CHAPTER 25 LEVY'S POV Napaatras ako at biglang nangilid yung mga luha ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kilala ko to. Kahit nanginginig yung kamay ko ay pinilit ko itong kinuha. Kaya pala napakalansa. Nakalagay nga sya sa isang lalagyan kaso wala namang takip. Tinaas ko yung damit ko para matakpan yung ilong at bibig ko. Nakakasuka. Pinilit kong inaalala kung kaninong balat to pero kahit anong gawin ko ay wala talaga, hindi ko ito makilala. Binalik ko ito sa ref at sinarang muli. Nilibot ko yung paningin ko. Isa yung talagang napansin ko, napakalinis. Pero kahit gaano pa ito kalinis ay sobrang baho dito. Napayuko ako at napakunot ng noo. Nasan yung katawan gumagamit ng katawan ni shane? Nasan sya? Palabas na sana ako nang bigla akong makarinig ng pagtunog ng isang kotse sa laba

