Chapter 2

1341 Words
Sabrina Sarmiento “Jannette! You need to help me!” agad kong sabi nang sinagot ng kaibigan ko ang tawag ko. Bakas pa ang irritation sa boses ko dahil naka-ilang ring pa bago ako sagutin ng bestfriend ko. Ako ang may kailangan pero ako pa ang galit. Pero gano’n talaga at sanay si Jannette sa ugali ko. “Yes, Sab? At ano na naman na tulong ang kailangan mo? Baka naman mapahamak naman ako—” “Can you just shut up and listen to me first!?” I rolled my eyes. Kapag ganitong problemado ako ay wala akong sini-sino at susungitan ko talaga. “Fine! Ano ba ‘yon?” Maarteng sagot mula sa kabilang linya ni Jannette. Pakiramdam ko ay kahit wala ako sa paningin ni Jannette ay iniirapan ako nito sa tono pa lang ng boses nito. Matagal na kaming magkaibigan ni Jannette at gamay na namin ang ugali ng isa’t isa. Pareho kami na galing sa kilalang pamilya. Mas triple nga lang ang yaman namin kesa sa pamilya nila. Magkaibigan din ang mga daddy namin kaya lalo kaming nagkalapit lalo na at nag-aral at naging magka-klase kami sa pinasukan na university. “I need to get pregnant!” walang gatol na sabi ko. “What the heck! Sabrina Sarmiento, are you out of your mind? Ang akala ko ba ay pipikotin mo lang si David? Bakit ngayon ay kailangan mong magpabuntis na sa kanya?” “Ayaw niya akong pakasalan hangga’t hindi ako buntis, Ja! Pero paano mangyayari ‘yun kung hindi niya naman talaga ako ginalaw? Kailangan kong makahanap ng lalaking bubuntis sa akin kung ayaw niya! At least mapagtatakpan ko pa ang pamimikot ko sa kanya! Lagot ako kapag nalaman nila mommy ang kasinungalingan ko.” Imbes na i-comfort ako ay narinig ko ang mapang-asar na tawa ni Jannette na mas kinairita ko. “You’re desperate, Sab! Bakit ba hindi ka na lang maghanap ng ibang lalaki? Maganda ka naman, sexy. Ang daming naghahabol sa’yo. Tsaka, akala ko ba you’re preserving your virginity for David—” Hindi ko na pinatapos na makapagsalita ang kaibigan ko. Mabilis ko siyang pinatayan ng tawag at hinagis ang cellphone sa kama. “D*mn you, Jannette! Wala kang silbi!” Sigaw ko dahil mukhang hindi ako tutulungan ng kaibigan ko this time. Kung walang tutulong sa akin, then ako ang maghahanap ng lalaki na bubuntis sa akin. Lumapit ako sa kama at nahiga doon. Sobrang sama ng loob ko ngayon na nakauwi na ako ng bahay. Sa iniisip ko pa lang na may ibang lalaki na gagalaw sa akin ay nandidiri na ako. Pero tama ang sinabi ni Jannette. I’m desperate. Ayokong maging talunan lang ng fiancée ni David. Dapat ako ang magiging asawa ng lalaking mahal ko dahil ang tagal ko ng pangarap ‘yon. Hindi ko talaga hahayaan na matalo ng cheap na babaeng ‘yon! Tahimik akong umiyak sa kama. Hanggang ngayon kasi ay parang naririnig pa ng tainga ko ang mga salita ni David sa akin. He disgusts me now dahil sa ginawa ko. Muli akong bumangon at nagpunta sa harap ng vanity mirror ko. Tiningnan ko ang itsura ko. Namumugto na ang mata ko dahil sa iyak. Ayokong makita ang sarili kong pangit. Muli akong tumayo at nagpunta ng bathroom. Tuluyan na akong naligo para magmukhang fresh. Magta-tanghali ay nakarinig ako ng katok at nang pinagbuksan ko ay nakita ko ang kasambahay namin. “What!?” Masungit na tanong ko. Nakita ko naman ang takot sa mukha ng kasambahay ko. Palagi ko kasi siyang nasisigawan kapag mainit ang ulo ko kaya alam nitong masisigawan ko na naman siya dahil wala akong mapagbuntonan ng inis ngayon. “Ma’am Sab, pinapatawag po kayo ng mommy niyo.” Sambit ng kasambahay sabay yuko. “Bakit daw!?” “H-hindi ko po alam, Ma’am Sabrina.” Sagot ng kasambahay na muling nag-angat ng tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at nakita kong mas natakot pa siya. Mabuti at nawala na ng kaunti ang init ng ulo ko. Kung hindi ay mabubulyawan ko siya kahit wala naman na dahilan. Well, kahit bulyawan ko naman siya ay okay lang. Tauhan lang namin siya. Bayaran. Wala siyang karapatan na salungatin o labanan ako. Isang salita ko lang ay kaya ko siyang tanggalan ng trabaho. “Sabihin mo kay Mommy na pupuntahan ko siya.” Pagkasabi ko ay sinarhan ko na ng pinto ang kasambahay at nagpunta sa salamin ko para sipatin ang sarili. May idea na ako kung bakit ako pinapatawag ni Mommy. For sure ay binalita na sa kanya ni Tita Claudia ang tungkol sa amin ni David. Napangisi ako sa harap ng salamin. I know na sa akin papanig si Mommy. Pipilitin niya ang kumare n’ya na si Ninang Claudia na ipakasal sa akin. Alam ko na hindi siya papayag na ma-agrabyado ako. Isa na lang talaga ang kailangan kong gawin. Ang makahanap ng bubuntis sa akin. Kailangan na mapanindigan ko kay David na may nangyari sa amin. Ayoko na maging sinungaling sa mata ng pinakamamahal kong si David kapag pinakasal na kami sa isa’t isa. Hindi niya pwedeng malaman na virgin ako dahil malalaman niya na walang nangyari sa amin. Lumabas na ako ng kwarto at para puntahan si mommy na natagpuan ko sa kwarto nito at nag-aayos sa harap ng vanity mirror. Mukhang may lakad si Mom. “I’m going to meet Claudia… Binalita na niya sa akin ang nangyari. Gusto niya na magkausap kami tungkol sa inyo ni David.” My mom said seriously matapos nang ilang sandali na nakatitig lang ako sa kanya mula sa salamin. “Mom, ipaglalaban mo naman ang nangyari sa akin, right? Kailangan akong panagutan ni David.” Tanong ko. Hindi naman nagsalita si Mommy agad. Ilang segundo pa ang nanaig na katahimikan sa pagitan namin until mom heave a deep sigh. Tumayo siya mula sa upuan sa tapat ng vanity mirror at hinarap ako. “I know what you did, Sabrina.” “Mom?” “Sinadya mo ang nangyari, right?” Kinabahan ako. Paktay! “M-mom… I really want, David… But he don’t like me. Siya lang po ang kulang sa buhay ko. I badly want him that’s why—” “You can’t have all you want, Sab. Minsan kailangan mong tanggapin na hindi mo pwedeng pilitin ang isang tao na mahalin ka.” Nasaktan ako sa sinabi ni mommy. Napayuko na lang ako dahil sa pangri-realtalk nito sa akin. Wala na akong narinig pa mula kay Mommy at natahimik kami pareho. “Pero, mom, mahal ko po siya.” Sambit ko matapos ng mahabang sandali at nag-angat ako ng tingin. Nakita ko ang awa sa mata ni Mom at niyakap niya ako. Doon na tumulo ang luha ko. Naramdaman niya ang pag-iyak ko at hinimas niya ang likod ko. “Naaawa ako kay David, hija. He loves his fiancée. Naglayas daw si David sa kanila. Hindi ka raw niya pananagutan kung hindi ka niya nabuntis. Alam kong pinipikot mo lang siya, Sab… Please, huwag mo nang ituloy ang plano mo. You don’t know the consequences kapag nakisama ka sa taong hindi mo mahal.” Natigilan naman ako sa narinig. Nasasaktan ako para kay David, oo… pero hindi ko talaga kayang tanggapin na iba ang makakatuluyan niya. Selfish na kung selfish. Basta dapat ay ako ang pakasalan ni David. Period. Humiwalay ako ng yakap kay Mommy. “But, mom… I admit, pinipikot ko si David… Pero totoong may nangyari sa amin. Paano kung mabuntis nga ako? Hindi pwedeng hindi niya ako panagutan.” Pagsisinungaling ko. Nagbuntong hininga muli si Mommy. “Fine, Sab… Kung nabuntis ka ni David I’ll do everything para panagutan ka niya.” Napangiti ako sa sinabi ni Mommy. I knew it, she can’t say no to me, lalo na kapag ganitong ma-aagrabyado ako. My mom loves me so much, even my stepdad. Isa na lang ang problema ko. Kailangan kong mabuntis. Lihim akong natuwa dahil mukhang aayon sa akin ang kapalaran. Tonight, I will look for someone that will make me pregnant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD