyan ha?" Nag-angat ng tingin sa kaniya si Jared na may pinagkakaabalahang kung ano. "What are you doing, dude?" mataray na tanong ni Mitch na ikinangiti lang ng binata. "I just want to ask you something." Kumunot ang noo ni Mitch nang itinuro ni Jared ang mesa. Pero hindi rin naiwasan ni Mitch na manlaki ang mga mata nang makita ang mayro'n sa mesa. A vandalism. A vandalism saying, Can I be your boyfriend, Honey? Pakiramdam ni Mitch nawala ang lahat ng dugo sa katawan niya. She didn't know what to say. She was comfortable with Jared and she's not denying the fact that she felt something for him. But Mitch was also not denying the truth that her feelings for Jared was not enough to risk her heart on the line. Maraming hindi tama sa relationship nila ni Jared. Jared was a stripper! And Mitch knew that her parents won't approve. Her feelings was not that strong too to choose Jared over her family. So she needed to do what she has to do. Huminga nang malalim ang dalaga bago kinuha ang hawak na pentelpen ni Jared at nagsulat sa ibabang bahagi ng vandalism nito para sagutin ang tanong nito. She wrote a Not yet. Nag-aalangang nag-angat ng tingin si Mitch kay Jared na wala sa kaniya ang tingin kun'di sa isinulat niya. "I'm sorry. " *** Napaigtad si Mitch nang may ilapag na mga pagkain sa mesa na nasa harap niya. Bumalik siya sa katotohanan at pilit na nginitian si Manang Ellen na ngumiti muna sa kanilang dalawa ni Lee bago bumalik sa kusina. "Are you okay?" Pilit na ngiti ang isinukli ni Mitch sa tanong sa kaniya ni Lee. Itinuon niya ang atensyon sa pagkaing nasa kaniyang harapan at pinilit ang sariling huwag tingnan ang vandalism na nasa lamesa. Wala nang gana si Mitch pero pinilit niya ang sariling kumain. "Can I be your boyfriend, Honey?" Hindi nakagalaw si Mitch sa sinabi ni Lee. Napaangat kaagad siya ng tingin sa binata na naiiling na nakatingin sa vandalism na nasa mesa. "Ano iyon?" tanong niya. Nag-angat ng tingin si Lee at nagtama ang mga mata nila. May ngiti sa mga labi nito at may kakaibang mga emosyon ang nasa mga mata. Hindi niya mabasa ang emosyon nito. "I wrote this question and you wrote back a negation to me as an answer. I am just wondering. Kung itinanong ko na lang ba sa iyo iyon noon, hindi pa rin kaya ang isasagot mo?" Umiling si Lee na para bang alam na nito ang magiging reaksyon niya. Huminga na lang nang malalim si Mitch nang mapaisip siya sa tanong ni Lee. She didn't understand but a part of her said that her answer might change if Lee asked her that question rather than writing it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD