"Oh, hello Dalia!" Sabi ko at excited na sinagot ang tawag niya. Alam ko na ang dahilan nito, hinahanap niya na ako sa GIG. "Are you coming?" Tanong niya at parang may halong pag aalala sa boses. Hindi ko pa nga pala napapanggit, may sarili po kaming Gig. Actually I'm the vocalist, minsan naman nagda-drum ako. Ito lang talaga gusto kong gawin sa buhay. Pero pilit na ipinagdadamot sa akin yun ng mga magulang ko. Kaya nga nag request ako sa kanila na bumukod na dahil college na ako at bumili ng sariling condo. Kasi nung nasa bahay ako ay hindi naman kasi ako pinapayagan lumabas ng gabi. Paano na Ang party kung wala ang star ng gabi? Paano na Ang gig kung wala ako? HAHAHAHA Ang echoz ko naman. Syempre pampa good vibes lang yun. 'Ofcourse, I'm coming. Don't worry hindi magpapalate. Kunti

