Kabanata 5

2616 Words
Stranger "What should I do, Roe? Nakakahiya talaga." Nagpapagulong gulong ako sa kama habang nakabukas ang laptop sa ibabaw nito at kausap ang kaibigan. Roe is a childhood friend, kaibigan siya ni Red na naging kaibigan ko na din. "It's not that you didn't do something embarrassing before, Aless ayos lang 'yan." Sinundan pa nito iyon ng halakhak na ikinatigil ko habang nakasimangot. "You're so mean, pareho lang kayo ni Red." Tinawanan lamang nito ang reklamo ko. "Bet you got an earful scolding from Red." Umiling ako saka nagmamalaking ngumiti dito. "He didn't." "Really?" Tumango ako habang yakap ang unan."Arie rescued me." "Kahit noong wala na si Arie ay hindi ka pinagalitan?"Tumango lamang ako sa tanong nito, "That's new." "Yeah."tumatangong sabi ko habang iniisip ang nangyari at nailing na lamang nang maalala ang pagtatalo ng mga ito. "Anyway, anong gusto mong gift?" Nagtataka akong tumingin dito. "Gift?" "Birthday mo na next week, Aless." I almost forgot about that. Si Red ay may advance gift na nga pala. "Ahm,"umakto akong nag-iisap bago ngumiti ng malaki, "How about a plane ticket?" "You want to travel?" I shook my head no."It's for you, uwi ka." Mahina itong natawa saka masuyo ang mga matang tumingin sa akin. Mukhang alam ko na ang sasabihin niya. "I can't, Aless I'm sorry." Bumuntong hininga na lamang ako saka sumimangot. Do heartbreak really do this to a person? Iyong pati iyong lugar na minahal mo ay ayaw mo nang balikan dahil lamang naroon iyong mga gusto mong kalimutan. "Don't you miss here? Don't you miss us at all?" I started using my paawa at nangongonsensya act. Lagi itong gumagana sa mga pinsan ko at sana ay pati sa kaniya. "Okay, okay. I'll try alright, just don't give me that look." A smile of triumphant formed on my lips because of what he said. "But I can't promise, alright?" "You trying is already enough." Napalingon ako sa pinto nang may kumatok doon, ilang sandal lamang ay bumukas ito at iniluwa si Red. "May kailangan ka?" "Kanina pa kita tinatawag, dinner na." bumaling ito sa laptop ko kung saan ay naroon si Roe, "You look like s**t, dude." "Yeah, I miss you too." Nagkamustahan lang ang mga ito bago ako nagpaalam sa kaibigan at sumunod na sa pinsan ko. Sabay na kaming bumaba ni Red at habang nasa hagdan kami ay hindi ako mapakali, pakiramdam ko napakalaki ng kasalanan ko sa kaniya at hindi ako komportable. "Ahm, R-red?" Tumingin ito sa akin. "About earlier," "Forget it," pagputol niya sa sinasabi ko. "Just, don't do it again. You got me worried there alright." Bumuntong hininga ito. "Sa susunod kung may problema, call me immediately." Ngumiti ako saka pabiro pang sumaludo. "I'll keep that in mind, Kuya." Nangingiti naman niyang ginulo ang buhok ko na ikinasimangot ko. He's back at it again. Nagpatuloy kami sa pagbaba ng hagdan nang pumasok sa isip ko sina Kuya Ros. "Alam na ba nila?" "Nope. Hindi na nila kailangang malaman kung hindi ay lagot tayo pareho." Tama siya. Lagot talaga kami kaya't naakahinga ako ng maluwag nang sabihin niya iyon dahil siguradong gigisahin lang ako ng mga iyon at pagagalitan si Red. Sasabihin nilang pinabayaan niya ako, ayaw ko rin naman siyang mapahamak. Nagpatuloy lang kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa dining room at nadatnan iyong tatlo na naghahanda na ng pagkain. "Who cooked?" mahinang bulong ko kay Red. "Ros." Sinuri ko ang mga pagkaing nakahain sa hapag, it all looked perfect but I wonder how will it taste. Si Kuya Roscoe kasi iyong laging perpekto ang ginagawa ngunit ang kinalalabasan ay hindi mo masisiguro kung maayos din gaya ng kung paano ito ginawa. Especially in cooking department, he sucks at it. "Let's dig in," Walang gumalaw sa amin at nakatungo lamang sa mesa. Apat lamang kami na narito habang si Kuya Ros ay umiinom lamang ng kape sa gilid. "Pangunahan mo, Ros total ay ikaw naman ang nagluto." Sumang-ayon kaming lahat sa sinabi ni Kuya Alther at inabutan pa ng kutsara si Kuya Ros ngunit tinanggihan lamang nito iyon. "I'm good, iniluto ko 'yan para sa inyo." Ngumiti lamang ito sa amin bago naglakad paalabas ng silid. He's avoiding it alright, iniiwasan niya ang lasa ng mga niluto dahil alam niyang hindi maganda ang kinalabasan nito kahit na gaano pa kaperpekto. Nagkatinginan lamang kaming apat nang makalabas ito, naninimbang ang bawat mata kung sino sa amin ang mangunguna. At nang mapansin kong wala iyong patutunguhan ay nginitian ko ng matamis si Kuya Alther. "You're the eldest next to Kuya Ros, Kuya pangunahan mo na." He doesn't like the idea, matalim ang mga mata nito habang nakatingin sa akin ngunit wala din namang nagawa lalo na nang gatungan pa noong dalawa. Pinanood lamang naming itong sumandok ng pagkain hanggang sa mag-subo ito. We were waiting for his reaction when we saw his throat moved, ngunit imbes na magsalita ito ay nasapo lamang niya ang tiyan saka mabilis na tumakbo palabas sa silid. "Tang'na ka, Ros!" Nagkatinginan kaming tatlo nang sumigaw pa ito, sabay sabay lamang kaming napakibit balikat dahil wala din namang kahit na sino ang may ideya. And that's when Kuya Roscoe entered the room, holding a very familiar box of cookies. "Hey, that's my cookies!" reklamo ni Red. "You baked this? It tasted good." Patuloy pa rin sa pagnguya si Kuya Ross a kabila ng matalim na mga mata ni Red. "Arie gave that to me." Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung saan ko ito nakita. Arie was baking last Saturday, may kausap pa kami sa face time that time. She's actually pissed at mayroon siyang hinalo doon sa cookies bilang ganti. "She put a laxative in there,"imporma ko sa kanila saka bumaling kay Red, "Sayo pa la siya naiinis that time, Red." Natigilan mula sa pagsubo ng kadudukot lamang na cookies si Kuya Schuy habang napatigil naman sa pagnguya si Kuya Ros habang magkasalubong ang mga kilay. "You sure?"paninigurado ni Kuya Schuy na tinanguan ko lamang. "s**t!" Napamura pa si Kuya Ros na kaagad na inilapag ang hawak na box ng cookies sa mesa habang binitiwan naman ni Kuya Schuy ang hawak na cookies na para bang napapaso ito doon. "That brat," Red hissed and went to get the cookies, lumabas ito sa kusina at mukhang balak iyong sunugin dahil may inilabas pa siyang lighter. Ilang sandali pa ang lumipas at tahimik lamang kaming lahat na siyang naiwan sa dining roon, ngunit maya't maya lamang ay bigla na lamang nasapo ni Kuya Ro sang tiyan saka tinahak ang pinto palabas. "Nasaan iyong iba?" Nagkibit balikat lang kaming pareho ni Kuya Schuy sa tanong ng kararating lamang na si Kuya Alther. Nanghihina kaming sumandal sa kinauupuan habang sapo ang tiyan. "I'm hungry," reklamo ko. "I'll call for take out." Kapwa na lamang kaming sumang-ayon sa suhesyong iyon ni Kuya Alther saka hinintay ang pagkain. None of us can cook except for Red ngunit wala na ito sa mood dahil sa cookies kaya naman ay magugutom lamang kami kung hindi pa kami oorder. "Don't tell me you let Kuya Ros cook again, Red." Humikab pa ako nang makababa upang mag-umagahan, I was expecting a great breakfast after that dinner Kuya Ros made last night ngunit naabutan ko dito sa salas si Red. "A friend stopped by, siya ang magluluto." Nagtataka akong tumingin dito saka nilingon ang sulok kung nasaan ang kusina. "Sino?" "It's Parker, matatapos na din iyon." Maaga pa naman kaya ay binuksan ko ang TV saka iyon ipinunta sa cartoon network. Spongebob Squarepants was currently airing kaya naman ay nakuha nito ang atensyon ni Red na nakinood na din. Paborito niya kasi ang dilaw na sponge na 'yon. Ilang episodes din ang napanood naming bago mayroong tumawag sa amin para sa umagahan. Pagkapasok namin sa kitchen ay nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang kaibigang tinutukoy ni Red. "Naglayas ka ba sa bahay niyo?"tanong ni Red dito. "Alther called, nilason daw ni Ros." Nailing lamang si Red dito saka tumingin sa akin. "By the way. Aless this is my friend, Parker." Nang makabawi ako ay mabilis akong ngumiti dito saka naglahad ng kamay, "I'm sorry about yesterday. I'm Alessandra Galvez nga pala." Tinanggap nito ang kamay ko saka ngumiti matapos ayusin ang salaming suot. "Parker Montefalcon, pasensya na din sa ginawa ng kapatid ko yesterday. And about the photo sa forum, naayos na din iyon." "Kapatid mo?" Tumango ito nang may ngiti sa labi. "Iyong sa classroom, nabanggit niya iyon nang makita iyong post sa forum." After talking ay nagbreakfast na din kami. Sumabay si Parker sa amin sa breakfast ngunit hindi na ito sumabay sa pagpasok, may dala kasi itong sasakyan ay mayroon pa daw kailangang daanan. "Ibaba mo na lang ako diyan sa malapit na sa café, Red maglalakad na lang ako later. I'm craving for latte." Kinabig ni Red ang manibela saka bumaling sa akin. "You sure?" Tumango lamang ako saka ngumiti nang ihinto niya ang sasakyan sa malapit na café. Bumaba ako doon saka nagpaalam lamang dito bago pumasok sa café. I ordered some latte and take it out, gusto ko ang naglalakad sa umaga kaya ay hindi na ako nagpahintay pa kay Red. Ang buong semester break ay iginugol ko lamang sa pagpa-fangirl at lalabas lamang kapag inaya ng mga kaibigan. Minsan nga ay hindi pa nakakasama sa kanila dahil pinangungunahan ng katamaran. Naglagay ako ng earphones sa magkabilang tainga habang naglalakad, and while sipping a coffee I noticed an unusual noise somewhere near a lane. Tago iyon at kung hindi mo titignang mabuti ay hindi mo iisiping mayroong nagaganap na pambu-bully doon. Wala akong balak na makialam ngunit nasilip ko ang kaprehong uniporme ng akin. Kahit ang college students kasi mayroon ding uniform ngunit pwede namang hindi iyon isuot. Mayroon lamang iilang gaya ko na ginagawa iyon. "Ilabas mo na kung ayaw mong masaktan." A short and fat guy pushed the one wearing the same uniform as mine. Nagtago lamang ako sa gilid habang pinapanood iyon, wala din naman akong magagawa at baka madamay pa ako kung makikita nila ako. "Wala akong pera." Yakap ng lalaking may suot na salamin ang bag niya. He look helpless. Nanlaki ang mga mata ko nang abutin ng isang lalaki ang may katabaang kahoy sa gilid saka iyon walang awang ihinampas sa lalaking nabu-bully. Napatakip na lamang ako ng bibig nang may lumabas na dugo mula sa bibig nito. Naghahalo halo ang emosyong nararamdaman ko. Awa, takot at kagustuhang tulungan iyong lalaki lalo na nang pinagsisipa ito ng mga kalalakihan na nakapalibot rito. Duwag akong tao. Mabilis matakot at mababaw lang ang luha, but I can't tolerate seeing someone being bullied before my eyes. I can't be a coward this time. It doesn't matter if that guy is a stranger. He needs help. Pull yourself together, Aless Ikinuyom ko ang aking kamao. Nanginginig ako sa takot at galit na nararamdaman ko. Kahit sino naman siguro, hindi ba? Pinagtutulungan nila ang isang lalaking walang kalaban laban. Hinalungkat ko ang bag ko upang maghanap ng pwedeng gamitin para sa misyon na pagtulong sa kawawang lalaki na pinagtutulungan ng limang pangit na elemento at mga hayop, isang kapre na malaki ang ilong, isang bibe na pandak, isang manyak na aso, isang kalansay na butiki at isang halimaw na mukhang pinagsamang panda at bakulaw. Nawawalan na ako ng pag-asa nang walang ibang makita sa loob ng bag ko kung hindi ang isang box ng cookies, notebook, ballpen, earphone, pressed powder at suklay. Naiwan ko pa la iyong iPad ko sa sasakyan ni Red, maaari sana iyong panghampas kung sakali. Ngunit nang mahanap ng mata ko ang maliit na bluetooth speaker doon ay nagliwanag ang mukha ko. Nadala ko pa la 'to? O baka inilagay na naman ito ni Red sa bag ko upang i-prank. Ikinonekta ko ito sa cellphone ko at hinanap ang isang audio na ang tunog ay serena ng pulis. Nilakasan ko ang volume nito, iyong sobrang lakas na siguradong maririnig nila at makakapag pataranta sa kanila. I saw this somewhere, strategy mula sa isang movie. "May parak!" "Gora na tayo mga utol!" Nang makalayo na ang mga ito ay ihininto ko na din ang ginagawa saka mabilis na lumapit sa lalaking nakahilata pa rin sa sahig gawa ng mga natamong p*******t mula sa mga bully. "Okay ka lang ba?" Nasapo ko ang bibig nang masuri ang kalagayan nito. He has buises in his face, ang uniform na suot ay magulo at naroon pa ang stain ng dugong lumabas sa bibig niya kanina. Marami siyang pasa at putok ang labi. "Let me help you, alright?" sabi ko nang makita itong pinipilit ang sariling tumayo sa kabila ng kalagayan. Lumunod ako sa sahig saka ipinatong ang ulo nito sa mga hita ko. Hirap itong magmulat ng mga mata at naririnig ko ang mga pagdaing nito sa bawat maliit na galaw na gagawin. "Don't push it," Ngumiti ako dito saka inabot ang panyo ko. I wiped off the blood from his face gently lalo na nang padaanin iyon sa mga labi niya. Ang salaming suot nito ay may basag din. "I–I'm f-fin–fine," Nanlaki ang mga mata ko at pilit na itinatago mula dito ang panginginig ng mga kamay nang muli itong sumuka ng dugo. It was terrifying but I needed to pull myself. "Hey, it's alright. Don't push it," Pinilit kong ngumiti dito habang bahagyang nanginginig ang kamay na may hawak sa kaniya at pumupunas ng dugo mula sa mukha niya. Nakatitig lamang ito sa akin, pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Then our eyes met, pamilyar ito sa akin. It seems like I already saw him somewhere. His brown eyes, those light shades of brown, hindi ko alam kung nakita ko na ito o mayroon lamang itong kapareho. But it's impossible, dahil iyong taong iyon ay brown lamang ang mga mata at hindi light gaya nito. "Let me put you there, alright?" itinuro ko ang kalapit na pader. Inalalayan ko siyang tumayo saka ipinatong ang braso niya sa mga balikat ko bilang suporta. Pinasandal ko ito sa pader habang nakaupo, wala pa rin itong imik at nakamasid lamang sa akin. "I'll call for help. Just hang in there, alright?" Inabot nito ang braso ko gamit ang walang lakas na kamay na pumigil sa akin sa pagtayo. I just smiled reassuringly at him as I removed his hand on my arm. "Just hang in there, babalik din ako. Wait for me." Para itong batang nakatingin sa akin, tila ba nagmamakaawa na huwag siyang iwanan ng mag-isa. "I'll be back, I promise." Tumalikod ako doon saka nagmamadaling naglakad upang humingi ng tulong, ngunit hindi pa lamang ako nakakalayo ng tuluyan ay mayroon akong narinig na pagbagsak. Nanlaki ang mga mata ko nang paglingon ay nadatnan itong nakadapa sa sahig at wala nang malay. "Hey, wake up!" I shook him awake but no response, talagang wala itong malay. Ginamit ko ang natitirang lakas upang iayos siya ng higa saka itinapat ang tainga sa dibdib niya. No heartbeat "Where's his heartbeat?"pabulong na tanong ko sa sarili. My hands are sweating and my lips are trembling, anong nangyayari sa kaniya? "Wake up, please." Tears started flooding on my eyes, at ilang sandali lamang at sunod sunod iyong tumulo. I was scared, really scared. "B–buhay p-pa ako, M–Miss," Bumaba ang mga mata ko saka napako iyon sa kaniya, his eyes are open that made me relieved. Ngunit hindi iyon nagtagal dahil ngumiti lamang ito ng saglit bago muling pumikit ang mga mata at nawalan ng malay. "What's happening?"niyugyog ko ito upang gisingin, "Wake up, ohmygod!" He's a stranger but thinking about him dying in my arms was scary. I don't want that. "Help!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD