CHAPTER 19 ••• When You and I Decided to... ••• "Sobrang saya ko ngayon, Michelle. Maraming salamat sa bakasyon na ito," turan ni Nanay Lidya bago niya hinawakan ang kamay ni Mitch na nakaupo sa kaniyang gilid. Ngumiti naman kaagad si Mitch sa pagpapasalamat ng ginang. They were now inside the car, on the way back to Lee's home. Natapos ang maiksing bakasyon nila na ang lahat ay may malawak na ngiti sa mga labi. Everyone enjoyed the resort and the time spent in there. Mitch couldn't ask for more. She was so happy that she made Lee's family happy. "Ate Mitch! Salamat talaga ha. Ngayon ko na lang ulit nakita si nanay na ganyang kasaya," masiglang komento ni Tina na binalingan si Mitch. She's actually trying to lighten up the mood. Nakaupo ang dalaga sa shotgun seat habang si Vincent

