PANIMULA
Mabagyong gabi ang nararanasan nang aming nayon, malakas ang ulan at hangin, tahimik ang paligid sa kalaliman ng gabi, tanging ang paghampas ng mga dahon nang puno, ang lagaslas at hampas ng alon sa pangpang at ang buhos ng ulan na tumatama sa bintana na yari sa pawid ng aking silid ang tanging maririnig nang makita ko ang isang anino na nasa labas ng pintuang yari sa puting tela ng aking silid. Anino nang lalaking may edad na, na masasabing mga nasa edad na 30 pataas, mataba ito, malaki ang pangangatawan at matangkad.
Napansin ko na tila may hawak itong bagay na patulis ang dulo, may hawak din itong sulo bilang kaniyang ilaw. Pinagmasdan ko ang anino ng lalaking dumadaan sa labas ng telang pintuan, maya maya pa ay huminto ito sa tapat ng aking kwarto, sa takot ko'y nagtalukbong ako ng kumot at nakikiramdam kung papasok ito oh hindi.
Ilang saglit pa nang maramdamang wala na ito sa pintuan. Naglakas loob akong tingnan kung saan na siya nagtungo dahan dahan akong sumilip sa labas ng aking silid ngunit wala ito sa malawak na lugar kung saan kami nagpupulong. Pilit ko namang kinuha ang sulo ng apoy na nakasabit sa dingding ng bahay na may kataasan para magbigay liwanag sa aking daanan. Naglakad ako ng dahan dahan patungo sa aming maliit na kusina pero walang anino ng matabang lalaki ang nandoon.
Sinunod kong puntahan ang silid kung saan ako nananalagi kapag nagbabasa nang aklat at nag-aaral ngunit bigo pa din akong makita ang anino ng matabang lalaki. Naglakad ako ng dahan dahan sa maliit na daanan patungo sa silid ng aking ama at ina, nangulot naman ang aking mga kilay nang makita ang aninong panay ang galaw sa loob ng kuwarto at halata sa anino ang hawak na matulis na bagay na nakita ko kanina. Pinagtaka ko lang kung bakit naging payat ito na matangkad.
Tinangka kong sumilip para malaman kung sino ang nasa loob ng silid ng aking mga magulang. Isang taong binatilyo ang nakatalikod sa akin ngayon na may hawak na kampet at nakatingin sa higaan nang aking mga magulang.
Napalingon ako sa higaan ng aking mga magulang, nanlilimahid sa dugo ang kanilang mga katawan na umaagos ngayon sa sahig na kawayan.
"Aaaaaahhhhhhhhh!" sigaw ko na ikinalingon ng lalaking matangkad. Napalingon ako sa kaniya, nakaramdam ako nang takot, kilabot at sobrang kaba ng tingnan ako nito habang umiiyak dahil sa nangyari sa aking magulang.
Hindi ko maigalaw ang aking mga paa at tila nakadikit ito sa sahig na kawayan ng bahay. "Amara galaw kung hindi mamamatay ka!" sigaw kong bulong sa aking isip habang nangangatal na humahakbang ang aking mga paa.
Napalingon ako sa aking likuran, nakita ko itong nakatayo na sa labas ng silid ng aking magulang. Taranta akong kumaripas na ng takbo kahit hindi ko ramdam ang mga paa kong tumatapak sa lupa. Nakarating ako sa arampangan ng aming bahay. Nagtago ako sa lumang bareles nang alak na nakaimbak lamang sa gilid ng bahay. Nananalangin na sana ay hindi ako makita nito.
Nakasilip ako sa butas na pagitan ng sirang barelles at tinitingnan ang lalaking naghahanap ngayon sa akin.
Hindi ko maaninag ang kaniyang itsura dahil sa panunubig ng mata ko na nagiging dahilan ng pagkalabo. Pinikit ko ang aking mga mata saka kinalma ang sarili. Muli kong iminulat ang aking mga mata pero sa pagkakataong ito nakita ko na nang maliwanag ang kaniyang itsura dahil napatama ito sa ilaw nang sulo na nakasabit sa kabilang ding ding ng arampangan. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko at ayaw kong isipin na siya ang nakikita ko, na siya ang lalaking pumatay sa aking magulang, "hindi maaari si uncle na kababata ko at halos itinuring nang pamilya nang aking mga magulang ang siya palang kikitil sa buhay nina Ama at Ina, kasama ako?" bulong ko nalang sa isip ko dahil sa labis na pagkadismaya. Napatalikod ako bigla nang mapansin itong papalapit sa akin. Tinakpan ko nang mga palad ko ang aking bibig para hindi niya marinig ang aking paghikbi.
Patuloy ang malakas na pagbuhos ng ulan at ang paghampas ng malakas na hangin. Sa aking kinauupuan ngayon nagdadasal ako na sana hindi niya ako makita.
5 minutong pananahimik ng ulan at sa aking kinauupuan. Naisipan kong lumabas nalang nang bahay kaya nagdahan dahan akong tumungo ng pintuan palabas.
Nakarating ako sa pintuan ngunit sarado ito, "kung ganoon saan dumaan ang mamamatay tao?" pagtatakang tanong ko sa aking sarili.
"Hoyy ikaw!" sigaw ng isang matangdang lalaki.
Nanglingunin ko ito, nakatayo ito sa madilim na parte ng bahay, ngayon ko napagtanto na dalawang tao ang pumatay sa aking magulang, isa ang mamang ito at isa ang pinagkakatiwalaan ko nang lubos, ang aking kababata.
Agad akong tumakbo at naghanap ng malulusutan ko para makatakas muli, pilit akong hinabol ng matandang lalaki.
"Halika dito isusunod kita sa mga magulang mo!" wika nito sa akin
"Hindi ka magtatagumpay!" wika ko habang napatitig sa mamang humahabol sa akin.
Nagulat ako na ang mamang humahabol sa akin ay si kuya Ernesto ang katikatiwala ng aking ama sa mga pagpaplano ng mga bagay bagay para umunlad ang aming nayon. Isa sa mga miyembro ng tribo na taga ingat-yaman nang aming pamilya.
Tinulak ko ang sirang bariles ng alak sa lalaking papunta sa akin saka ako tumakbo papuntang silid kung saan ako madalas magbasa isinara ko ang pintuang pawid saka iniharang ang aking sariling katawan para hindi niya ito mabuksan.
Gamit ang matulis na bagay pinagsasaksak niya ang pintuan kung kaya tumagos ito sa akin at nasugatan ako sa braso sa lalim ng sugat nagtuloy tuloy ang daloy ng dugo sa aking braso.
Nagpakatatag ako kahit alam ko na nalalapit na ang aking kamatayan ano mang oras. Dahil sa maliit palang ako madali niyang naitulak ang pintuang pawid na hinaharangan ko para hindi ito makapasok.
"Umalis ka layuan mo ako!" sigaw ko kay kuya Ernesto habang binabato ito ng mga aklat.
Napahinto ako nang makatayo na ito sa aking harapan. Nanginginig ang buo kong katawan nang makita ang hawak nitong kampet na may dugo.
Hinila ni kuya Ernesto ang aking damit at agad iniangat ng bahagya. Hawak ko ang kamay nito at pinagsisipa ang bahagi ng kaniyang katawan na abot ng aking mga paa ngunit tila hindi ito nasasaktan wala kasi akong pwersa ngayong buhat niya ako.
Sinubukan kong tuhurin siya at natamaan ko ang kaniyang hita kaya nahampas niya ako ng kaniyang malalapad na kamay.
Sa aking pagbagsak, nakaramdam ako na parang may tinusok sakin si kuya Ernesto paglapit nito, wala ako naramdaman para akong manhid sa ginawa ni kuya Ernesto.
Ilang beses niya ginawa sa akin ang bagay na iyon, hanggang sa nakapa ko nalang ang tila tubig sa sahig na kulay pula. Pinakatitigan ko pa ito sa aking kamay at saka ko binaling ang paningin sa likod ni kuya Ernesto, naaninag ko ang anino ni uncle na nakatayo sa pawid ng pintuan at nakatingin sa akin. Ang uncle na kababata ko, ang kasa kasama ko sa lahat ng bagay, ang uncle ko na napamahal na sa akin.
Maraming katanungan sa isip ko bakit niya nagawa ito sa pamilya ko, malaki ba ang galit nito sa magulang ko? bakit pati sa akin? wala naman ako maalala na ginawang mali para ikagalit niya. Unti unting nanubig ang aking mga mata habang nakatingin kay Uncle ang bigat ng dibdib ko bakit niya nagawa sa akin ito sa aking pamilya kahit puro kabutihan na pala ang ginawa mo sa kapwa mo wala pa din pala.
Unti-unting nandilim ang paningin ko na ang tanging naramdaman ko nalang ay ang pagbagsak nang napaka bigat na katawan sa paa ko at ang pag-angat naman nang aking katawan.