Kabanata 2

2148 Words
Fan girl "Ohmygod!" Nagpagulong gulong ako sa kama habang may hawak na soft pillow na ngayon ay nakatakip sa mukha ko. Paulit ulit na nagpapabalikbalik sa isipan ko ang lahat nang nangyari nang nagdaang gabi. I can't still believe it alright, just how stupid I can get entering the door on the left without reading the sign on it and instead of entering the door at the right. And above all, I saw Prime Montefalcon, not just saw, but I met him. Face to face, closed up. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa nangyari, that's my idol there alright. Ngunit kung mayroon man akong itatawag sa gabing iyon ay walang iba kung hindi gabi ng kahihiyan. I can still feel my heart beat when the guards chased me. Hindi ko alam kung may nagreport ba sa akin o may nakakita na lumabas ako doon. "Miss, kailangan ka naming dalhin sa security office. Nakita po kasi kayong pumasok–" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng guard na lumapit sa akin, may dalawa pa itong kasama na nagpatakot sa akin kaya't agad agad akong tumayo at mabilis na tumakbo palayo doon. Dahil sa kaba, takot at pagkabigla ay hindi na gumagana ng maayos ang utak ko. Everything was just too much for my brain to bear anymore. "Miss!" They chased me and all I did was run, I was running in circles and people are looking at me. Pilit ko na lamang na itinago ang mukha sa hood ng hoodie na suot hanggang sa makalabas at maabot ang sasakyan ng pinsan ko. I didn't even have the chance to meet up with my friends, basta ang gusto ko na lang sa mga sandaling iyon ay ang makauwi at makapagpahinga sa kama ko. "Did I really run a marathon for accidentally bumping into Prime Montefalcon?" Napabuntong hininga ako sa tanong sa sarili habang nakatitig lamang sa kisama. I don't know what to feel but right now, I'm smiling. I'm happy about the fact that I saw him. Kahit na dahil lamang iyon sa katangahan ay nangingibabaw sa akin ang kasiyahan. It was once in a lifetime opportunity and I think I'm lucky while stupid prettily. Though, got chased by the guards doesn't count on my luck, it was pure stupidity. "Aless, dinner is ready! Bumaba ka na dito!" Huminga ako nang malalim bago bumangon nang marinig ang pagtawag sa akin ng pinsan kong si Red. Dalawa lang kasi kami dito sa bahay at wala din kaming maids, nasa Canada naman sina Mommy at Daddy para sa isang business trip. They'll be staying there for a month or two dahil na din sa nalalapit nilang wedding anniversary and sadly, they won't be here to celebrate my birthday with me. "Hey." Nilampasan ko lang si Red na nanunuri ang mga matang nakamasid sa akin, nagtungo ako sa dinning at umupo doon. "What's with you? You look like... hell?" Bumuntong hininga lang ako saka pumangalumbaba sa mesa habang hinihintay siyang makaupo upang makapag-umpisa nang maghapunan. "Really, Aless? Anong nangyari?" Bumalingan ko ito, nakakunot ang nuo nito sa akin at naroon ang pagtataka na nakaguhit sa mukha. "Kagabi pa 'yan, ah."puna nito saka umupo sa kaharap na upuan ng kinauupuan ko, "Nakita mo ba si Primo ng malapitan at napagtanto mo na mukha siyang kuneho na palaboy-laboy sa lansangan?" Nalukot ang mukha ko sa sinabi nito at pinaningkitan siya ng mga mata. "Oh, I knew it."ngumisi pa ito, "Nasukat mo iyong ilong niya at napagtanto mong doble ng kaniya iyong sayo kaya't nagsisisi ka ngayon kung bakit ka niya naging fan. Tama ako, hindi ba?" Pinulot ko ang isang oranges sa mesa at walang sabi sabing ibinato iyon sa kaniya na mabilis naman nitong nasalo. He's so annoying. "You're so annoying, Red! Tigilan mo!" Tinawanan lang ako nito at itinaas pa ang dalawang kamay sa ere na para bang suko na. It took him a whole minute laughing before finally stopped. "But seriously, anong meron? Kagabi ka pa wala sa sarili at hindi ko mapagtanto." Ngumuso ako saka nagbaba ng tingin sa plato sa harapan ko sa mesa. "I did something embarrassing last night," nakagat ko ang pang-ibabang labi. Nag-angat ako ng tingin dito upang makita ang reaksyon niya ngunit nakataas lamang ang mga kilay nito sa akin na para bang hindi big deal iyong sinabi ko. "Ano naman? It's not like it's the first time you did something embarrassing," nagkibit balikat pa ito. "You're mocking me again!" reklamo ko na tinatawanan na naman nito. He's clearly enjoying this, "Alright, alright let's get serious here. Tell me what happened." Huminga ako malalim bago nagsimulang magkwento tungkol sa lahat nang nangyari kagabi. I don't want to keep it a secret naman and this is Red, hindi ako nagsesekreto dito kahit na lagi niya akong pinipikon. He's like brother to me since we grew up together. Simula nang mawala ang mga magulang niya ay sa amin na siya tumira habang ang nakatatandang kapatid niya ay sa lola namin na ngayon ay nasa Canada na at doon ito nag-aaral. "... kaya 'yon nagmamadali akong umuwi kagabi." Nang matapos akong magkwento ay pinagmasdan ko ito, naghihintay sa reaksyon niya ngunit kaagad din namang nalukot ang mukha ko nang humagalpak ito ng tawa. I already knew that this will be his reaction. It took him almost five minutes laughing habang ako ay nakatitig lamang sa kaniya. Nasa mukha ang pagkairita. "Tama na kasi, Red! Hindi na nakakatuwa." Tumigil din naman ito ngunit kinailangan ko pang pagbantaan na ibabato iyong pinya sa kaniya. He's really enjoying annoying me. "Kaya pa la hingal na hingal ka nang makasakay sa sasakyan ko."tumatango tango pa ito, " I can't believe the guards chased you." "Who chased who?" Nagkatinginan kami ni Red nang marinig ang pamilyar na boses mula sa pinto, nanlaki ang mga mata ko nang mapag-alaman kung sino iyon. "Kuya Roscoe!" Mabilis akong tumayo sa kinauupuan at niyakap ito ng mahigpit na ikinatawa niya ngunit ibinalik din naman ang yakap ko. Then they went back to the topic that annoyed me again. "Hinabol ng guards doon sa fashion show kung nasaan si Prime kagabi, Ros." Napaikot ako ng mga mata dahil sa sinabing iyon ni Red kay Kuya Roscoe. Natatawa pa ito at nasa mukha ang pamimikon sa akin. "Prime? Primo? Si Montefalcon?" Tumango dito si Red na ikinabaling ni Kuya Ross a akin na nakatayo sa tabi niya at nakapatong pa rin sa balikat ko ang braso niya. "Talaga? What did you do, Aless?" Muli akong napanguso at lumalim ang gatla ng noo dahil pinagtatawanan na din ako nito gaya ni Red. "Baka ginahasa niya." Napabaling ako sa pinto nang marinig ang pamilyar na boses at nanlaki ang mga mata nang madatnan doon ang dalawa ko pang pinsan. "Kuya Schuyler! Kuya Alther!" Kapwa ang mga ito ngumiti at kumaway sa akin saka lumapit upang guluhin ang buhok ko gaya ng madalas nilang gawain. "So, bakit ka hinabol ng guards?" tanong ni Kuya Schuyler. Napasimangot ako at sinamaan ng tingin si Red na walang ingay na natatawa sa gilid bago binalingan ang mga bagong dating. "That was just an accident. Anyway, bakit kayo nandito?" "Your Mom asked us." Si Kuya Alther ang unang sumagot na ngayon ay may nginunguya nang mansanas. "Break din naman naming sa school at namimiss na daw ni Alther si Red kaya't pumayag kami." Nailing na lang ako sa panunudyong iyon ni Kuya Schuy kay Kuya Alther, inakbayan pa nito si Red na may ngisi din sa labi na tinutudyo ang kapatid. "Sana ay nagsabi kayo, Kuya para nasundo naming kayo." Ngumiti lang si Kuya Ros sa akin saka umiling. Nagkakaladyaan iyong tatlo kaya't kaming dalawa lang ang magkausap ng maayos. "We wanted to surprise you." Ngumiti ako ng malaki. "I'm surprised alright, as in super." Tinawanan lang ako nito bago pinahinto iyong tatlo na hindi naman nakikinig. "Primo, huh?" Pabiro ko lamang na inikutan ng mga mata si Kuya Schuy na siyang walang tigil na nanunudyo sa akin matapos ikwento ni Red sa kanila ang lahat ng nangyari sa loob lamang ng isang gabi. Inulan ako ng panunudyo mula sa mga ito lalo na kina Kuya Schuy at Red na siyang laging magkakampi. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang sumimangot sa mga ito na tinatawanan lang nila. "Tigilan niyo kasi!" "Tigilan niyo nga iyang baby, iiyak na, oh."pakikisabad ni Kuya Alther. "Wag ka nang sumimangot diyan," si Kuya Ross aka umakbay sa akin at bumulong sa tainga ko, "Shopping tayo ng new merchs mo sa mall." My mood shifted immediately at what he said. Naging mabilis ang hapunan namin dahil sa pagmamadali ko sa kanila upang makaalis na kami makarating sa mall. "I hate this part paper hearts and I'll hold a piece of yours. Don't think I would just forget about it," Lihim akong napapangiti habang sinasabayan ang kanta sa airpods na suot. Prime Montefalcon really is something. He has this cold and soothing voice that you'll never get tired of listening. His visual attracted my eyes but his voice, it's really something. At iyon ang dahilan kung bakit isa ako sa mga tagahanga niya. I can't remember how long it has been since I started being his fan girl, basta ang alam ko ay matagal na at fan na fan talaga ako nito. He's now making a name in asia, hindi lamang sa bansa kung hindi sa maraming bansa sa asya. I'm proud of him, as a fan girl, your idol's success is yours too. "Nandito na tayo." Kuya Roscoe announced when I noticed the car has stopped. Ako ang naunang bumaba ng sasakyan dahil sa pananabik sa ipinunta namin dito sa mall. Pagkapasok na pagkapasok pa lamang ay hinila ko na ang mga ito patungo sa department store kung nasaan ang mga merchandises na pinangako ni Kuya Ros na bibilhin para sa akin. Kuha dito, kuha doon. Abot dito, abot doon. Lahat ng gusto ko ay kinuha ko dahil iyon ang sinabi sa akin ni Kuya Ros bago ito umalis at nagpaalam na mayroong pupuntahan saglit. Si Red ang nagtutulak ng cart habang nakasunod sa akin at nasa magkabilang gilid naman niya iyong dalawa na panay ang reklamo. "Seriously? Mug na may mukha ni Prime?" si Kuya Alther iyon may hawak na mug at sinusuri iyon,"Kung ganito lang din naman ang tasa ay hindi na ako magkakape." Nailing na lang ako sa mga ito nang magsabi ng sarisariling opinion o mas matatawag ko pa ang mga iyong pamumuna sa kaibigan nila na idolo ko. Hindi din nakatakas sa akin ang ilang bulungan sa paligid, iyong iba ay may paghanga sa mga kasama ko na parang siraulo. "Mukha talagang kuneho itong si Montefalcon." Si Kuya Schuy. "Mukha naman siyang manyak na bata dito." Si Kuya Alther. "Hindi ko ba alam kung bakit napakaraming humahanga diyan, samantalang sinakop nan g ilong niya iyong mukha niya," si Kuya Ros na karadating lang at nakisali pa sa tatlo. Nailing na lang ako sa mga ito at nagpatuloy sa paglilibot, para silang mga bata na nagtatawanan at naghahabulan. Nakakahiya sa mga tao dito sa loob na kanina pa kami pinagtitinginan. Then I stopped at the posters section, may ilan doon na mayroon na ako at iyong bago lamang ay nasa itaas, hindi koi yon maabot dahil may kababaan ang height ko. "Bakit ba ang taas mo?" reklamo ko habang pilit iyong inaabot. "What's wrong, Aless?" Nilingon ko si Kuya Ross aka nakasimangot at itinuro ang inaabot kong poster. "Masyadong mataas, Kuya, e. Hindi ko maabot." And of course, the three idiots will barge in just to annoy me. "May mga bagay kasi na hanggang tingin ka na lang." "He's an idol while you're just a fan girl, tanggapin na magkaiba ang mundong kinalalagyan niyo." "Sad reality but true. That's life when you're just a fan girl while he's an idol. Parang tubig at langis, langit at lupa, hindi maaaring mapag-isa." I just looked flatly at them and continue walking while Kuya Roscoe got the poster I want. "Aless!" Huminto ako at lumingon sa mga pinsan ko ngunit huli na iyon dahil may nakabangga ako. Masyado iyong malakas kaya't nawalan ako ng balance, akal ko ay babagsak na ako sa sahig ngunit may umabot sa beywang ko upang suportahan ako at hindi matumba. "You alright, Miss? I'm sorry, nagmamadali kasi kaya't hindi napansin ang daraanan." Nang makatayo ako ng maayos ay nag-angat angat ako ng tingin dito. He's wearing a black mask and black hat together with his black loose shirt and black jeans. Ang sapatos lang yata nito ang puti. "Ahm, ayos lang. Sorry din." Tumango ito saka saglit akong pinakatitigan at hindi nakatakas sa akin ang pagngiti ng kulay kape nitong mga mata. "Mag-ingat ka sa susunod," Matapos sabihin iyon ay mabahagya itong yumukod bago ako tuluyang nilampasan. Is it just me or his eyes really looked familiar. Those dark coffee brown eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD