Chapter 6

1059 Words
Sabrina Sarmiento Abot langit ang yamot ko habang narito na sa kung saan daw ang magiging kwarto ko. Nakaupo ako sa gilid ng kama at naghihintay ng oras para tawagin para sa lunch. “Tsk! This room is so cheap. Wala man lang kolorete!” Inis na sabi ko. I’m missing my room now. Pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog ngayong gabi na hindi yakap ang teddy bear ko. May TV naman dito sa loob. May sofa rin. Pero hindi ko gusto ang design. White ang kulay ng dingding. Ang gusto ko ay pink. Wala rin na vanity mirror. Gusto ko na nakikita ko ang itsura ko kapag nagpapahid ako ng mga pampakinis na nilalagay ko sa mukha ko at katawan. Nakarinig ako ng katok sa pinto. Huminga muna ako ng malalim at nagbuga ng hangin. “Sino ‘yan?” Pasigaw na tanong ko. Pinilit ko pang gawing sweet ang boses ko kahit pasigaw. Ayoko naman na malaman ng mga tao dito na may pagka-maldita ako. Tinataga ko sa utak ko na dapat maging submissive ako dahil hindi ako ang amo dito. “Miss Sabrina, pinapatawag ka na ni Senyorito para sa lunch.” Narinig kong sabi mula sa pinto. Napairap ako. “Opo, manang susunod na po.” Tumayo na ako mula sa kama. Nagpunta ako bathroom dahil may salamin do’n. Tiningnan ko muna ang itsura ko. Maayos naman ako sa paningin ko at hindi na kailangan na mag-retouch. Lumabas na ako ng kwarto. Hindi naman mahirap hanapin ang dining area dahil hindi naman gano’n kalaki itong resthouse. “Hello,” sambit ko nang makita ko si Alex na nasa hapag na. Tila hinihintay na lang niya ako dahil nang tiningnan ko ang plato nito ay wala pa naman na naka-serve na pagkain. “Have a seat.” Sambit ni Alex na sandali lang tiningnan ang mukha ko at binaling na nito sa pagkain ang tingin. I heave a sigh. Kakaibang lalaki si Alex. Hindi kaya bakla siya? Sayang naman dahil gwapo talaga siya at malakas ang appeal. Kaya siguro anak na lang ang hanap niya para may magmamana ng kayamanan niya pagtanda n’ya. Parang wala naman akong kadating-dating sa kanya sa mga inaasta n’ya. Pero baka ayaw niya lang na ma-attach sa akin dahil babymaker lang niya lang naman ako. Pero kanina naman ay parang napatitig siya sa akin habang nagbabasa ng babymaking agreement namin. Tsk! Ayoko na ngang mag-overthink! Sabagay, wala naman akong pakialam sa kanya kung bet niya ako o hindi. Hindi ko naman siya bet dahil may David na ako na mahal na mahal ko. Natigilan naman nang pag-upo ko ay nakita ko ang nasa hapag. Medyo hindi ko type ang ulam. Dalawang dish ng gulay, tapos isda rin. Hindi naman ako mahilig sa fish. Wala man lang pork, beef or chicken. Gusto ko sana ng steak ngayon. “Why, don’t you like the food?” Tanong ni Alexander na may pagtataka sa mukha niya. Umupo muna ako bago sinalubong ng tingin si Alex. “Uhhmm, wala bang ibang ulam?” I asked. Mas lalo naman na kumunot ang noo ni Alex. “Can I ask you again the reason why are you here as a babymaker?” tanong niya na ikinataka ko. Gusto ko siyang taasan ng kilay dahil sa irrelevant niyang tanong pero mabuti na lang ang ay hindi ko natuloy. Nagtatanong ako about ulam pero tanong din ang sinagot niya. “I am here to fund my sister’s medical needs. Kailangan ko ng pera.” Deretsong sabi ko. Ayokong likutin ang mata ko dahil baka mahuli pa nito ang pagsisinungaling ko. “Exactly! You need money because you’re poor. So I’m surprised you’re being picky with the food. Akong mayaman ay kaya kong kumain ng simpleng pagkain ikaw pang mahirap?” Parang gusto kong magwala sa narinig. My gosh! Ganito pala ang tawagin na ‘poor’. Parang gusto kong maiyak kahit hindi naman totoo ‘yon. How dare him! Kung alam lang nito kung gaano kayaman ang stepdaddy ko. Alam ko naman na mas mayaman siya. Pero hindi naman pipitsugin ang kumpanya ni Daddy. Kayang kaya ko siyang sampalin ng bundle bundle na cash kung gugustuhin ko. Pinilit kong ikalma ang sarili habang nakatingin pa rin kay Alex. Tinago ko ang emosyon ko na galit na galit sa kanya ngayon. ‘Wag lang sana niya mahalata sa mukha ko. “H-hindi naman sa hindi ako kumakain ng mga ganyan… Pero gusto ko lang sana na makakain ng masarap. Sawa na ako sa pangmahirap na ulam.” Banggit ko na lang. “Sa sinapupunan mo dadalhin ang magiging anak ko and I want my baby to be healthy. Simula ngayon ay masusustansiyang pagkain ang kakainin dito. Understood?” Seryosong sabi ni Alex. Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. Nagsimula nang sumandok ng pagkain si Alex. Ako rin ay sumunod na. Gustohin ko man na sumimangot ay hindi ko magawa. Ayokong pumangit ng dahil sa kanya. Tahimik kaming kumain. Masarap naman ang luto ni Manang kaya napagtyagaan ko ang ulam. Chopsuey at ginisang ampalaya ang gulay na dish. Doon ako sa chopsuey dahil may halo ‘yong manok kaya more on meat ang kinain ko. Tanging tunog ng tableware ang maririnig dito sa dining table. Wala rin naman akong balak kausapin si Alex. Hindi rin siya nagtanong man lang sa akin. Kahit gutom ako ay hindi ako nakarami ng kinain. Wala akong gana dahil hindi ko naman type ang ulam. Hindi ko alam kung napansin ‘yon ni Alex pero wala naman na siyang sinabi na kumain ako ng marami hanggang sa matapos kami. Bumalik na ako sa room ko. Sobrang boring ng naging maghapon ko. Hanggang sa dumating na ang dinner. Kagaya ng kaninang lunch ay hindi naging magana ang pagkain ko dahil hindi ko type ang ulam. Walang buhay pa ang kasama ko sa pagkain. Parang feeling ko tuloy ay ang turing niya sa akin ay nakasabay lang sa mesa sa isang fastfood. Wala kaming imikan. Natapos na akong kumain. Kinuha ko ang baso at uminom ako ng tubig. “Go to my room later, Sabrina.” Narinig kong sambit ni Alexander kaya tumigil ako sa pag-inom at tumingin sa kanya. “Sa oras na sinabi ko sa’yo kaninang umaga, we will start to make baby.” Parang biglang nagwala ang puso ko sa narinig. This is it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD