bc

Scorching Romance Series 01: Marrying My Casanova Bestfriend

book_age18+
98
FOLLOW
1K
READ
possessive
friends to lovers
arranged marriage
CEO
doctor
drama
comedy
bxg
campus
addiction
like
intro-logo
Blurb

Bestfriend siya kung ituring ni Lucas, ngunit iba naman ang tinitibok ng puso ng dalaga. Nais niyang makita ng lalaki na hindi lamang pagkakaibigan ang gusto niya rito. Ngunit sa tuwing lumalapit naman siya sa ibang lalaki ay itinutulak siya nito sa kanila. Inaasar din siya nito na kaya hindi siya nagkakaroon ng boyfriend dahil may gusto siya sa kanya.

Sa sobrang inis niya sa kaibigan ay napilitan siyang maghanap ng contract boyfriend para lang ipakita sa binata na hindi siya nasasaktan sa pinanggagawa nito, lalo na ang makipaghalikan sa mga babae nito sa harapan niya.

Ngunit nang malaman nito na may lalaki ng bumubuo sa buhay niya ay ito naman ang hindi nawala sa tabi nila. Naging buntot na yata niya ito dahil sa tuwing nagkikita sila ng nobyo niya ay naroon ito sa kanilang harapan at binabantayan ang bawat kilos nila.

chap-preview
Free preview
MMCB 01:
•Summer• Ako lang kanina ang nandito sa raiser ng basketball court dahil gusto kong mapag-isa at makalanghap ng sariwang hangin. Ngunit dumating nga si Lucas at pinagkaguluhan na ng mga babae. Nawala tuloy ang payapang kapaligiran na inaasam ko. Sinusundan ng aking mga mata ang bawat kilos ni Lucas. Mula sa akin ay tumakbo ito papunta sa magandang babae na kanina pa nang-aakit na tumingin sa kanya. Hinirang na nga siya sa university na campus casanova ngunit hindi pa rin ito nagbabago. Hindi ko alam kung alam ba ito nila Tito Seve at Tita Lily dahil para bang walang pakialam si Lucas sa babaeng nasasaktan nito. Hindi naman ganito ang mga kapatid niya lalo na si Kuya Veron Lucas, mabait iyon at isang babae lang ang tinatangi kaya nga grabe ang paghanga ko sa kanya. Magkapangalan sila ngunit hindi naman sila magkaugali. Sana pala hindi na lang Lucas ang pinangalan sa kanya ni Tita Lily nasisira lang ang pangalan ni Kuya Veron, tsk. Napangiwi ako nang makita ko itong nakipaghalikan sa babae, habang kumakaway sa akin tila ba may nakuha itong trophy. Tumayo ako para sana lapitan ito at nang mabatukan ngunit tsaka naman dumating si Kuya Kalix. "Sa mukha mong 'yan. Alam ko na may gagawin ka na namang masama kay Lucas," saad nito sabay baling ng tingin kay Lucas na nakipagtawanan na ngayon sa babaeng kasama nito. "I'm not a bully kaya, Kuya Kalix, do I look masama ba?" Tumaas ang kanyang kilay habang pinagmamasdan ako. Lumalaki akong nagaya ang attitude ni mommy, ngunit kapag seryoso naman ang pinag-uusapan ay magiging seryoso rin naman ako. "What? Tingin-tingin mo sa akin, ha? Lucas is masama kasi marami siyang girls na pina-cry." "Kailangan mo ng mag-mature, Summer. Sixteen ka na at ilang buwan na lang ay magiging seventeen ka na. Masamang tingnan sa babae ang ganyang pag-uugali." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niyang iyon. Si mommy nga kung hindi pa kinasal kay daddy ay ganito pa rin sana ang pagsasalita nito. "Paano naman si mom—" "Iba si mommy, Summer, sheltered child siya kaya wala itong kaalam-alam sa mga nangyayari sa labas ng mansyon. Kaya nang makalabas ito ay lahat bago sa kanya at kailangan niyang makipag-usap sa paraan na alam niya. Not like you," mariin na pangaral niya sa akin. Napabuga ako ng hangin at kinamot ang aking mukha sa sobrang inis sa kanya. "We have the privilege to study, talk with others at gawin ang lahat ng gusto natin." "Whatever, kuya," walang-gana kong tugon at nilingon ang pwesto ni Lucas. Patakbo naman na lumapit sa amin si Lucas at inakbayan ako sabay gulo ng aking buhok. Sinamaan ko siya nang tingin at tatanggalin na sana ang kamay nito sa akin nang mas hinigpitan nito ang pagkakahawak. Napabuntong-hininga ako at kinurot ang kanyang tagiliran sa sobrang inis. "Ako na naman ba ang pinag-uusapan niyo?" "Yes, because you're gross. Malandi—" "Summer De Silva!" sabay nilang sigaw dahilan para hindi ko matapos ang aking sasabihin. Natuptop ko naman kaagad ang aking bibig sa sobrang kaba dahil sa matalim na tingin na pinupukol nila sa akin. "I'm sorry," mahina kong saad. Ayaw ko na rin naman palakihin ang bagay na ito. "Anyway why are you here ba, Kuya Kalix? Hindi ba at nasa kabilang building ang room mo?" Pinaningkitan ako nito ng mga mata sabay tingin sa lalaking nasa tabi ko. Si Lucas ay third year college na tapos kami ni Kuya Kalix ay nasa senior highschool pa lang. Ngunit dahil magkaiba kami ng strand ay hindi rin kami magkapareha ng building. Malayo ang agwat ng edad namin ni Lucas ngunit sabay kaming lumaki na dalawa kasama ang iba pa naming kabarkada, dahil magkakaibigan ang mga pamilya namin. Naging malapit ako kay Lucas dahil ito palagi ang nang-aasar sa akin at kapag nagtatampo na ako ay siya rin naman ang sumusuyo. Kaya di kalaunan ay nasanay na lang ako sa masamang ugali ng taong ito. "Tinatanong mo ako dahil pumupunta ako rito ngunit hinahayaan mo lang si Lucas. May gusto ka ba sa kanya, Summer De Silva?" nanunuring tanong sa akin ni kuya. Tiningnan ako ni Lucas na may malapad na ngisi sa labi habang hinihintay ang aking sagot. Kaagad ko siyang inirapan at tinalikuran silang dalawa. "Bahala nga kayo sa life ninyo. Eww!" Patakbo akong bumalik sa classroom habang hawak-hawak ang aking dibdib sa sobrang kaba. May gusto naman talaga ako kay Lucas ngunit pinipigil ko lang dahil alam ko naman kung sino ang gusto nito. Hindi ako pwedeng mahulog sa bestfriend ko dahil alam ko naman na hindi niya ako kayang saluhin. "Water?" Napatingala ako para tingnan ang taong nagbigay sa akin ng tubig. Napalunok ako nang makita ko si Calum sa aking harapan. Ang mahaba nitong buhok ay bumagay sa kanyang maliit na mukha, matangos na ilong, manipis na labi at mapupungay niyang mga mata. Para itong isang korean idol lalo na sa suot nitong mga damit. "Are you okay, Miss De Silva?" he asked while biting his lower lip. Napalunok ako ngunit bago pa ako makapagsalita ay may umakbay sa akin. Nalingunan ko si Lucas na may malapad na ngiti sa labi habang nakatingin sa kaharap namin. "May nanliligaw na pala rito sa bestfriend ko!" asar niya sa akin. Kaagad kong tinapik ang kanyang kamay at kinuha iyon sa balikat ko, ngunit ilang saglit lang ay ibinalik din nito kaagad. "I'm sorry, Summer, may kasama ka pala—" "Huwag kang mag-alala, pare, bestfriend ko lang ang babaeng 'to!" Diniinan pa nito ang salitang bestfriend para ipaalam kay Calum na walang namamagitan sa amin, at napaka-impossible na mangyari iyon. Malungkot akong napangiti at tumango na lamang. Hindi alam ni Lucas ngunit sa tuwing itinutulak ako nito sa ibang lalaki ay nasasaktan ang puso ko. Gusto ko itong sawayin sa ginagawa niya ngunit hindi ko naman pwedeng sabihin dito ang dahilan kung bakit. Nang tingalain ko si Calum ay nakita ko ang paninitig nito, tila ba sinusuri ang reaksyon ko kaya kaagad akong nagbigay ng masayang ngiti rito. "Pwede ko bang makausap ng mag-isa si Summer?" nagkakamot sa batok na tanong nito kay Lucas. Tumingin naman ako sa kaibigan ko nang hindi ito magsalita. "Ah... hihiramin ko lang ibabalik ko rin kaagad." Narinig ko ang tawa nito sa aking tabi sabay gulo ng buhok ko. "Saglit lang," saad ni Lucas sabay yuko sa aking harapan para magkapantay ang mukha naming dalawa. "Remember na inaasar lang kita sa iba pero bawal ka pa ring magpaligaw," seryoso niyang saad. Gumalaw pa ang panga nito habang pinakatitigan ako ng husto. "Oo nga, Lucas, ang kulit mo naman, eh. Palagi mo kaya iyang sinasabi sa akin," asar kong saad sa kanya. Tumango naman siya at muling binalingan si Calum ng tingin. "Ingatan mo 'to." Tumango naman ang huli at inilahad na sa akin ang kanyang kamay. Ngumiti akong inabot iyon at nagpatianod na sa kanyang paghila. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.5K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.3K
bc

His Obsession

read
105.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook