Chapter 5

1478 Words
Chapter 5 – Red POV “May mga lihim na mas mabuting itago, kahit kapalit ay sarili mong buhay.” Tahimik ang paligid habang nakaupo ako sa loob ng lumang opisina ni Dark. Ilang segundo lang mula nang pumasok siya — diretso, galit, at halatang nabubuwisit sa isa na namang sablay naming plano. Tumayo siya sa harap ko, bitbit ang laptop na may footage mula sa CCTV. Nakita naming lumabas si Cheska mula sa likod ng building — mag-isa, walang bantay, walang takot. Pero gaya ng dati, nakaligtas na naman siya. “Red…” malamig ang boses niya. “Ilang beses na tayong pumalpak. Sa ganitong rate, baka makapagtago na siya habang buhay.” Tahimik ako. Gusto kong magsalita, pero alam kong mali ang kahit anong madulas kong sabihin. “May taong nagtatraydor sa atin,” dagdag niya. Napatingin ako sa kanya. Diretso ang tingin niya sa akin, pero hindi ako natinag. Hindi ako dapat magpakita ng kahit anong emosyon. “Hindi ko tinuturo kung sino. Pero mula ngayon, ako na mismo ang gagalaw.” Doon na nagsimula ang kaba ko. “Ako ang lalapit sa target. Hindi na pwedeng puro tauhan lang.” Tumigil siya sandali bago ngumiti—isang ngiting may halong panggugulo at pagkadesidido. “Magpapanggap akong guro.” Nanlaki ang mata ko. “Delikado ‘yan, Dark,” sagot ko. “Kapag nabisto ka—” “Hindi nila ako mabibisto,” putol niya. “Saka sino ba sila para pumigil?” “Mas delikado kung ikaw mismo ang lalapit sa bata. Baka may makakita sa’yo. Baka masira lahat ng tinayo natin.” Tumayo ako, sinubukang pigilan ang tono ng pagkabalisa. Pero ang totoo? Hindi ko siya pinipigilan dahil takot akong mabisto siya. Pinipigilan ko siya dahil… Ayokong mapahamak si Cheska. Oo, ako si Red — ang kanang kamay ni Dark. Ako ang tahimik, laging nasa tabi, utusan, sundalo, anino niya. Pero ako rin ang lihim na kumukontra sa lahat ng plano niya. At wala ni isa sa kanila ang nakakaalam. Kahit ako ang laging nagpaplano, kahit ako ang laging sumusunod, ako rin ang palihim na nagpapasimple ng ruta ni Cheska para makaligtas siya. Ako ang nagtanggal ng trap sa hallway nung gabi ng birthday party niya. Ako ang nagsiguro na hindi siya maaabutan ng mga tauhan naming pinakalat. At ako ang dahilan kung bakit lahat ng plano ni Dark ay laging pumapalya. Dahil ako lang ang may akses sa lahat ng detalye. Ako ang una niyang sinasabihan. At ako rin ang una niyang pinagtitiwalaan. Kung may tinatawag na traitor, ako iyon. Pero kung may mas lalalim pa sa salitang protector, baka ako rin iyon. Dahil mula nang una kong makita si Cheska — doon sa lumang CCTV footage na ipinakita sa akin ni Dark noong tatlong buwan pa lang ang plano — nakita ko agad kung gaano siya ka-inosente. Isang estudyante. Isang bata. Hindi siya dapat madamay sa kasalanan ng magulang niya. “Red.” Balik sa kasalukuyan ang isip ko. “Siguraduhin mong walang makakahalata sa akin. Pagkatapos ng mission na ‘to, tapos na ang lahat.” Tumango ako. “Pupunta ka rin ba sa school bukas?” tanong niya. “Oo,” sagot ko. “Kailangan kong bantayan si… Professor.” Hindi na siya sumagot. Tumango lang at lumabas ng opisina. Pagkalapat ng pinto, huminga ako nang malalim. Tang ina. Lalong nagiging mahirap ang lahat. Isa lang ang sigurado ko ngayon — habang ako pa ang may hawak ng mga susi ng plano ni Dark, hinding-hindi niya kailanman mahahawakan si Cheska. Kahit pa ang kapalit ay sarili kong buhay. "Birthday ni Cheska bukas?" Napatingin ako kay Dark habang hawak niya ang cellphone. Kita ko sa screen ang f*******: profile ni Cheska — may post, may comments, may emojis. Isa lang ang ibig sabihin nito para sa kanya: pagkakataon. "Magandang timing 'to, Red." Umiikot ang ngiti sa labi niya habang pinapakita sa akin ang screen. "Gawan mo ako ng pekeng invitation. Papasok Tayo sa mismong bar ng birthday celebration niya. At dun ko siya tatapusin—ng walang makakahalata." Parang may bumara sa lalamunan ko. “Sa bar?” tanong ko. “Delikado. Maraming tao. Baka ‘di natin makontrol ang sitwasyon.” Napalingon siya sa akin. Kita ko na agad ang pagbabago sa mata niya—mula sa excitement, naging seryoso, halos malamig. “Hindi mo ba naaalala kung gaano karami na ang napatay natin sa mga party, sa mga crowd, Red?” Hindi agad ako sumagot. Hindi ko siya matignan ng diretso. “Bakit? Bakit ang duwag mo ngayon Red? Hindi ka naman ganito dati ah?" “Hindi sa gano’n,” sagot ko, buo ang boses pero sabay iwas ng tingin. “Pero ‘yung target natin ngayon... hindi lang basta bata, Dark. Hindi siya ordinaryong estudyante. May koneksyon. May mga mata. Kapag pumalpak tayo dito, masisira ang buong operasyon natin.” Tahimik siya ng ilang segundo. Tapos ngumiti. "Don't worry hindi tayo papalpak. Kung hindi kaya ng tauhan natin, Tayo, ako Ang gagawa." At doon ko na alam, wala nang atrasan. Kinabukasan. Gabi. Bar. VIP entrance. Walang pangalan sa labas. Walang karatula. Pero pagpasok mo, ibang mundo ang sasalubong sa’yo — ilaw na kulay pula, neon blue at violet, malalakas na tugtog, at mga taong mukhang galing sa magazine cover. Suot namin ni Dark ang mga kasuotang pang-bisita. Ako, black shirt with a leather jacket. Siya, naka-button down at leather gloves. Lihim ang dating. Animo’y mga espesyal na bisita. May hawak siyang invitation card — ‘yung invitation na ako mismo ang gumawa. Nilapitan kami ng isang staff, sinuri, at saka kami pinapasok. Tumingin ako sa paligid. Mga mukha ng ka-batch ni Cheska. Mga kaklase, kaibigan, pati ‘yung ilang guro. Iba’t iba ang sayawan. May umiinom. May nakaupo sa mga couch. May nagtatatawanan sa gilid. Normal na birthday celebration. Pero sa gitna ng crowd, nakita ko siya. Si Cheska. Nakangiti. Halos kumikinang sa ilalim ng moving lights. Suot ang red body-hugging dress na kahit si Dark ay napatingin sandali. “She looks happy,” bulong niya. “Shame it has to end.” Napakuyom ang kamao ko. “Relax, Red,” dagdag niya. “Hindi ngayon. Kailangan nating maghintay ng tamang timing. Maghalo muna tayo sa crowd. ‘Pag kalmado na ang lahat... we strike.” Napalunok ako. Habang siya ay abala sa pagtingin sa mga exits at posibleng escape routes, ako naman ay nakatingin kay Cheska. Sa kanyang mga mata, sa tawa niya, sa mga kaibigan niyang wala pa ring kamalay-malay. Hindi niya alam... isa lang sa mga bisita niya ngayong gabi, ang gustong wakasan ang kanyang buhay. At ang isa... gustong iligtas siya. At ako ang huli. Habang patuloy ang gabi, mas lalong dumadami ang tao. Mas sumasaya ang party. May pa-shot. May sayawan. May pa-confetti. Lahat ay parang walang problema sa mundo. Pero ang puso ko, parang bomba. Dahil habang papalapit ang hatinggabi... papalapit na rin ang panganib. At kailangan ko nang gumawa ng paraan bago pa siya maunahan ni Dark. "Mag c.r lang ako" paalam ko Kay dark at tumango naman siya Nakita ko si Cheska na may kasamang maganda ring babae. Ito ata ang best friend niya, ta masaya silang sumasayaw. Habang tinitingnan ang masayang dalaga na Cheska ay hindi ko mapigilang maawa. Parang may nagtutulak sa akin na kailangan ko siyang tulungan. Masaya silang nagsasayaw at sumasabay sa musika. Hanggang sa napansin ko ang paglapit ni Dark sa kinaroroonan nila. Hindi ko alam kong anong magtulak sa akin, kinuha ko ang hoodie ko at sinuot ito. Tsaka lumapit dun, naglakad ako sa nag aalong mga tao na lasing na sa bawat sandali. At nang makalapit ako kay Cheska. Agad kong hinawakan ang nakataas na wrist niya. Nakita ko na paparating na si Dark. Kaya tinulak ko ang kaibigan ni Cheska papunta Kay dark at pareho silang natumba. At dahil natumba nga sila. Hinila ko na si Cheska palayo kay Dark at dinala sa tahimik na lugar. Malakas ang bawat paghinga ko dahil sa kaba. Sana lang ay hindi ako nahuli ni Dark kanina. Gosh bakit ba ganito na lang ako umakto at maawa sa dalagang ito? Nagulat ako ng marinig ko ang galit na boses ng babaeng nasa harap ko. Sa likod pala ng maamo niyang mukha ay may dragon na nakatago. "Bakit mo ako dinala rito?" Tanong niya sa akin pero hindi ako nagsalita. Nauubusan ako ng sagot "Sino ka?" Kita ko sa mga mata niya ang pagtataka. At ngayon ko lang napansin na maganda pala siya. Bagay na bagay sa kaniya Ang make up niya, at ang ganda ng pagkakakurbada ng katawan niya. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Don't worry your safe now" buong boses na sabi ko. "Safe saan?" Tanong niya. Pwede ko na naman siguro siyang iwan diba? Siguro naman titigilan na siya ni Dark. Kaya naman umalis na ako ng hindi sinasagot Ang tanong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD