Encounters
"Light travels faster than sound. Like how your brains works faster when the topic is love than my lessons."
Napuno nang tawanan ang buong silid nang sabihin iyon ng Prof. sa Elective Class namin. Boring naman kasi talaga ang klase nito at isa pa, iilan lang naman ang mga estudyanteng kumukuha ng klaseng ito.
"Okay class, that's all for today and prepare for a long quiz tomorrow. Class dismissed!"
Iniunat ko ang mga braso dahil sa pangangalay sa isa't kalahating oras na nagte-take notes para sa lesson. Elective Class isn't that important pero kailangan pa ring mag-effort dahil kailangang ipasa. Napansin ko na sunod sunod nang naglalabasan ang lahat kasunod ng prof. matapos magsinop ng mga gamit, but I reamined unmoving from my seat. Ito na ang huling klase ko ngayong araw kaya naman ay nais kong manatili na lamang dito.
I like it here, it's silent and peaceful.
"..., nothing like us, theres nothing like you and me together," pagsabay ko sa kanta mula sa earphones na nakakabit sa magkabilang tenga.
It became a hubby to sing quietly whenever I'm listening to Prime Montefalcon's songs, minsan nga ay hindi ko pa namamalayan na sinasabayan ko na pa pala. And I'm actually thankful na parang pagbulong lamang ang lakas ng boses ko sa tuwing ginagawa iyon.
Imagine doing that in public tapos ay napalakas pa ang boses mo? So embarrassing.
"If you're a bird, I'm a bird."
Napataas ako nang kilay nang madaanan ang mga linyang iyon at may maalala ilang araw na din ang nakalipas. Iyon iyong lines na binasa ng lalaki doon sa library, narito pa la talaga iyon sa librong ito.
I thought he's just being poetic.
Nailing na lamang ako saka napangiti at nagpatuloy sa pagbabasa. Minutes passed and my eyes gazed outside the window, naiwan doon ang aking tingin habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan na nag-iiwan pa ng ilang mga patak sa salaming bintana.
Itinaob ko ang binabasang libro saka humilig sa mesa habang nakapatong ang ulo sa mga braso, my smile grew bigger when the song shifted into a lofi one. My lids started to feel heavy, humikab ako saka tuluyan nang ipinikit ang mga mata.
Best hours starts now–
"Uhm...Ugh! H-Harp–"
Nanlaki ang mga mata ko nang mag-angat ng tingin at nadatnan ang isang lalaki at isang babae na basta na lamang pumasok dito sa marahas na pagbukas ng pinto. Hindi ko magawang makagalaw sa gulat at nakatingin lamang sa mga ito. Nakaharap sa banda ko ang likod ng lalaki na nakaharapan ng babaeng nakapinid sa white board sa harapan. Hindi din nakatakas sa pandinig ko ang mga daing na pinapakawalan nito habang nakapikit at ang mukha ng lalaki ay nasa leeg nito.
I don't know what to do, sa movies ko lang nakikita ang ganito na kaagad namang inililipat ni Red sa tuwing maaabutan nito ang ganong scene sa mga pinapanood ko.
Then the girl noticed my presence, nanlalaki ang mga mata nito habang ako ay napaawang ang mga labi at ilang beses na napakurap.
"Uhm- Ha–Harper, w-wait–"
I saw the girl pointing me dahilan upang mapatingin sa gawi ko iyong lalaki. Mabilis kong iniiwas ang tingin sa mga ito na hindi ko magawa dahil sa gulat kanina.
Inabot ko ang bag at niyakap ang ilang libro sa ibabaw ng mesa saka dali-daling tumayo, halos takbuhin ko ang pagitan ng pwesto ko at ng pinto dahil sa labis na kaba at hiya na nararamdaman ko.
"Ohmygod!" I was chanting those words as I take my fast steps out at nang tuluyan nang makalabas ay para akong nanghihinang napasandal sa pader hindi kalayuan sa pintong nilabasan.
That was embarrassing!
Nasapo ko ang magkabilang pisngi na ramdam ko ang pag-iinit. How can they do that in a classroom? Paano kung teacher or staff ang makahuli sa kanila, I'm sure they'll be both stock in the office with their parents.
I took a deep breath to calm myself. Nang maikalma ang sarili ay nagdesisyon na din akong umalis doon, and while walking, I was spacing out kaya naman ay hindi ko napansin ang makakasalubong kaya't nakabangga ko ang isnag estudyante.
"Sorry, sorry," mabilis na sabi ko.
Tumulong ito sa pagpulot ng mga libro ko at ng bag ko na nabitawan ko nang makabangga siya. Matapos mapulot ang lahat ay bahagya akong yumukod upang magpasalamat bago nag-angat ng tingin dahilan ng bagong pagkagulat.
"It's alright, kasalanan ko din na–"
Naputol ang sinasabi nito nang makita ang gulat sa mukha ko, my hand was on my mouth in shocked. May hawig sila noong lalaki sa classroom kanina, iyong may kasamang babae na dumadaing pa.
Ohmygod!
"Miss, okay ka lang ba?"kumaway ito sa harapan ko dahilan upang makabawi ako sa gulat.
Mabilis akong tumango at minsan pang yumukod bago dali-daling tumakbo palayo doon. I can't forget that scene earlier at hindi ko din magawang maalis nag hiya. At bakit kailangan ko pang makita ang mukha nila sa ibang tao? This is really crazy.
Pumasok ako sa restroom upang maghilasmos para mahimasmasan at pakalmahin ang sarili. I need to lessen the reddened of my cheeks before going to my friends, siguradong magtatanong sila at wala akong balak na ipagsabi ang nasaksihan dahil nakakahiya iyon.
"Ohmygod!" muli akong napahiyaw dahil sa nasaksihan pagkapasok ng banyo.
Napatakip ako nang bibig dahil sa lalaking naabutang nagsasara ng zipper, para akong nanigas sa kinatatayuan nang mapagtanto na maling pinto na naman ang napasukan ko.
"Miss!"
Kaagad akong nakabawi saka mabilis na tumalikod upang umalis doon, ang pag-iinit na nararamdaman ko sa mukha kanina ngayon ay pakiramdam ko umaapoy na iyon at nakapaso.
"Watch out, Miss!"
Huli na upang mapansin ko ang basa sa sahig kaya't nadulas ako at natumba, naramdaman ko ang pagtama ng ulo ko sa kung anong may katigasang bagay dahilan upang manlabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan iyong magdilim at namalayan ko na lamang na nawalan ako ng malay nang magising sa isang putting silid.
The familiar smell of hospital filled my nose. Nasa clinic ba ako?
"Miss, okay ka lang ba?"
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang iisnag pamilyar na boses. Napalingon ako sa nanggalingan nito at nadatnan doon ang isang lalaki na nakaupo sa isang stool malamit sa kamang hinahihigaan ko.
"Sorry!"mabilis na sabi ko, "I was spacing out and didn't notice the sign. Sorry talaga."
Ngumiti ito saka umiling. "Ayos lang 'yon, naiintindihan ko naman. Okay ka lang ba?"
Tumango ako saka ipinalibot ang mga mata sa lugar. "Anyway, nasaan ako?"
"Clinic, nawalan ka kasi ng malay nang madulas ka sa restroom. Do you feel anything weird? Baka nagka-concussion ka, gusto mo bang pumunta sa hospital?"
Umiling ako. "No, ayos lang ako."
Tumango ito habang ako naman ay napatingin sa pambisig kong relo. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang oras. Mabilis akong napatayo saka inabot ang mga gamit ko. Isang beses pa akong nag-sorry at nagpasalamat sa lalaki sa pagdala nito sa akin sa clinic bago nagpaalam na aalis na. Siguradong hinahanap na ako ngayon ni Red dahil kaninang 1:00PM pa ang huling klase ko.
"Where have you been? Kanina ka pa naming hinahanap,"
Ngumiti ako sa kaibigan kong si Gabby nang makasalubong ito, my eyes we're apologizing habang ito naman ay napabuntong hininga na lang saka iginiya ako patungo sa pinakamalapit na cafeteria sa kung nasaan kami.
"Akala ko ay kung ano na ang nangyari sayo, saan ka ba nagpunta?"
Tinapos ko ang pag-inom mula sa straw ng milkshake na hawak ko bago bumaling dito. "Something happened, nadulas ako sa restroom kaya't naroon ako sa clinic all this time."
"What?!"
Ipinaliwanag ko ang lahat ng nangyari kay Gabby habang ito ay nakikinig lamang sa akin. Mula sa nasaksihan ko sa classroom, iyong nakabangga ko sa hallway at iyon nasa restroom.
"I'm sorry if napag-alala ko kayo,"bahagya akong yumuko.
"It's alright, Aless I understand. Si Red itong hindi talaga mapakali kanina pa."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig saka dali daling pinulot ang cellphone upang tawagan si Red ngunit bago ko pa man iyon magawa ay lumabas na ang mukha nito sa screen at ang kaniyang pangalan sa caller's ID. Mabilis ko iyong sinagot at inilagay sa tapat ng tainga ang cellphone ngunit nailayo din kaagad.
"Where the here are you, Christiene Alessandra Galvez?!"
He's mad alright, at nakakatakot ito.
"Ahm, R-Red. Calm d–down p-please,"
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito mula sa kabilang linya at kasunod nito ang ilang pagpapakawala niya ng mabibigat na hininga.
"Nasaan ka?"
"Cafeteria. Main."
Mabilis ang sagot ko dahil sa talim ng boses nito, magsasalita pa sana ako ngunit narinig ko ang pagkaputol ng linya dahil sa pagbaba nito ng tawag. Napasimangot na lang ako.
"Galit?"
Nag-angat ako ng tingin at nadatnan si Arie na kadarating lamang. Umupo siya sa tabi ni Gabby sa pabilog na mesa kung nasaan kami.
"I think,"bahagya pa akong napangiwi.
"He's mad alright, Aless kanina ka pa hinahanap nang matapos ang klase niya ngunit wala ka sa lahat ng lugar na maaari mong puntahan. You won't even answer your phone." bumuntong hininga at ilang sandal lamang ay nalukot ang mukha,"I even have plans with Matt ngunit hindi natuloy dahil kinaladkad ako ng pinsan mo upang samahan siyang hanapin ka."
"I'm sorry, nasa clinic kasi ako –"Where have you been, Christiene Alessandra?"
Nanlaki ang mga mata ko saka natigilan. Nag-angat ako ng tingin sa gilid ni Arie at nadatnan doon si Red na matalim ang mga matang nakatingin sa akin.
"Red!" mabilis akong napatayo sa kinauupuan saka nagbaba ng tingin.
My cousin was scary alright, galit siya at seryoso. I can't even look in his eyes. Nakakatakot.
"Look at me and explain."
Hindi ko sinunod ang sinabi nitong tumingin sa kaniya at nagpaliwanag na lamang habang nauutal.
"I-I was a–at the c-clinic. Nawalan k–kasi ako ng m-malay,"
"You should have told me so!"
"I'm sor–"Goodness gracious, Red! She just said she's unconscious. Bingi ka ba?"
Pinutol ni Arie ang sinasabi ko, ilang beses akong napakurap dito at nagsalubong naman ang kilay ni Red.
"Bibig mo, Sianeska hindi ako bingi."
"Don't you dare scold her, sinisigawan mo nang hindi mo alam ang nangyari. Para kang gago!"
"I'm not scolding her, and lower down your voice will you!"
"See? Pati ako ay sinisigawan mo. Gago ka talaga!"
Nagkatinginan lang kaming dalawa ni Gabby nang mag-umpisa nang magtalo ang mga ito nang wala namang dahilan. Nakaguhit ang iritasyon sa mukha ni Red, maya't maya itong napapapikit habang namumula na habang patuloy ang pambabara ni Arie.
"Dammit!–"
"Don't you dare swear at me, Red!" halos mapangiwi ako nang muling sumigaw si Arie na siguradong maririnig sa buong cafeteria.
"I'm not, alright."bumuntong hinga si Red na para bang suko na matapos ihilamos ang mga palad sa mukha, "I won't scold her, okay? Just stop this nonsense already."
Ngiting tagumpay ang gumuhit sa mga labi ni Arie, she even looked at me smiled. Hindi nakatakas sa akin ang hindi maipintang mukha ni Red na ngayon ay nakaupo na habang nakasandal sapuan. Bahagya pa ring nagtatangis ang bagang ngunit hindi na nagsalita pa at nanatili lamang na tahimik.
Kompassianeska Marie just tamed Red Cordova, ang pinsan kong hindi nagpapatalo sa argumento lalo na kung alam niyang tama siya ay napatahimik ni Arie. She's really something.
"Uuwi na tayo," hindi na ako nagsalita nang kunin ni Red ang bagback ko sa ibabaw ng mesa at tumayo na lamang.
"Ihahatid na kita," mahinahon niyang sabi habang nakatingin kay Arie na kaagad namang nagtago sa likod ni Gabby.
"May pupuntahan pa kami. Right, Gab?"
"Ako na ang bahala dito sa alaga mo Red."bumuntong hininga si Gabby saka kumaway pa sa amin.
Nagpaalam lamang ako sa kanila bago sumunod kay Red na nauuna nang maglakad. While walking, I can feel the tension. Alam kong pagagalitan ako nito mamaya sa sasakyan o kaya naman ay pagka-uwi sa bahay.
"You alright?"
Nag-angat ako ng tingin kay Red nang magsalita ito. Saglit ko pa siyang pinakatitigan nang may pagtataka bago sumagot.
"Yes, hindi naman siya serious. Nawalan lang ako ng malay at wala namang kahit na anong nararamdamang kakaiba."
Yes, maliban sa kaba at takot sa kaniya.
"That's great then."
Pinauna na ako nito sa labas ng gate upang doon na lang maghintay dahil kukunin pa daw nito ang sasakyan sa parking lot. I was just standing a little far from the other group of students while waiting, at hindi naman nakatakas sa pandinig ko ang ilang bulungan.
"Isn't she the girl?"
"Mukhang maamo ngunit may itinatago din pa lang landi."
"Better leave her alone, pinsan 'yan ni Red Cordova."
Natigilan ako nang marinig ang pangalan ng pinsan ko. Are they talking about me? Lumingon ako sa gawing iyon kung saan maririnig ang may kalakasang bulungan na para bang sinasadyan iyong iparinig. I found some girls looking at me ngunit nag-iwas din ng tingin nang makitang nakatingin ako doon.
"Told you to leave her alone,"
Iyon ang huli kong narinig bago pumasok sa sasakyan ng pinsan ko na huminto sa tapat ko. Bumusina pa ito upang makuha ang atensyon ko dahil sa ilang usapan na pakiramdam ko ay ako ang tinutukoy.
"You look pale."
Napalingon ako kay Red nang punahin ako nito. Nasapo ko naman ang mukha saka umiling lamang bago ikinabit ang seatbelt.
"Pagod lang siguro."
Hindi na ito nagsalita pa iniabot lang sa akin ang bag ko na inilapag niya sa dashboard. Kinuha ko iyon at ilalagay sana sa backseat ngunit nagulat nang madatnang may mga tao doon.
"They're tagging along, sa kalapit na subvision lang sila."
My mouth just formed 'o' before nodding and smiling at them. "Hi. I'm Aless, pinsan ni Red."
"I'm Reid. Nice to meet you, Aless." said the neat looking one with a smile, maayos ang damit at malinis tignan ngunit ang baritonong boses ay may kung ano.
"Seven," walang buhay namang kumaway iyong isa, napakaputi nito at para siyang inaantok.
"KL here,"pagpapakilala naman ng lalaking may laptop sa ibabaw ng mga hita at may kahabaan ang buhok.
Ngumiti lamang ako sa mga ito saka tumango bago bumaling sa daan nang pausadin na ni Red ang sasakyan. We're at the road when I felt my phone vibrated, inilabas ko iyon mula sa bag na nasa ibabaw ng mga hita at nakitang mayroong message si Gabby.
Gabby:
Check the link, ngayon lang din namin nakita ni Arie.
Pinindot ko naman ang attachment na nasa ibaba ng mensahe nito at nanlaki ang mga mata nang mabasa ang isang post, may litrato din iyong kung saan ay malinaw ang kuha ko.
It was when I passed out at the boys' restroom. Buhat ako ng isang lalaki habang naglalakad sa hallway. There was a harsh caption on it na siyang ikinagulat ko dahil wala akong alam doon at hindi ko din kilala ang taong iyon.
Gabby:
Don't read the comments
Ini-off ko ang screen ng cellphone nang lumabas ang message ni Gab. Yes, I shouldn't read the comments. Nangyari na din naman ito sa akin noong nasa high school nang sunduin ako ni Kuya Schuy. Bumuntong hininga na lamang ako saka ibinalik ang cellphone sa bag at sumandal sa kinauupuan. Walang mang-yayari kung iisipin ko iyon dahil muli akong dinadalaw ng hiya sa tuwing maaalala ang mga nangyari ngayong araw.
"Hey, what's with the long sigh?"
Umiling lamang ako kay Red ay inilipat ang mga mata sa labas ng bintana ng sasakyan. Those embarrassing encounters today are really tiring.