CHAPTER 20 ••• Going to Something Unwanted ••• "Ang aga mo namang nagising." Napalingon si Mitch sa pinanggalingan ng boses. Nakahiga pa rin si Lee sa kama, pupungas-pungas ang mga mata, habang nakakunot ang noo na nakatingin kay Mitch na ngayon ay nakabihis at nakaupo paharap sa vanity mirror nito. Abala ang dalaga sa pag-aayos ng sarili. "Well, I need to go to my mother's house." Mitch looked at the the mirror for one last time before she finally turned her body towards Lee. Sinuot ni Mitch ang napiling heels 'tapos ay saka tumayo at naglakad palapit sa kama kung saan nakaupo na ang kakagising lang na si Lee. Mitch sat on the edge of the bed. Kaagad namang umusog ng upo palapit si Lee sa kaniya, saka ipinalibot ang mga braso sa baywang ng dalaga. Binigyan ng magaang halik ni Lee

