Kabanata 3

2469 Words
Libro Kasalukuyan kaming nakasakay sa sasakyan ni Kuya Ros, nasa front seat ako habang siya naman ang nagmamaneho at ang tatlo ay nakaupo sa backseat, nagsisiksikan doon na parang sardinas. "It's really expect the unexpected, who would thought that he'll be there." Naiiling na sabi Kuya Ros habang nasa daan ang tingin na siyang sinang-ayunan ng tatlo sa likuran. I don't know what they are talking about, I don't even have a slightest idea. "It's like a fate made by stupidity, katangahan pa ang naging dahilan." si Kuya Schuy iyon at nakita ko pang umiiling mula sa rear view mirror. "Para kayong mga walang utak, kung ano anong pinag-uusapan niyo." Kuya Alther hissed at them. "Mga babae ba kayo, hah?" Iginilid ni Kuya Roscoe ang sasakyan sa gilid ng daan at inihinto. Nagtataka akong tumingin sa kaniya samantalang lumingon lang ito sa likod, diretso kay Kuya Alther na walang kahit na anong emosyon ang mukha. "White Alther, baba."May awtoridad na sabi sabi ni Kuya Roscoe. Lumingon naman si Kuya Alther sa kaniya na may blangkong mukha at walang buhay na mga mata. Ilang segundo pa nitong tinitigan si Kuya Roscoe bago ito nagsalita. "Kung gusto kong bumaba, Ros kanina ko pa ginawa, kaso ayoko, e. Kaya magmaneho ka na lang diyan dahil namimiss na ako ng kama ko." Masama ang tingin ni Kuya Roscoe kay Kuya Alther na parang walang pakialam sa nangyayari at nakatingin lang sa labas sa bintana ng sasakyan. Akmang tatanggalin ni Kuya Ros and seatbelt niya nang pigilan siya 'nong dalawa sa likod. "Easy ka lang, Ros. Hayaan mo na lang 'yang puting yan, abnormal yan, e." sabi ni Kuya Schuyler habang pinipigilan nilang dalawa ni Red si Kuya Roscoe sa pagsiklab. "Ilayo layo niyo sa akin 'yang puting yan at masasakal ko talaga yan." nanggigigil na sabi ni Kuya Roscoe at ibinalik ang tingin sa daan at binuhay muli ang makina ng sasakyan. "Bobo talaga. Nasa iisang sasakyan tapos pinalalayo ako." sabi ni Kuya Alther at siniko naman ito kaagad ni Red na siyang pinagigitnaan nilang dalawa ni Kuya Schuy. Hindi ko na sila pinansin pa at naglagay na lang ng earpods sa magkabilang tainga. Bahala sila diyan kung magpatayan sila. I looked at the cars window. Madilim ang paligid at ang mga gusali at lamp post nalang na aming nadaraaanan ang nagbinigay ng liwanag rito kasabay na rin ang mga dumaraang sasakyan. Ang sarap sa pakiramdam na panoorin ang ganitong paligid tuwing gabi lalo na't pinakikinggan ko ang malamig at nakakapawi ng pagod na boses ng lalaking hinahangaan ko. At sa sobrang pagkaaliw doon ay hindi ko namalayyang nakatulog pala ako. "Hello, baby," Ang malambing na boses ni Mommy ang bumungad sa akin nang sagutin ko ang nag-iingay na cellphone sa katabing mesa ng kama ko. Kaagad akong nagising at napangiti dito. "Hello, Mommy ko. How are you and Daddy po?" "We're good, sweetie. Halos kararating lang naming ng Daddy mo, I just called to check up on you and Red. Dumating na ba sina Kuya Roscoe mo?" "Yes po, we even went to the mall." Imporma ko dito habang nakatingala sa kisame at nakaguhit ang ngiti sa mga labi. "Good for you, Alessandra. Anyway, ibababa ko na itong call dahil kailangan naming magpahinga ni Daddy mo. Bye, baby. Good night, love you." Huminga ako ng malalim saka pilit na ibinalik ang nawalang ngiti dahil sa narinig I missed them already. "Okay po, Good night din and say hi to Dad for me. Love you both." Matapos ang tawag ay inilapag ko ang cellphone sa gilid saka niyakap ang unan sa tabi ko. My parents just left and I really miss them already, hindi kasi ako sanay na wala sila dito, especially my Mom. Ang isa pang nasa isip ko ay ang patapos nang semester break, today is the last day and it's tiring even just thinking about the start of classes tomorrow. Pakiramdam ko ay hindi ko pa nasulit ang two weeks break. "Aless, you still up?" Umupo ako sa kama saka tumingin sa pinto nang may kumatok doon at sinundan ng boses ni Red. "Yes, Red may kailangan ka ba?" Bumukas ang pinto at sumilip lang doon ang pinsan ko na mukhang may pupuntahan dahil nakabihis ito. "We're going out, si Alther lang ang maiiwan dito. Would you be fine here?" tumango ako dito nang may ngiti sa labi. "I'll be fine, matutulog na din naman ako. Saan pa la punta niyo, Red?" "Diyan lang sa Clubhouse uptown, the usual." Ilang beses akong napatango. "Bakit hindi niyo kasama si Kuya Alther?" "Tinatamad tumayo sa kama niya." Bahagya na lang akong napangiwi sa dahilang iyon, Kuya Alther na Kuya Alther ang rasong iyon. Saglit pang nagbilin si Red bago nagpaalam at tuluyan nang umalis kasama sina Kuya Ros at Kuya Schuy na nagtungo din sa silid ko upang magbilin at magpaalam. "Ingat, mga Kuya." Nang marinig ko ang pag-alis ng dalawang sasakyan na ginamit ng mga ito ay tumayo na rin ako mula sa kama upang magtungo sa banyo at shower. I can't sleep without getting a shower at night, mainit pa rin kasi kahit November na. After taking a shower, I changed into my pajamas and laid with my stomach in bed while checking my social media accounts. Nagcheck lang ako ng messages mula sa mga kaibigan at kakilala bago napagdesisyonang matulog na. Kinabukasan, maaga akong nagising upang maghanda para sa pagpasok sa University. I'm a college student, currently at my freshman year and taking a course in Architecture. "Meow," Napalingon ako sa pusa kong nakahiga sa paanan ng kama ko, nakatingin ito sa akin kaya't napangiti ako. "Good morning too, Prime." Iniunat ko ang mga braso saka napahikab, kasalukuyan akong nakaupo sa kama at nasa katawan ko ang pagtutol sa pagbangon na kailangan kong gawin. Kung ako ang masusunod ay hindi ako papasok ngayong araw ngunit kung gagawin ko iyon ay siguradong kakaladkarin ako ng mga pinsa ko papasok sa school. Especially my cousin, Red. "Good morning, Aless." Ngumiti ako sa nakasalubong na si Kuya Schuy, maliwanag ang mukha nito at nakangiti habang nakapamulsa. Magulo ang buhok nito ngunit bakas pa rin sa mukha ang natural na taglay na kapilyohan. "Good morning din, Kuya." Sabay na kaming bumaba nito sa hagdan habang pinag-uusapan ang pagpasok ko sa school at kung anong mga bagay lang. Nang makarating sa kitchen ay nadatnan namin sa hapag sina Kuya Ros at Kuya Alther na magulo ang buhok at mukhang may iniinda. Habang si Red naman ay nakasandal sa island counter habang humihigop ng kape, nakasuot na ito ng uniform at mukhang handa na din para sa pagpasok. "Good morning,"bati ko saka umupo sa bakanteng upuan sa tapat ni Kuya Ros, "Anong nangyari sa inyo mga Kuya?" "You two look like shit."komento ni Kuya Schuy na umupo sa tabi ko na hindi na pinansin ng dalawa. "I have a hangover and Alther overslept but we're good." Si Kuya Ros. "Okay." I smiled at them. Si Red ang naglagay ng pagkain sa plato ko at nag-usap lang kaming lahat habang kumakain, Kuya Alther even argue again with Kuya Ros dahil sa sunog na bacon na hindi naman nito kasalanan dahil si Red ang nagluto. "It's your brother, idiot." Tinignan ni Kuya Alther si Red na tumaas lang ang kilay bago niya ibinalik ang mga mata kay Kuya Ros nalukot ang mukha. "Mas matapang iyon sa akin kaya't kasalanan mo na lang." Nailing na lang kami at hindi na pinansin ang dalawa. After breakfast, Red and I just went to get our things before we left the house. "No boys, just focus on your studies and no troubles please. Are we clear, Aless?" Napaikot na lang ako ng mata saka napasimangot dito. "Hindi ka ba napapagod sa kapapaalala sa akin ng mga bagay na 'yan sa tuwing sumasabay ako sayo sa pagpasok?" Inabot ko lang ang mga gamit sa backseat bago lumabas ng sasakyan nang hindi nagpapaalam dito. "Sabay tayong uuwi mamaya!" pahabol na bilin nito na kinawayan ko lang ng hindi siya nililingon saka pumasok na sa gate. Hinawi ko ang buhok na inililipad ng hangin habang naglalakad patungo sa building kung nasaan ang main library. Mayroon pa akong isang oras bago ang unang klase ko ng 9:00 o'clock kaya't sa library muna ako para magbasa. May ilang bumati sa akin na kakilala na nginitian ko lang. They are my classmates at iyong iba ay batchmates noong High School. I'm not actually friends with them, just acquaintance. Iyong iba ay nilalapitan lang ako upang mapalapit sa pinsan kong si Red. Nangyari iyon noong junior ako sa High School and thankfully, Arie and Gabby were there. I only have a few friends and I like it that way, hindi din kasi ako mahilig makipasocialize. "May transferee daw sa Engineering Departmen, I heard its Civil yata," hindi ko maiwasang marinig ang ilang usapan ng mga nadaraanan kong grupo ng mga estudyante. "Mayroon daw bagong Montefalcon sa Engineering Department, second year yata." Napatakip ako ng bibig gamit ang kamay nang bahagyang mapahikab habang naglalakad. Magkakatulad ang usapang iyon sa mga nadaraanan ko hanggang sa makarating ako sa main library. "Good morning po, Miss Farah." binati ko ang librarian na sinuklian naman nito ng ngiti at magiliw na pagbati. "Good morning too, Aless." Ngumiti lang din ako dito ng matamis saka magalang na tumango. Miss Farah is a senior student and currently working at the University's library. "May mga bagong libro doon sa section na madalas mong puntahan, go check it. The novels are really great." "Thank you, Miss I'm on it." Mahina lang ito natawa sa akin at nagtungo naman ako sa tinutukoy nitong shelf sa dulo, marami ngang bago doon at karamihan ng ibang nabasa ko na ay wala na doon. I observed each one I find interesting until one really got my attention, ito iyong pinanood namin nina Arie at Gabby last week nang mag-sleepover kami kina Arie, actually hindi ko siya natapos dahil nakatulog ako kaya naman ay curious ako sa buong nangyari. "Oh, it's Nicholas Sparks," napatakip pa ako sa bibig dahil sa excitement na mabasa ang librong hawak. I can already feel it, it's an amazing book. Sayang lang dahil tapos na ang break at hindi ako magkakaroon ng maraming oras upang magbasa. "If you're a bird, I'm a bird, huh," Napabaling ako sa nanggalingan ng boses na iyon, I saw a figure leaning at the other side of the shelf, hindi ko maintindihan ngunit parang pamilyar sa akin ang likod nito gayon din ang amoy na pumupuno sa pang-amoy ko, I've smelt it before. Ilang sandali pa ang lumipas at nanatili dito ang paningin ko, I can only see half of the back of his head but I can't take my eyes on him. Then, like a scene from a movie, his gazed turned and met mine. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang may-ari ng mga matang iyon kaya naman ay napakurap ako upang siguraduhin ngunit pagkamulat ng mga mata ay wala na ito doon. Am I hallucinating? "Mr. Montefalcon, mukhang naligaw ka yata at library ang napasukan mo." Napabaling ako sa nagsalitang si Miss Farah, mukhang naglilibot ito sa library at may namataang estudyanteng kakilala. "Mukha nga, Miss." Napunta naman ang aking mga mata sa kausap nito na ngayon ay bahagyang nakalagay ang kamay sa batok. Iyon na naman iyon familiarity na nararamdaman ko. I think I have seen that guy somewhere. "Hihiramin mo ba iyang libro, wala sa mukha mo ang nagbabasa ng ganyan." Bumaba ang mga mata ko sa kamay ng lalaki kung nasaan ang hawak na libro. Pinapanood ko lamang ang mga ito at napangiti ako nang makitang kapareho ng hawak ko ang hawak nito. "Miss," lumapit ako doon nang lingunin ako ni Miss Farah na nginitian. I went to show the book I was planning to borrow. "Mayroon po bang naroon sa desk niyo, I wanted to borrow this," Tumaas ang kilay nito nang makita ang librong hawak ko saka bumaling sa gilid ko, sinundan ko ang mga mata niya at napag-alamang wala na sa tabi ko ang lalaking kausap nito kanina. "Where did that guy go?" Nagkibit balikat si Miss. "Let's go, malapit nang mag-nine baka ay mahuli ka sa klase." Nakangiti akong tumango dito saka sumunod. After the library, I went on my first class this morning to find a good spot. Madalas kasing magkaubusan ng magandang puwesto kaya't mas maganda na din ang maaga. I sat at the chair next to the window at the last row in the left. Binuklat ko ang libro at nag-umpisang magbasa, ilang pahina pa lamang ang nabubuklat ko nang dumating ang prof. kaya't napahinto ako upang makinig dito. More on review from the last lessons lang naman at nag-introduced ng bagong lesson this quarter ng first sem, naaral ko na iyon kaya naman ay hindi na ako masyadong nagfocus doon. "Turn your text book on page 105, Chapter one of the lesson," I sighed and put my hand on my mouth as I yawned. Pinalibot ko ang paningin sa classroom at huminto iyon sa katulad na likod ng lalaki kanina sa library. I tilted my head and tried so hard to remember where I had seen him but nothing entered my head. I angled his back using the box I made out of my finger where he fitted perfectly. Mahina na lang akong natawa sa ginagawa saka iyon itinigil bago pa may makapansin saka inalis na doon ang atensyon ko at sumunod sa ginagawa ng klase at nakinig sa prof. "Class dismissed!" Inayos ko ang gamit at hinintay na makalabas ang lahat bago ako tumayo, ayaw ko kasi nang nakikipagsiksikan at naitutulak sa tuwing labasan at ayaw ko rin ng atensyon. "Trigo it is," Bumuntong hininga ako nang maisip ang susunod na klase 30 minutes from now. Its not that I don't like it, mahirap lang talaga. Tumayo na din ako sa upuan at bumaba sa hagdan upang lumabas ngunit nakuha ng isang bagay sa ibabaw ng isang mesa ang atensyon ko. Pinulot ko iyon at nanlaki ang mata nang makitang kapareho iyon ng libro na mayroon ako. Napagtanto ko din na dito nakaupo kanina iyong lalaki na kausap ni Miss Farah sa library. "He left it?" Napahinga ako ng malalim saka iyon pinulot at napagdesisyunang ibalik na lang ito sa library dahil baka hindi na balikan ng humiram at masira pa. "Naiwan niya sa loob ng klase?" Tumango ako sa tanong ni Miss nang maipunta ko sa main library iyong libro. "Dito po yata hiniram at mukhang kakilala mo naman, just call him, Miss. Baka po ay hinahanap na." Pumayag naman ito sa sinabi ko at hindi na din ako nagtagal doon dahil mag-uumpisa na ang klase ko. I run to my next class and erase the book my mind. That guy just felt so familiar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD