Zoe's POV Malungkot, sobrang lungkot namin. Hindi nakapasok ang mga seniors sa final. Natalo sila ng Shakers sa unang pagkakataon. Sobrang intense ng laban nila nung fourth quarter, kapag iiscore ang isa, iiscore din yung isa, palitan sila ng score. Ang huling limang segundo kami hindi huminga talaga. Lamang ang Shakers ng isa sa seniors nung oras na yon tapos nasa seniors ang bola kaso hindi sila hinayaan pang makascore ng Shakers kaya sila ang panalo. Grabe, naiyak ako dahil natalo sila. Napaiyak din yung ibang mga seniors sa pagkatalo nila. Ang mga rookies naman, nalungkot din miski si Louise na die hard fan ng Shakers na nanalo. Nandito kami ngayon sa malaking bahay ng Dragon Empire na tinitirhan ng mga seniors kada may Cup. Sobrang laki nito na mas malaki pa sa dorm dahil may kusin

