Chapter 3

1356 Words
Sabrina Sarmiento “What are you doing here!?” Malakas at gulat na tanong ni Jannette nang makabangga ko ito dito sa pinuntahan kong bar. “Naghahanap ako ng bubuntis sa akin, eh ikaw?” Masungit na tanong ko rin matapos nitong magtanong. ` “Nagtatanggal ng stress after work.” Sagot ng kaibigan ko. “Tsk!” Inirapan ko si Jannette. Naiinis pa rin ako sa kaibigan ko dahil hindi ako nito tinutulungan sa problema ko kung paano makahanap ng lalaking pwedeng magpunla dito sa matres ko ng baby. Of course, hindi dapat sino-sino lang. I have requirements. Dapat gwapo, matangkad, hindi mukhang mabaho at maganda ang katawan. Hindi ako papayag na madikit ang katawan ko sa mukhang shokoy. Ayoko rin ng mahirap lang. Ayokong malahian ang magiging anak ko ng dugong dukha. Gusto ko ay mayaman rin na katulad ko. Kaya dito ako nagpunta sa bar na ito. Isa itong high-class bar. Bagong bukas lang at hindi pa kilala. I’m sure na marami akong makikitang lalaki dito na papasa sa requirements ko. Dahil hindi naman afford ng mahihirap na pumunta sa ganitong bar. “Nagtatampo ka pa rin ba sa akin, huh?” Narinig kong tanong ng kaibigan ko. Naglalakad na ako papunta sa bar counter para do’n muna mag-order ng wine at tapos ay hahanap na ng target. Hinarap ko tuloy si Jannette at tinaasan ng kilay. “What do think, my friend?” Sino ba ang hindi magtatampo kung hindi mo naman ako pinagbigyan sa request ko na tulungan ako. But I’m solving my problem now. Hindi kita kailangan.” Napailing naman si Jannette. Hinawakan nito ang kamay ko at dinala ako mismo sa bar counter. “Ano ba, Ja… Pwede ba, ayoko muna kitang makasama!” Inis na sabi ko pero nagpahaltak pa rin ako sa kanya kahit na naiinis ako. Nang makarating kami sa bar counter ay agad nitong tinawag ang bartender na nakatalikod at may kinukuhang alak sa bar wine rack. Babaeng bartender ‘yon dahil naka pusod ng bun ponytail ang buhok. “Two margarita, please!” Lumingon naman ang bartender at nagulat ako nang mamukhaan kung sino ‘yon. “Wait? Sarah is that you?” Si Jannette ang nagsalita. “Sabrina? Janette? Wow… nakakatuwa naman nandito kayo ngayon!” Halatang na-excite si Sarah nang makita kaming magkaibigan. Sarah is my college classmate. Isa sa mga naging utusan ko nang nag-aaral pa lang ako. She’s a scholar back then at niligtas ko nang nakita kong may nang-bully sa kanya. Kapalit naman ng pagliligtas ko ay sa kanya ko pinagawa ang projects at thesis ko. “So, you’re just working as a bartender here?” Hindi ko maiwasan na itanong. Bigla naman na nag-iiba ang timpla ng mukha ni Sarah nang tumingin sa akin. Napalitan ng disappointment ang mukha nito dahil sa tanong ko. “Marangal na trabaho naman ang pagiging bartender, Sabrina. Tsaka, sideline ko lang naman ito. May iba akong trabaho sa umaga. I’m working in an office in—” “Sarah, pwede bang pakibigay na lang ang order namin.” Putol ko naman sa sinasabi nito. Wala naman kasi ako sa mood na makinig sa kung anong tungkol sa buhay ni Sarah. “O-okay.” Malungkot na sambit ni Sarah na tumalikod na para i-serve ang order namin. Nagkibit balikat na lang ako. Hindi ko naman friend si Sarah at wala akong pakialam sa feelings niya kaya okay lang. Siya lang naman itong todo dikit sa akin dati at feeling ay totoong kaibigan ang treatment ko sa kanya. Hindi niya alam ay may kailangan lang naman ako sa kanya kaya ako mabait. “Tsk! How cheap!” Narinig kong sambit ni Jannette na nakatingin pa sa nakatalikod na si Sarah. “Jannette,” agaw ko sa atensyon nito. “Ano ba kasi ang sasabihin mo at dinala mo pa ako dito? Paano ako makakahanap ng target ko kapag dito lang ako nag-stay?” Nakasimangot na tanong ko. “No need to look for a guy na bubuntis sa’yo, friend. Well, hulog lang naman ako ng langit sa’yo… I guess…your problem is solved because of me.” Ngumisi si Jannette. Naningkit naman ang mata ko sa sinabi nito. Mukha naman itong hindi nagbibiro. May inilabas itong isang picture at binigay sa akin. Kinuha ko ‘yon at natigilan ako nang makita ang picture. Isang lalaki ang naroon sa larawan. Nakasuot ang nasa picture ng isang business suit at nakaupo sa isang table. Parang nasa isang event ang lalaking naroon dahil may mga table din na nasa background at naka-focus nga lang ang camera sa lalaki na wala naman na kasama sa table. Sa itsura pa lang ng lalaki sa picture ay mukha na itong niluluhuran ng mga babae para lang mapansin nito. Ang lakas ng appeal. Pero siyempre sa paningin ko ay isa lang naman ang gwapo. Si David. Binaling ko muli ang tingin kay Jannette at puno ng pagtataka ang mga mata ko kung bakit nito pinapakita sa akin ang picture. “Who’s this?” Walang ganang tanong ko. “Ang gwapo ‘di ba?” Kinikilig na sabi ni Jannette. “Mas gwapo pa rin si David.” Sagot ko. “Tsk! Hindi ka naman niya mahal. Iba ang makikinabang ng mukha niya.” Pang-iinis ni Jannette. Inirapan ko siya. Sakto naman na inilapag ni Sarah ang drinks naman ni Jannette. Agad kong kinuha ang sa akin at nilagok agad. “Relax, friend… ‘Wag ka nang mainis. Totoo naman kasi ang sinasabi kong hindi ka niya mahal. Pinipilit mo lang ang sarili mo.” “Pwede ba, Jannette… Kung wala kang sasabihin na maganda, just shut up!” Galit na sabi ko at doon nag-focus sa hawak kong kopita ng ladies drink. Alam naman na mabilis akong magalit kapag tungkol kay David ay patuloy pa rin ang pang-iinis niya. “Pero nga dahil love kita, tinutulungan naman kita, eh. Hindi kita matiis.” Naririnig ko sambit ni Jannette. “Nakahanap na agad ako ng bubuntis sa’yo. At ‘yon ay ang lalaking ‘to.” Nang tumingin ako kay Jannette ay winawagayway na ng kamay niya ang kaninang picture na pinakita niya sa akin. “R-really?” Hindi makapaniwalang tanong ko. “Nakausap mo na ang lalaking ‘yan?” “Well, not really… But he’s looking for a babymaker… And I think that will be a solution to your problem. Bukas ko pa sana sasabihin sa’yo. Good thing at nagkita tayo ngayon.” Ngumisi si Janette. Doon nga siya nagsabi kung sino ang lalaking nasa picture. Isa lang naman ang lalaking ‘yon sa anak ng yumaong business tycoon sa Pilipinas. Isang anak ng Valderama na listed sa 10 most-richest businessman in the Philippines at napasama rin sa top 100 most-richest man in Asia. Pero ngayong patay na ang matandang Valderama ay paghahatian na ng mga anak nito ang yamang naiwan. At ang isa do’n ay ang lalaking nasa picture— Alexander Valderama. Nalaman naman ni Janette ang tungkol sa paghahanap nito ng babymaker sa pamamagitan nga raw ng empleyado nitong nag-apply as babymaker. Lihim nitong narinig ang usapan nito at isang empleyado tungkol do’n kaya kinausap ni Janette kanina. “Well, isang milyon ang ibabayad sa babymaker kaya pinatos ng employee kong gipit. Ang gagawin mo lang ay bayaran mo na lang ang employee ko para ikaw na ang haharap do’n kay Mr. Valderama.” Ngumisi ako. “May utak ka talaga ‘pag dating sa kalokohan, Ja.” Sambit ko. Lahat ng inis ko sa bestfriend ko ay biglang nawala. Walang problema sa pera. Para lang naman akong bumili ng bags or shoes, or nag-travel sa ibang bansa. Pwede akong humingi kay Mommy ng pera. Kahit doblehen ko pa ang bayad do’n sa babaeng sinasabi ni Janette. Ang importante ngayon ay ang mabuntis ako. Bonus dahil halos nasa Alexander Valderama na ‘yon ang requirements ng lalaking hinahanap ko. Gwapo. Kahit nakaupo pa ‘yon sa picture ay panigurado na matangkad ‘yon. Kahit sa picture ko pa lang nakita ang lalaking ‘yon ay parang ang bango bango na nito. At higit sa lahat ay mayaman din. Perfect!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD