Prologue

389 Words
"Kyaah! Kuya! kuya! OMG! Kuya!" sa sobrang excited ko hindi ko alam na si Kuya na pala ang nabunggo ko sa pagmamadaling puntahan sya sa kwarto nya. "Zoe ano ba?" iritang sabi nyang na mabunggo ko sya pero hindi ko pinansin ang pagkairita nya, mawawala din yan dahil matutuwa sya sa malalaman nya! "Kuya!" tumalon talon ako habang umiikot sa harap nya habang hawak ko ang envelope na kakapadala lang kanina. "Hoy! mukha kang kitikiti. Tumigil ka nga kakatalon nahihilo ako sayo." pero hindi pa din ako tumigil. Ito na, ito na ang pangarap ko! "Kuya! Kyaah!" tumigil ako sa pagtalon pero kumekembot kembot ako habang pinapakita sa kanya ang envelope na pinadala sakin at taas baba ang dalawang kilay ko sa kanya na may ngiting tagumpay. "Zoe! Ano ba!" hinawakan nya ako sa magkabilang balikat kaya tumigil ako. "Yan! Tumigil ka din. Hays! Ano bang ikinasasaya mo huh? Para kang tanga alam mo yun?" napasimangot ako sa sinabi nya. "At least parang tanga lang, ikaw literal na tanga." sabi ko at nakatanggap ako ng paltok sa kanya. Napahawak ako sa ulo ko na binatukan nya. "Aray! Kuya naman!" epalogs nito. "Tumigil ka nga! Ano bang envelope yan?" biglang lumiwanag ang mukhang ko at tumalon talon ulit. "Kuya! Waah! OMG!" hindi ako makapaniwala ito na talaga! Tumigil ako sa pagtalon na muli akong binatukan ni Kuya. "Aray Kuya! Nakakadalawa ka na ah!" sumimamgot ako sa kanya at hinimas himas ang ulo ko. "Ikaw kasi! Umayos ka nga! sabihin mo na kung ano meron sa envelope na yan. Hep! Wag kang tumalon talon dyan o magsisisigaw." what the hell? ang kj naman nito! "Walang thrill kung hindi ako sisigaw." sabi ko habang nakanguso sa ibang direction. "Oh come on sabihin mo na lang." umiling ako. Kumunot noo nya. "Zoe para kang bata, sabihin mo na lang ang laman ng envelope na yan." umiling ako. Bahala ka sa buhay mo dyan. "Hays! Fine, pwede kang sumigaw pero---" hindi ko na hinintay tapusin ni Kuya ang sasabihin nya at nagsisigaw ulit ako. "Kyaah! Kuya pasado ako! waah!" tumalon talon ako at pinagsusuntok ang hangin. Sabi ko na nga ba makakapasa ako dito eh! Wooh! Ang galing mo talaga Zoe! "Huh? Pasado saan?" tila naguguluhan na sabihin nya at hindi na inalitan ang pagsisigaw ko. "Sa Dragon Basketball Girls International Training Camp!" -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD