"Bakit ba ang bigat mo?" tanong sakin ni Japan habang nakapiggy back ako sa kanya. Natawa naman ako. "Ewan ko." nagpadagdag pa sa bigat ko ang suot kong weights na binigay ni Ate Avey sakin nung nakaraang linggo. Hindi ko ginagamit ang weights na binigay ni Ate Kill dahil ang bigat sobra at hindi ko kakayanin. Ginagamit ko lang yon kapag nagjogging ako. Ang binigay na weights ni Ate Avey ay mabigat ng konti sa dating binigay nya. Kaya ko pang maglaro na suot ang mga yon pero kapag titira ako ng bola hindi nasho-shoot ang bola sa ring dahil kulang ang presa ko, laging kulang pero masasanay din ako. Ngayon nakapiggy back ako kay Japan dahil trip ko lang talaga. Hindi naman sya umangal nung sumakay ako sa likod nya, umaangal lang sya sa bigat ko. Si Japan simula nung sa pagiging honest ny

