CHAPTER 26 SHANE'S POV Dali dali akong umalis sa higaan ko. Kailangan kong puntahan si kuya zeighmour. Sinuot ko yung tsinelas na panloob at dali daling binuksan yung pinto upang makalabas. Kamuntikan pa kong madapa aish! Katangahan mo talaga shane! Nang makarating na ko sa harap ng kwarto ni kuya zeighmour at ate blizz ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Hiningal ako dun ah! Tok! Tok! Tok! "Pasok!" Nang marinig ko yung boses ni kuya zeighmour ay pinihit ko na yung door knob upang makapasok. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita kong tulog na si ate blizz at si kuya zeighmour naman ay may kung anong binabasa dun sa isang librong bahagyang lumiliwanag. "Oh, bakit shane? Anong problema?" Bumaling ng tingin sakin si kuya zeighmour. Napabuga ako ng hininga sa hangin. "May gust

