Nakafall in line kaming lahat dito sa gym na sobrang laki dahil tatlong court ang meron dito. Tahimik lang kami mga Dragon Empire rookies habang yung ibang rookies ay nag-uusap. Pinagmamasdan namin sila. Karamihan sa Wyvern ay puro butch habang ilan lang sa tatlong Empire. Puro magaganda nga at gwapo sila. Wala kang makikitang panget eh. Pero ang iba sa kanila mahahalatang mayayabang dahil yung mga tingin nila mapanghamon pero madami pa din naman friendly sa kanila. Napatingin kaming lahat sa stage nung dumating na ang limang captain kasama ang mga vice-captain nila. "Aba ayos ah. Ang tatahimik naman ng mga Dragon Empire." sabi ni Ate Valen. Dahil sa sinabi ni Ate Valen napatingin tuloy samin ang lahat. "Disiplinado kasi sila." sabi ni Ate Abby. "Edi kayo na." sabi ni Ate Camille. "N

