bc

Sold to the Billionaire Heir

book_age18+
56
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
love-triangle
one-night stand
family
HE
arranged marriage
stepfather
heir/heiress
addiction
like
intro-logo
Blurb

Lumaki si Calista Althea Chiu sa isang makapangyarihan ngunit istriktong Chinese family—kung saan ang tradisyon ay batas at ang babae ay kailangang sumunod, kahit masaktan. Mayaman ang pamilyang kinalakihan niya, ngunit sa kabila ng karangyaan, ramdam niya ang pagiging bihag ng sariling kapalaran. Sa tatlong magkakapatid, siya ang nag-iisang babae at middle child—tahimik, sunod-sunuran, at laging isinasantabi ang sariling damdamin.Ngunit isang gabi, tuluyang nagbago ang kanyang buhay.Dahil sa desperadong pangangailangan ng pera ng kanyang kuya, isang lihim na kasunduan ang ginawa—isang desisyong hindi niya kailanman pinili. Ibinenta siya bilang “regalo” sa kaarawan ng isang lalaking hindi niya kilala—ang bilyonaryong tagapagmana ng Monaco, si Marcus Romanov.Para kay Marcus, ang lahat ay transaksyon. Para kay Calista, iyon ang gabing ninakaw ang kanyang kinabukasan.Habang nahihila siya sa mapanganib at marangyang mundo ni Marcus, may isang lalaking hindi handang bumitaw—Lixin Wang, ang lalaking itinakdang pakasalan siya. Sa gitna ng yaman, kapangyarihan, at lihim na kasinungalingan, kailangang pumili ni Calista: manatiling pag-aari ng tradisyon, o labanan ang kapalarang ipinataw sa kanya—kahit pa kapalit nito ang kanyang puso.

chap-preview
Free preview
Prologue "One night, and fate was sealed"
ROMANOV YACHT, MONACO Nagising si Calista na parang may mabigat na kumakapit sa kanyang sentido. Kumirot ang ulo niya, parang may humahampas na alon sa loob ng isipan niya. Dahan-dahan siyang gumalaw—at doon niya napansin ang bigat na nakapatong sa kanyang tiyan, kasabay ng mainit na hiningang dumadampi sa kanyang balikat. Napasinghap siya. Muling gumalaw ang katawan niya, ngunit napangiwi siya sa biglaang sakit na naramdaman niya, lalo na sa gitnang bahagi ng katawan niya. Isang pamilyar pero nakakapanindig-balahibong kirot. Parang may sinasabi ang sakit—isang katotohanang ayaw pa niyang harapin. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya. Puting kisame. Marangyang kwarto. Mahinang ugong ng dagat sa labas. At nang ibaba niya ang tingin— Wala siyang suot sa ilalim ng kumot. Nanlaki ang mga mata niya. Katabi niya ang lalaking may kaarawan. Matangkad, matikas ang hubog ng katawan, at halatang sanay sa karangyaan kahit sa pagtulog. Mahimbing itong natutulog, parang walang bahid ng pag-aalinlangan—samantalang ang mundo ni Calista ay biglang gumuho. “Oh my God…” mahina niyang bulong habang napahawak siya sa ulo. Ano’ng nangyari? Parang binuksan ang isang pinto sa alaala niya. Flashback. Ang ilaw ng yacht—golden at malabo. Ang musika na parang dumadaloy sa dugo niya. Isang baso. Dalawa. Tatlo. Sunod-sunod na shots ng alak na unti-unting nagpainit sa buong katawan niya. Ang pagkahilo. Ang init. Ang pakiramdam na parang nawawala ang kontrol niya. Ang pagpasok niya sa isang marangyang kwarto. Ang pintong nagsara sa likod niya. Isang lalaki. Isang titig na tila sinusunog ang pagkatao niya. Mainit na haplos. Mga halik na nagpaikli sa kanyang hininga. Mga ungol na hindi niya namalayang sa kanya pala nanggagaling. Isang gabing nalunod sa init, sa pagnanasa, sa kahinaang minsan lang niyang pinayagan ang sarili niya— “Stop…” napabulong siya, pilit ibinabalik ang sarili sa kasalukuyan. Biglang bumalik ang katotohanan. Nandito siya. Sa isang yacht. Sa Monaco. Katabi ang isang estranghero. At malinaw na may nangyari sa pagitan nila—isang bagay na hindi na niya maibabalik. Huminga siya nang malalim, pinipigilan ang kaba na kumakain sa dibdib niya. Dahan-dahan niyang inalis ang braso ng lalaki na nakapulupot sa kanya, parang takot siyang magising ito. Maingat siyang bumangon, kinuha ang damit niyang nakakalat sa sahig, at mabilis na nagbihis. Bago siya tuluyang lumabas ng kwarto, napalingon siya. Sandaling pinagmasdan ang lalaking naiwan sa kama—ang lalaking magiging simula ng pagbagsak ng maayos at planadong buhay niya. Ang alam niya Marcus ang pangalan nito. Business partner ito ng Kuya Lian niya. Pero isang bagay ang sigurado— Simula ngayong umaga, wala nang babalik sa dati. Tahimik niyang binuksan ang pinto at lumabas ng kwarto, iniwan hindi lang ang lalaki, kundi ang isang gabing habambuhay na hahabulin siya. Habang unti-unting nagsasara ang pinto sa likod niya, isang katotohanan ang bumigat sa puso ni Calista: Minsan, isang gabi lang ang sapat para baguhin ang kapalaran ng isang babae. ----- MARCUS ROMANOV — POV ROMANOV YACHT, MONACO I woke up with a dull ache pounding against my temples. Not the usual kind. This one felt… heavier. Like it carried memories with it. I shifted and instinctively reached for the woman beside me. Empty. My eyes snapped open. She was gone. Only the faint trace of her scent lingered on the sheets—soft, warm, intoxicating. Not perfume. Her. And somehow, that made it worse. I sat up slowly, running a hand through my hair. “s**t…” I muttered. The silence in the room was too loud. Last night came rushing back in fragments. Champagne. Laughter. The low hum of the yacht slicing through Monaco’s waters. My cousins and friends—celebrating, teasing, insisting I needed a “proper gift.” A woman, they said. A distraction. I glanced down. The bedsheet was still creased, rumpled… and there it was. A small stain of red. My jaw tightened. “She's a Virgin…” I breathed out, disbelief mixed with irritation. They had crossed a line. This wasn’t part of the game. She wasn’t supposed to be like that. She wasn’t supposed to matter. And yet—she left. Without a word. No goodbye. No explanation. Just vanished. I leaned back against the headboard, staring at nothing. Why couldn’t I get her out of my head? Her face—beautiful in a way that wasn’t polished or artificial. Soft, but not weak. Her eyes—tantalizing, unreadable, like she was always holding something back. Her body—perfect, not because it tried to be, but because it simply was. And her kisses… I closed my eyes. They weren’t calculated. They weren’t skilled. They were real. Hesitant at first, then desperate, like she was afraid of wanting too much. Her moans still echoed in my ears—quiet, unguarded. “s**t…” I whispered under my breath. It made no sense. I’ve had women walk out of my life before. Countless times. Usually, I don’t even remember their faces the next morning. But this one— She crawled into my mind and refused to leave. Nakakabaliw. That was the Tagalog word Harrison used when something drove you insane. Yes. That was exactly it. I stood up, walked toward the wide glass window, and stared out at the endless blue of the Mediterranean. Calista Althea Chiu. And why does it feel like you took something with you when you left? This was supposed to be one night. No strings. No meaning. But as the yacht continued to drift quietly over the water, one truth settled deep inside me— I didn’t just want the memory of her. I wanted more. And I always get what I want. ----- CALISTA — POV PORT OF MONACO | EARLY DAWN Tahimik ang paligid habang marahan akong bumababa mula sa yacht. Masyadong tahimik—parang isang maling galaw lang, at may hahatak pabalik sa akin. Pero walang pumigil. Ang tanging naririnig ko ay ang mahinang hampas ng alon at ang mabilis na t***k ng puso ko. Humigpit ang hawak ko sa suot kong damit, para bang iyon na lang ang nagtatali sa akin sa katotohanan. Nanginginig ang mga daliri ko, hindi ko alam kung dahil sa lamig ng umaga o sa bigat ng gabing iniwan ko. “Calista… umalis ka na,” mahina kong bulong sa sarili ko. Bawat hakbang palayo sa yacht ay parang laban sa alaala. The room. The bed. The warmth of his presence. Parang nararamdaman ko pa rin ang bigat ng tingin niya kahit nakatalikod na ako. Isang titig na hindi ko maintindihan—hindi mapanghusga, hindi mapilit… pero mapanganib. Parang kaya niyang basahin ang bawat lihim na pilit kong tinatago. Napapikit ako sandali. Hindi ito dapat nangyari. Isang gabi lang iyon. Isang gabing tinangay ng alak, ng kahinaan, ng sandaling paglimot sa lahat ng inaasahan sa akin. Sa pamilya ko. Sa sarili ko. Pero bakit parang may naiwan akong bahagi ng pagkatao ko roon? Huminga ako nang malalim, pilit pinatatatag ang sarili. Hindi ako pwedeng mag-alinlangan. Hindi ako pwedeng lumingon. Pero ginawa ko pa rin. Nakatayo ang yacht sa likod ko—malaki, marangya, at nakakatakot sa sarili nitong paraan. Parang isang mundo na hindi kailanman magiging akin. Isang mundo na minsan kong nasilayan… at agad ding tinakbuhan. May kumurot sa dibdib ko. I know him but not really much, pero alam kong hindi ko basta-basta makakalimutan ang lalaking naiwan ko roon. Hinaplos ko ang tiyan ko, ramdam ang banayad na kirot—isang tahimik na paalala ng gabing iyon. Ng init. Ng kahinaan. Ng isang desisyong hindi ko na mababawi. “Hindi ka pwedeng manatili,” mahina kong sabi. “Hindi ka pwedeng umasa.” Huminto ang isang taxi sa gilid ng kalsada. Mabilis akong sumakay, halos hindi marinig ang boses ko habang sinasabi ang address ng hotel. Habang umaandar ang sasakyan, tumingin ako sa bintana. Ang Monaco ay napakaganda sa liwanag ng umaga—golden, elegant, parang walang bahid ng kasalanan. Pero ako— May bitbit na akong isang lihim. Isang gabi. Isang lalaki na nakaulayaw ko. Isang alaala na ayaw umalis. Pinikit ko ang mga mata ko, pilit pinipigilan ang emosyon na gustong kumawala. “Isang gabi lang,” bulong ko. “Tapos na.” Pero sa kaibuturan ng puso ko, alam kong nagsisinungaling ako. Dahil kahit tumakas ako— kahit iniwan ko siya nang walang paalam— may isang gabi sa Monaco na habambuhay na akong hahabulin. At may isang lalaking, Marcus Romanov ang pangalan na business partner ng aking Kuya Lian, ay tila isinulat na ng tadhana sa kwento ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Forgotten Wife

read
43.2K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
102.5K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
35.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
322.2K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
47.9K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
29.9K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook