Chapter 1

3288 Words
"Bakit dito sa lugar ang meet up ninyo?" tanong ni Kuya. Ako din naman nagtataka kung bakit sa ganitong lugar kami pinapapunta. Wala ibang makikita kundi mga puno at kalsada lang. Walang pinapakita na picture kung ano itsura ng camp, siguro masyadong private ang camp kaya ayaw ipakita sa labas ang camp. Well, swerte ko na lang dahil makikita ko ang loob ng camp. "Kuya nandon sila oh!" turo ko sa grupo ng babae sa gilid ng kalsada. May mga nakaparada din na sasakyan sa gilid. "Paano yan dito ka na lang?" tumango ako kay Kuya habang kinukuha ang mga gamit ko. "Wag mo ako mamiss Kuya ah?" ngising sabi ko, umiwas naman ako nang ibato ni Kuya ang isang candy. "Uy Kuya sayang yon!" siraulo ito. "Edi pulutin mo." At dahil ako si masunurin, pinulot ko naman ang candy. Nakabalot pa naman kaya ayos pa. "Girls! Punta na po kayo dito!" tawag ng kung sino man. Tumingin ako kay Kuya. "Kuya mamimiss kita." sabi ko. Ngumiti sakin si Kuya at niyakap ako kaya niyakap ko din sya pabalik. "Pagbutihan mo ang paglalaro. Alam kong pangarap mo ito." napangiti ako. "Oo naman. Ikaw naman pagbutihan mo ang panliligaw mo." napaaray ako nang hampasin nya ako sa likod. Letche itong si Kuya nung isang araw pa ito ah. "Sige na tinatawag na kayo don." tumango ako at binitbit ang mga gamit ko. Hinintay ko muna makaalis yung kotse ni Kuya bago ako naglakad papunta sa nagkukumpulan na babae. "Girls yung gamit ninyo pakibaba na lang dyan sa tabi. May kukuha nyan mamaya para dalhin sa camp. Ligyan lang ninyo ng label na sa inyo yan." sabi ni Ate Gail na nakasakay sa bike. Wow! Hindi ako makapaniwala nasa harap namin si Ate Gail. Ang ganda ganda nya! Sinunod namin ang sinasabi nya. Niligay namin sa gilid ang mga gamit namin at pinangalanan. Pagkatapos kong ligyan ng pangalan ko ang gamit ko, tinignan ko ang mga kasamahan ko. Required din ba ang magaganda ang makakapasa dito? ang gaganda kasi nila. Hot chicks. Nagawi ang tingin ko sa isang babae. Matangkad sya sakin kung titignan, maganda sya, as in sobrang ganda. May kausap din syang magandang babae. Tinawag ulit kami ni Ate Gail kaya lumapit kami sa kanya. "By the way, I'm Gail Mendoza. Kung napapansin ninyo konti lang kayong nandito. So far kayo lang ang nakapasa sa itra-train namin dito sa camp. Mahigit na hundreds na sumubok na makapasok dito pero kayong sixteen lang ang nakapasa. Be proud of yourself dahil hindi madaling makapasa sa camp na ito. Madaming magagaling pero kayo ang nakapasok dito." sabi ni Ate Gail. Wow mahirap nga talaga makapasa dito, ang daming sumubok pero ilan lang kaming nakapasa sixteen? Grabe para 5% lang ng 100% ang nakapasa sa sumubok na magtraining. Buti na lang nakapasa ako dito. "At hindi din madali ang dadaanin ninyo sa training na ito. Syempre kung gaano kahirap makapasok dito, mas mahirap ang itra-train ninyo dito. Don't worry pare-parehas lang tayo dito na dinaanan. Pero alam ninyo ba na magiging madali lang ang training ninyo kung may confidence kayo sa sarili ninyo na kaya ninyong gawin kahit alam ninyong mahirap. Kung lagi mo kasing iisipin na hindi mo kaya ang isang bagay paghihinaan ka talaga ng loob. Paano ka magiging isang magaling na basketball player kung sumusuko ka na. Isa yan sa dahilan kaya kayo nakapasok dito. Napansin namin na kayong sixteen ay desidido na makapasa sa camp na ito. Yung mga laro ninyo tambak na tambak na kayo pero patuloy pa din kayo sa paglaro. Yan ang isang kailangan sa team namin. Ang hindi sumusuko hangga't hindi pa tapos ang laban. Well, nadala kami sa laban against Miracle. Nagcelebrate agad kami kahit hindi pa tapos ang oras." nailing na sabi nya. "Grabe hindi pa din kaya kami makamove on kahit dalawang linggo na nakakalipas." "Okay lang yan Ate Gail! kayo pa din ang idol namin!" sabi ng isang babae. Napangiti naman si Ate Gail.  "Thanks. At isa pa, mataktika kayo. May isa nga sa inyo na hindi mo malalaman kung magfa-fake or ititira nya na ang bola. May isa din sa inyo na gumanap bilang captain sa isang grupo na grabe kung makapayo sa grupo nya na wala talagang makalusot sa ginawa nilang wall." sabi ni Ate Gail at nagawi ang tingin sakin. Wait, ako ba ang tinutukoy nya? kasi may isang laban ako na naglead ng team. "Tapos isa din sa inyo na tatlo ang bantay pero nalusutan pa." Wow kung sino man yon napakagaling nya. Tatlo na ang nagbantay sa kanya pero nalusutan nya pa. Kung ako yon, wala na sakin ang bola. "Kailangan din dito ang talino. Hindi matalino sa math, english, science or whatsoever man yan. Ang talino na tinutukoy ko ay kung paano malulusutan o kung paano babawi sa laban. Paano mo malulusutan yung six footer na nagbabantay sayo. Paano mo ititira ang bola na masho-shoot talaga at paano mo papalakasin ang loob ng kateammates mo sa oras na talong talo na kayo. Yun ang talino na kailangan na meron kayo pero kung wala kayo ng ganon bumawi na lang kayo sa iba." sabi nya at napatango kami. "Ngayon pupunta na tayo sa camp. Paano makapunta don? Susundan ninyo lang ako hanggang sa makarating tayo sa camp at nakalimutan ko part ito ng training ninyo. Kapag hindi ninyo ako nasundan o naligaw kayo, bahala na kayo kung paano kayo makakarating sa camp. Nasa inyo ang hinahanap namin kaya inaasahan kong makakarating kayo sa camp. Okay let's go!" Nanlaki ang mata ko nang bigla syang umalis. Kaya pala nakasakay na sa bike, iiwanan pa kami. Agad ako pumili ng bike at nagmadaling habulin si Ate Gail. Halos sabay sabay lang kaming sixteen na hinahabol si Ate Gail. "Letche, iwanan ba naman tayo." sabi ng isa. "Kaya nga hindi man lang tayo pinasakay muna ng bike bago sya umalis." nagtatampong sabi ng isa. "Ano ba kayo part nga daw ito ng training eh." sabi ng isa. Mukhang may close na nila ang isa't isa. Mukhang magiging loner pa ako nito ah. "s**t bumubilis si Ate Gail!" sigaw ng nasa harap. Binilisan naman nila ang pagpadel, ayoko naman magpahuli kaya binilisan ko din. Nasa mahirap na parte na kami ng kagubatang dumadaan. Malubak at madahon ang dinadaanan namin ngayon. Ang sakit tuloy sa ano kainis. Nagtaka ako dahil may apat na babae na nag-iba ng direction. Dahil nahuhuli ako hindi ko alam kung sino susundin ko kasi sinusundan ko lang naman ang nasa harap ko dahil sila ang nakakakita kay Ate Gail. Mas pinili ko na lang na sundan ang mas madami, mabilis din kasi nawala ang apat kaya hindi ko na binalak pang sundan sila. Tumingin ako sa harapan ko, iba sa kanila ay nagkwe-kwentuhan. Tumingin ako sa babaeng tinignan ko kanina. Sya ang nasa harapan kasama ang kausap nya kanina. Tumingin sya sa likuran. Nagtama ang tingin naming dalawa. s**t. Bigla akong napaiwas at ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Walang duda. Dyosa sya. Ilang minuto na kaming sumusunod kay Ate Gail pero hindi pa din kami nakakarating sa camp. Mukhang nililigaw pa kami nito bago sya pumunta sa camp. Teka, oo nga 'no baka nililigaw kami nito o kaya papagudin para mahirapan kami sa pagsunod sa kanya at maligaw kami tapos kami na mismo maghahanap sa camp. Kaya siguro umiba ang direction ang apat dahil alam nilang ililigaw kami ni Ate Gail. Iba din pala ang training nila. Bahala na nga susundan ko na lang si Ate Gail hanggang sa kaya ko. Mag-iisang oras na simula nung nag-umpisa kaming habulin si Ate Gail hanggang ngayon hindi pa din kami na kakarating sa camp. Konti na lang kaming sumusunod kay Ate Gail, anim na lang kami. Yung iba kasi mukhang alam nilang patatagalin pa ni Ate Gail bago pumunta sa camp kaya sila na mismo ang maghahanap sa camp, yung iba naman kinakailangan tumigil dahil tinatawag ng kalikasan may cr kaming nadaanan at don sila tumigil. Hindi naman ako naiihi kaya hindi ako tumigil pero namamanhid na ang hita ko kakapadel na walang tigil. Hindi naman kasi ako bikers kaya hindi ako sanay na magbike ng matagal. Buti nga nagagawa ko pag magpadel sa pagod ko. Tagagtak na rin ako ng pawis. Wala bang balak na pumunta ng camp itong si Ate Gail? Hindi ba sya napapagod? Sabagay kung hindi sya magiging players ng Dragon Empire kung hindi. Pero pagod na ako eh! Napasimangot ako. Kaasar naman sana pagdating namin sa camp wala munang training nakakapagod eh. Isang oras na nag-bike sa gubat at minsan lang makapunta ng semento na daan. Hustisya! Pero bilib din ako sa lima kong kasama na nagtagal sa pagsunod kay Ate Gail. Isa na sya don. Sya pa din ang nauuna at malapit sya sa pwesto ni Ate Gail. Nagagawa pa nga nyang makipagkwentuhan eh. Siguro kaya ang tagal naming makarating sa camp dahil nagkwe-kwentuhan sila. "s**t!" napatingin ako sa unahan ko nang biglang bumunggo sa puno. Tumigil ako at pinuntahan sya. Halata sa kanya na saktan sya sa pagkabunggo sa puno. "Ayos ka lang ba?" tanong ko at tinulungan syang tumayo. "Ouch!" tumingin ako sa tuhod nya, nagdudugo! "Yung tuhod mo nagdudugo!" hinanap ko ang panyo ko sa bulsa pero s**t! nasa bag ko pala ang panyo ko. Naman kapag kailangan ang isang bagay don naman wala. Takang tumingin ako sa babae dahil bigla itong tumawa. "Anong nakakatawa? Nabaliw ka na ba?" bigla ba naman tumawa, parang baliw. "Baliw talaga? Hindi ba pwedeng nakakatawa ka lang?" kumunot ang noo ko. Ano naman nakakatawa sakin? "Nakakatawa ka kasing magpanic, akala mo naman mamamatay ako dahil nagdudugo ang tuhod ko." "Eh kasi ayokong nakakikita ng dugo, masakit kaya." feeling ko kasi ang sakit ng sugat kapag may dugo tsaka ayoko ng dugo. "Huh?" napakamot ako ng ulo. "Wala, ano kaya mo pa bang magbike? Hindi na natin mahahabol sila Ate Gail." sabi ko. Nawala na sa paningin namin sila Ate Gail, kung hahabulin namin malayo layo na sila. "Hindi ko alam, ang sakit kasi ng tuhod ko tapos itong bike ko na flat na, natusok ata sa matulis na bagay." pagtingin ko sa bike nya flat nga ang unahan na gulong. Paano ito? Paano sya makakarating sa camp kung wala syang bike? "Umangkas ka nalang sakin." sabi ko. Wala naman sinabi na hindi pwede mang-angkas sa bike diba? Basta makarating lang sa camp ayos na. "Sure ka? Baka mahirapan ka nyan?" nag-aalalang sabi nya. "Hindi yan, hindi ka naman siguro mabigat 'no?" napaaray ako nang hampasin nya ako sa braso. Ang lakas ng hampas nya ah! "Natural! Ang sexy sexy ko tapos mabigat?" tumaas kilay ko at tinignan ang katawan nya. "Sexy? Saan banda?--aray! Nakakadalawa ka na ah!" grabe parang si Kuya din pala din ito. "Nakakainis ka! Sexy kaya ako." sabi nya, nagpout sya kaya natawa ako. Nagbibiro lang ako pero masyadong seryoso ang taong ito. Sexy naman talaga ang babaeng ito pero hindi ko sasabihin baka lumaki ang ulo. "Sino nagsabi? Mama mo?-aray ah! Nakakainis ito kung hindi kaya kita iangkas?" namumula na braso ko kakahampas nya. "Edi wag!" ang daling mapikon nito. "Sabi mo yan ah." naglakad ako papunta sa bike ko nang may humawak sa damit ko, napangisi naman ako bago humarap sa kanya na nakapoker face. "Oh bakit?" mataray na tanong ko. "Joke lang yon! Wag mo akong iwan dito." napangiti ako. Magaling din pala sya ibaba ang pride nya. "Oo na, tara na baka abutin tayo ng gabi dito." sabi ko at tinulungan syang tumayo. "Hawakan mo itong bike ah? hindi natin pwedeng iwan ito dito. Ang mahal kaya nito." sabi ko. Alam ko ang presyo ng ganitong bike dahil may ganito si Kuya. Mahal kaya ng bili nya don. "Hindi kaya tayo mahirapan nito?" sabi nya habang umaangkas sa harapan ko. Hawak ko ang bike nya.  "Okay lang yan." sabi ko. Pinahawak ko sa kanya ang bike nya. "Let's go." sabi ko at sinubukan magpedal. Nahirapan pa ako nung una dahil may angkas ako tapos may bike pa. Hindi ako nagreklamo at tahimik na lang nagbike. Isang oras kami nagbike ay hindi, ako lang pala dahil nakaangkas lang si Louise at mas nakakapagod pala kapag may angkas, medyo bumagal ang pagtakbo ng bike dahil dalawa na kaming nakasakay. Buti na lang nagkwe-kwentuhan kami ni Louise kaya hindi masyadong boring ang daan. Madaldal din kasi si Louise pero pikon kapag inaasar ko na. At least may kakilala na ako sa mga rookies hindi ako mao-out of place. Pagod na pagod akong nakarating sa gate ng camp. Hindi ko alam na tama ang mga nakikita kong sign sa dinadaanan namin. May mga letter kasi akong nakikita sa mga puno at sa mga karatulang pinaglumaan na. Sinunod ko lang yon at nakarating kami dito sa camp. Halos mahiga na ako sa semento pagkababa ko ng bike. Ang sakit na ng mga hita ko! Si Louise hindi ko alam kung nasaan at wala akong balak na alamin dahil pagod na pagod na ako. "Are you okay?" napamulat ako at para akong nakakita ng anghel sa ganda nya. Oh baka nasa langit na ako? Teka kilala ko sya! Sino nga ulit sya? Hays ayaw mag-function ng utak ko sa sobrang pagod ng katawan ko. "Mukha bang okay sya, Avey? Kita mong pagod na pagod ang tao hindi mo man lang tulungan." sabi ng sya? I mean kamukha nya kasi eh yung taong kumausap sa kanya. Baka kakambal? Hay utak mag-function ka na. "Hey Zoe right? Gusto mo ba ng tubig?" tanong ng isang babae. Tinulungan nya akong makaupo sa upuan. Tumango ako dahil nauuhaw na din ako. Inabutan nya ako ng plastic bottle. Iinom ko agad yon. Tinignan ko ang tatlong babae na nakatingin sakin. Nanlaki ang mga mata ko at naibuga ko ang iniinom ko. "Woah!" sambit ni Ate Avey. Napangiwi ako mabuti na lang nakalayo agad sila. "Sorry! nakakagulat kasi kayo." paumanhin ko. "Kayo pala ang nasa harapan ko. Gosh nakakahiya." Natawa si Ate Avey pati ang kakambal nyang si Ate Abby. "Bakit? dyosa ba ang mga nasa harap mo?" nakangiting sabi ni Ate Maybelle. "Oo, akala ko nasa langit na ako." sabi ko na ikangiti nilang tatlo. "Bolera ito." sabi ni Ate Abby. "Hindi kaya." sabi ko. Nilingon ko si Louise, ginagamot na ang sugat nya sa tuhod. Natatawa ako sa mukha nya parang kanina hindi nya iniindian ang tuhod nya ngayon para syang batang ayaw gamutin ang sugat nya. "Buti na lang kinuha ka namin." tumingin ako kay Ate Juls na lumapit samin pero nakatingin sya kay Louise. "Isang katulad mo ang kailangan sa team. Tinulungan mo si Louise kahit alam mong mahihirapan ka tapos dala dala mo pa ang bike nyang flat. At least don palang alam namin na hindi mo hahayaan ang kateamates mo." nakangiting sabi nya. Nahihiyang napakamot ako ng ulo. Ginawa ko lang naman ang dapat kaysa namang iwanan ko si Louise sa gubat na may sugat. "Good job Zoe. Take a rest dahil mamaya-" pinutol ko ang sasabihin ni Ate Avey. "May training?" damn pagod na pagod na ako! "Silly, of course not. Pagod na pagod kayo tapos pagtra-training kagad namin kayo? Ito-tour lang namin kayo sa camp then we'll discuss the history of this camp. Swerte ninyo dahil kayo ang kauna unahang batch na malalaman ang history ng camp. Dati kasi kusa lang nalalaman ang pinagmulan ng camp." sabi nya. "Teka nga Avey matanong nga kita. Ano bang ginagawa mo dito? Hindi ka naman players ng Dragon Empire huh?" tanong ni Ate Abby. "Why? Hindi na ba ako pwedeng pumunta dito?" sagot ni Ate Avey. "Oo naman dahil coach ka ng Miracles paano na lang kung magkaroon ng laban pagitan natin? Edi alam mo ang kilos namin!" tila batang sabi ni Ate Abby. Ang cute nilang magkambal. "Nah, kahit hindi ko kayo panoorin matatalo at matatalo kayo." sabi ni Ate Avey. Natawa naman si Ate Juls at Ate Maybelle sa dalawa. Mukhang hindi sila na offend sa sinabi ni Ate Avey o baka tinatawanan nila si Ate Avey kasi parang joke lang yon sa kanila? "Gail!" umalis si Ate Abby at pinuntahan si Ate Gail na kakarating lang. Naunahan pa pala namin sya. Tumingin ako sa likod nya nakasunod sa kanya ang apat at halatang pagod na pagod. Pero si Ate Gail parang hindi pagod. As expected sa isang player ng DBG. Tumingin ulit ako sa kanya na sa kanilang apat, sya lang ang nakatayo pagkababa sa bike habang yung tatlo ay napaupo sa semento. Wow, ang tibay nya talaga. Tinanggal nya ang helmet nya at sinuklay ang buhay nya gamit ang daliri nya. Pawis na pawis din sya pero bakit parang tubig lang yon na sinaboy sa kanya kung titignan? hindi sya dugyot kung titignan eh. Agad akong napaiwas ng tingin nung lilingon sya sa pwesto ko. Ininom ko ang tubig ko. Siyam palang kaming nandito. Yung mga nagpahinga at nag-iba ng direction wala pa pero yung nag-iba ng direction na apat kanina nandito na, isa pala sa kanila si Ate Anya. Tinulungan siguro ni Ate Anya ang tatlo na makarating dito sa camp. Nakatalikod sakin ang tatlo. Dalawa sa kanila nakatalukbo ng towel tapos yung isa sa kanila boy cut ang gupit sa buhok. Hindi ko sila nakita kanina kaya iniisip ko kung ano itsura nila. Nilapitan ko si Louise. Nagamot na ang sugat nya. "Ayos ka na?" tanong ko naupo ako sa tabi nya. "Yup, thank you pala dahil inangkas mo ako kung hindi baka sa gubat na ako matutulog." "Oo nga 'no dapat iniwan na kita para don ka matulog, at least na-experience mong matulog doon." agad akong lumayo nang hahampasin nya na naman ako. Nginisian ko sya. "Pikon." "Nakakainis ka talaga 'no?" inis na sabi nya. Tinawanan ko sya at tumabi sa kanya. "Ikaw ba naman kasi, iiwasan mo na nga lang yung rabbit, sa puno mo pa balak na magpabangga." kaya sya nabunggo sa puno dahil may bigla daw lumitaw na rabbit. "Alangan sa pader eh puno lang naman ang meron doon. Gubat nga diba?" inirapan nya ako kaya natawa na naman ako. Inakbayan ko sya. "Easyhan mo lang kasi." inirapan nya na naman ako. Ang taray naman nito. "Girls lapit na kayo dito." tawag ni Ate Ella. Tumayo na kami ni Louise at lumapit kanila Ate Ella. Nandito na pala ang lahat, ang bilis nakadating ng mga nag-iba ng direction. "Pagpapahingahin muna namin kayo bago namin kayo itour sa buong camp. Nandito ang room number ninyo at ang magiging karoomates ninyo. Ihahatid namin kayo kapag alam ninyo na ang room number ninyo." sabi ni Ate Sharm at binigyan nila kami ng tig-iisang papel. "By the way sa mga hindi nakakilala samin or may hindi pa ba may nakakakilala sa amin? Anyway, ako si Ella ang captain ng Dragon Empire, ang vice captain ay si Abby." sabay turo kay Ate Abby na nasa dulo. "Ito naman si Joey, Noimi, Shiela, Juls, Ali, V, Maybelle, Rachel, Sharm, Krystal, Gail, Anya, Zeke, Bea at si Avey na hindi Dragon Empire dahil taga-Miracle sya." sabi ni Ate Ella. "Eh bakit po nandito po kayo?" tanong ng katabi ko. "Nag away sila ni Kill." sagot ni Ate Anya pero nakangisi. Nakita ko naman na sinamaan ng tingin ni Ate Avey si Ate Anya. "Hindi kami nag-away. Gusto ko lang makita ang itra-train ninyo." nakangiting sabi ni Ate Avey. Kinuha ko ang papel na binigay sakin ng katabi ko. Ito ang papel kung anong number ng room ko at ng makakaroommates ko. 204. Zoe Reyes and Japan Sawada. Napangiti ako sa taong makakaroommate ko. Ang cute kasi ng pangalan nya. Mukhang hapones din itong karoommate ko hindi dahil sa pangalan nya dahil sa apelyido nya. Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Sino kaya sa kanila si Japan? --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD