Sabrina Sarmiento
“Uhhm, Mr. V-valderama…”
“I’m just kidding.” Biglang sabi niya pero hindi man lang siya ngumiti kung nagjo-joke man siya. “Alam kong galing ka sa byahe and maybe your breath is not that fresh anymore… I don’t want my d*ck to get dirty.” Biglang sabi ni Mr. Valderama sa seryoso pa rin niyang mukha.
“What the F!”
Bigla tuloy na napataas ang kilay ko sa kanya. Bwisit siya na pinakaba pa ako ng malala. Pero tila nagulat si Mr. Valderama sa reaction ko at kumunot ang noo niya na napatingin pa sa kilay ko.
Bigla kong inayos ang expression ng mukha ko kahit bigla akong nainis. Parang di ko kayang tanggapin ang sinabi niyang baka hindi na fresh ang hininga ko.
Kung alam niya lang kung ilang lalaki ang nagkakandarapa sa akin ay para na siyang nagtampo sa palay kung hindi niya maamoy ang hininga ko. Mahawakan niya lang ang balat kong kutis artista ay para na siyang nanalo sa lotto.
“Hindi naman po ako bad breath, Mr. Valderama.” Hindi ko maiwasang sabihin.
Nagkibit balikat naman si Mr. Valderama. Sandali niyang nilibot ang tingin sa mukha ko.
“Have a seat first, Miss…?”
Naningkit ang mata ko na hindi niya kilala ang pangalan ko. I assume ay nabigyan naman siya ng medical records ko kaya dapat lang na alam niya.
“Sabrina. Sabrina Sarmiento po. Hindi niyo ba nakita ang records ko kaya hindi niyo po alam ang pangalan ko?” Hindi ko maiwasan na itanong.
Hindi pa man ay naaaburido na ako sa kanya.
“I saw. But I’m just interested in the results. Hindi ko na binasa ang pangalan mo. Well, kahit ang picture mo ay hindi ko na rin tiningnan. I’m surprise na may itsura ang babymaker na nakuha ng assistant ko.” Sambit niya na hinagod ng tingin ang mukha ko.
May itsura? Parang sinabi niya na grade na pasang-awa lang itsura ko sa pagkakadescribe niya sa mukha ko.
Nakakarami na siya sa akin sa wala pang sampung minuto namin na pagkikita pero kailangan kong magtimpi. Kailangan kong magpanggap na submissive. Ang hirap no’n.
Nilahad ni Mr. Valderama ang kamay niya at tinuro ang isang sofa na nasa sulok ng silid.
“Have a seat first, Sabrina. I’ll get the contract.”
Contract? May pa-contract contract pa siya. Kahit anong ipapirma niya sa akin. Sa akin mapupunta ang baby! Tsk!
Nagtungo na ako sa tinurong sofa ni Mr. Valderama. Nagkaroon ako ng chance na libutin ng tingin ang loob ng kwarto nang makaupo ako do’n. Ang neat ng kwarto. Halatang organisado ang may-ari. Konti lang ang gamit. Ganito kapag room ng mga lalaki hindi mahilig sa kolorete. Ganito ang room ni David na simple lang pero ang neat tingnan.
May nakita akong glass wall at nasisilip ko na may terrace dito sa room ni Mr. Valderama. Parang gusto ko tuloy pumunta do’n para lumanghap ng sariwang hangin. Parang nasu-suffocate ako dito sa loob ng kwarto ng lalaki kahit maluwag naman. Pero at least na humupa na ang kaninang kaba na naramdaman ko sa unang tama ng mata namin kanina.
Napatingin ako kay Mr. Valderama na tila may kinukuha sa may drawer nito na malapit sa may malaking kama niya. Napalunok naman ako sa isipin na doon namin gagawin ang baby sa kama niya. Sobrang laki no'n at kahit gumulong pa yata ako ay hindi ako mahuhulog.
Muli kong binaling ang tingin sa bulto ni Mr. Valderama. Hinagod ko ng tingin ang likod niya.
Mas matangkad siya kesa kay David. Kahit papaano ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi humanga dahil lalaking lalaki ang tindig ni Mr. Valderama kahit nakatalikod. I wonder kung bakit hindi na lang siya mag-asawa para sa baby na kailangan niya.
Bigla ko naman na sinaway ang sarili na 'wag nang mag-overthink pa. Wala dapat akong pakialam sa personal niyang reason.
Bigla ko na naman na naalala ang pinapagawa niya sana sa akin kanina. Medyo pasmado ang bibig niya para sabihin kaagad na i-suck ko raw ang huge d*ck niya. Masyado siyang proud sa sarili niya na malaki.
Pero matangkad siya... sabi nila kapag matangkad daw ay malaki rin daw 'yung ano. Bigla naman na humarap si Mr. Valderama dito sa kinauupuan ko. Agad ako nagbaba ng tingin. Ayoko na isipin niya na pinagnanasahan ko siya.
Narinig ko na lang ang yabag niya napapalapit sa akin. Nanatili akong nakayuko hanggang sa makita ko ang paa niya na nasa may harapan ko na. Nakasuot siya ng slippers. Napalunok ako dahil napansin ko mahaba ang paa niya. Ibig sabihin... Malaki?
"Sabrina." Sambit niya kaya napaangat ako ng tingin.
"M-mr. Valderama?" anas ko.
"Just call me Alex. We're not sure if how many days we will spend here together. Gusto kong maging kumportable tayo sa isa't isa. Is it okay?"
I nodded.
Kapag nagsasalita siya ay hindi ko maiwasan na mapatanga. He really has a characterics of a boss na kapag magsasalita siya ay makikinig ka. His aura is directive.
"Here, read this." Sabay abot niya sa akin ng isang clipboard.
Kinuha ko 'yon sa kamay niya at nakita ko agad ang nakasulat sa header. AGREEMENT.
Naramdaman ko ang pag-upo ni Alex sa sofa. Tiningnan ko muna siya at medyo malayo pa ang pagitan niya sa akin.
"Read and understand what' s in the agreement, then sign it. Ayoko na magkaproblema tayo in the future kaya gusto kong intindihin mo." he said seriously.
Nagsimula na nga akong basahin ang nasa papel na nakaipit sa clipboard.
As expected, nakasulat do'n na sa kanya mapupunta ang baby kapag nakapanganak ako. Pati payment terms ay naroon. Babayaran niya ako within this week ng isang milyon. Kapag nabuntis ako at naipanganak ko ang bata ay babayaran niya ako ng ten million.
Nakalagay rin sa agreement lahat ng pangangailangan ko ay ipo-provide niya hanggang sa makapanganak ako at pati na rin ang mga future check-ups after manganak.
Strictly confidential ang agreement at oras na lumabag ako ay ipapakulong niya raw ako.
Tsk! Well I doubt it. Pwede ko naman na itanong sa lawyer ng pamilya namin ang tungkol sa legality ng agreement namin. Hindi ako takot.
Nang natapos ko ng basahin ang kontrata ay bigla akong lumingon kay Alex at nahuli ko siyang malagkit ang tingin sa akin.
Lihim akong natawa dahil halata naman na nagagandahan siya sa akin. Baka hindi lang siya vocal.
Bigla ay sumeryoso ng tingin si Alex sa akin.
"Are you done?" tanong niya.
Tumango ako.
"Malinaw naman ang nakasaad d'yan, Sabrina. Sa akin mapupunta ang bata. Kapag natapos ka ng manganak. I'll still give you 3 days para makasama mo ang baby. After that ay hindi ka na magpapakita pa sa buhay namin ng magiging anak ko. Lahat ng karapatan mo bilang ina ay mawawala. Understood?"
Sunod sunod na tango lang ang ginawa ko. Sa isip ko ay pinagtatawanan ko na lang si Alex dahil at the end of the day, the baby will be mine. Mine alone. Siya ang mawawalan ng karapatan sa baby at hindi na kami magkikita pa.
"Pumapasok ako sa trabaho." Muling sambit ni Alex. Nakatingin lang ako sa gwapong mukha niya. "Dito ako uuwi once or twice during weekdays, and during weekends. This is my room at dito natin gagawin ang baby. You are not allowed to enter here unless I say so."
Bigla naman akong kinabahan sa narinig. Hindi ko maiwasan na kabahan talaga. Ang hirap magtapang tapangan kapag iniisip ko na may mangyayari na sa amin.
"Nasa kabila ang kwarto mo." Patuloy ni Alex. "I'll inform you everytime we’ll be having s~x. Kapag nagsabi ako, gusto ko ay nakaligo ka na at ready ng makipagbakbakan do'n sa kama ko. Let's do the first session tonight at 10 pm. Understood?"