Chapter 7

1707 Words
Sabrina Sarmiento Napahawak muna ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tahip no’n. Parang gusto ng kumawala ng puso ko sa ribcage ko. “Calm down, Sab. You can do this.” Mahinang sambit ko sa sarili. Walang ibang tao na magpapalakas ng loob ko ngayon maliban sa akin. Kailangan kong panindigan ‘to. Nagpakawala muna ako nang malalim na buga ng hangin bago ko tinaas ang kamay para kumatok sa kwarto ni Alex. Kagaya ng instruction niya na magpunta ako sa takdang oras dito sa kwarto niya ay narito nga ako ngayon. Tatlong katok ang ginawa ko pero wala naman akong narinig mula sa loob na pumasok ako. Marahan ko na lang na binuksan ang pinto. Una kong nasilip ang sulok ng kwarto kung saan nakapwesto ang sofa at wala namang nakaupo do’n. Hanggang sa binuksan ko na nang maluwag ang pinto at tumambad na sa akin ang buong kwarto. Nanlaki ang mata ko nang makita si Alex na nasa kama. Walang suot na pang-itaas. Pakiramdam ko ay pulang pula ako sa biglaang pag-iinit ng mukha ko. Malayo pa ang distansya ko kay Alex pero nakikita ko na ang lapad ng katawan niya. “Holy cow!” Nakasandal si Alex sa headboard ng kama habang inunan niya sa ulo ang mga kamay niya. Pero nang nakita niya ako ay umayos siya ng upo at ilang sandali ay mabilis na bumaba ng kama. Hinagod ako ng tingin ni Alex mula ulo hanggang paa. Mas lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko ay hubad na ako sa paningin niya. Nakasuot ako ng short at spaghetti sando. Hindi ko na tuloy magawang humakbang pa papasok. Sobrang kabado ko na nga ay mas naging triple pa ang kaba ko. “Are you just going to stand there!? Hindi tayo makakabuo agad ng bata kung babagal bagal ka!” Seryosong sabi ni Alex matapos akong hagurin ng tingin. Mukhang hindi uubra ang pagiging maldita ko sa lalaking ito. Ako ang mas apektado sa ugali niya. Ako ang mas naiinis. “Close the door and go here! Double time!” Pasigaw na utos ni Alex dahil hindi man lang ako kumilos. Kainis! Napabuntong hininga ako. Humakbang ako papasok at sinara ang pinto. Sinunod ko ang sinabi ni Alex at nagpunta hanggang sa makalapit sa harap niya. Humakbang pa siya nang huminto na ako dahilan para halos mawala na ang space sa pagitan namin. Naamoy ko agad ang bagong ligo niyang katawan. Fresh na fresh ang amoy niya. Parang gusto ko tuloy na pumikit at samyuhin ‘yon pero hindi ko ginawa. Pero napasinghap ako nang bigla niyang inangat ang kamay niya at nilapat ang palad sa pisngi ko. “You’re beautiful.” Parang gumapang ang init ng dulot ng palad niya sa buong katawan ko. May dala ‘yong kuryente sa balat ko. Hindi ko alam kung ano ang ire-respond ko. Ang dami nang nagsabi sa akin ng gano’n at confident na ako. Pero iba ngayon. Parang bigla akong na-conscious. “A-alex… Uhh—” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang biglang kinabig ng isa niyang kamay ang beywang ko at hinila para idikit sa katawan niya. Automatic na napahawak ang palad ko sa dibdib niya at naramdaman ko kung gaano katigas ang muscles niya. Naramdaman ko rin ang t***k ng puso niya. Nanlalaki ang mata kong napatitig sa gwapong mukha ni Alex. Ngayon ko nakikita kung gaano siya kakisig. “Relax…” mahina niyang sabi habang nakatingin pa rin ng diretso sa mga mata ko. Mas lalo akong kinabahan, pero sigurado akong hindi lang basta takot ang dahilan. Parang may kung anong humihila sa akin sa kanya. “Alex…” mahina kong tawag muli na halos bulong na lang. Napangiti siya nang bahagya. ‘Yung tipong half-smirk na parang may alam siya na hindi ko alam. “You don’t have to be scared. This is just about making a baby. Nothing else.” Napalunok ako. Bakit parang mas lalo akong kinilabutan sa sinabi niyang ‘yon? Ramdam ko pa rin ang kamay niyang nakahawak sa beywang ko. Dahan-dahan niya ‘yong ini-slide sa likod ko nang mabagal at bawat daanan no’n ay may dalang kakaibang kiliti sa himaymay ng laman ko. Nagbaba ako ng tingin at napako doon sa dibdib niya. “Look at me,” sabi niya. Ayoko sanang sundin pero kusa ring gumalaw ang mata ko. Nang magtama ulit ang tingin namin ay parang tumigil ang oras. “You’re trembling,” bulong niya. “I’m… I’m just nervous,” sagot ko. “Ayoko nang nerbyosa sa kama, Sabrina. Dapat prepared ka lagi kapag makiki-pag-sxx na sa akin. You can’t back out neither. Understood?” I nodded. Pinilit kong labanan ang tingin niya sa akin. Para siyang hari na kapag magsasalita siya ay makikinig ang lahat. Pati ako ay napapasunod niya. Hindi niya tinanggal ang kamay niya sa likod ko. Mas lalo pa niyang diniin ang paghawak na para bang sinisigurado niyang hindi ako aatras kahit isang pulgada. “Good,” mahina pero mariin niyang sabi. “Kailangan kong malaman na kaya mong makipagtulungan. Hindi puwedeng puro takot. Are you a virgin? Is this your first time?” Hindi ako makapagsalita. Ramdam ko ang init ng hininga niya dahil sa sobrang lapit niya. Ang bigat ng presence niya. Wala naman siyang ginagawa pero para akong nalulunod sa tensyon ng katawan niya. “Y-yes.” sambit ko. Nakita ko ang pagbabago sa expression ng mukha niya sabay bitaw sa akin at lumayo siya ng isang hakbang. “F*ck!” mahinang mura niya. “W-why? Bawal ba? Wala naman ni-require about vir gi nity?” Nagbuntong hininga si Alex at matapos ay umiling at bumalik sa normal nitong seryosong expression ng mukha. “No. Hindi naman bawal. Ayoko lang na kunin ang virginity ng isang babae. You should give it to your future husband. Pero may usapan na tayo and you signed the agreement. You need money and I need a baby. Wala nang atrasan!” Pagkasabi niya ay muli niyang hinapit ang beywang ko kaya napakapit na naman ako sa dibdib niya. Dahan-dahan siyang yumuko at na-focus ang tingin sa naka-awang kong labi. Mas nagwala ang dibdib ko sa tindi ng kaba at alam kong ilang sandali na lang ay isusuko ko na ang bataan. Hindi ko na alam kung paano ko pipigilin ang sarili ko… kung dapat ko ba siyang iwasan dapat ko siyang salubungin. Pero bago pa ako makapag-decide ay lumapat na ang labi niya sa labi ko. “My gosh!” Parang mahuhulog ako sa bangin na hindi ko maintindihan. Napakapit ako sa balikat niya nang kusa nang hindi ko na napigilan. Para bang sinisipsip ng hangin sa pagitan namin ang natitirang lakas ko. Mainit ang bibig niya, mabagal pero mapagpasyang gumagalaw. Sa una ay halos parang tinitikman lang niya ako. Pagkatapos ay naging mas madiin at commanding na parang siya ang may hawak ng buong mundo at kasama ako ro’n. Pero ako, hindi ko alam kung paano mag-respond. Hindi ako marunong. Isabay pa na labis ang rigodon ng puso ko at alam kong nararamdaman niya kung gaano kalakas ang t***k ng puso ko dahil nadikit na ang dibdib ko sa kanya at nakadagdag pa ‘yon sa kakaibang init na bigla kong naramdaman. Parang feeling ko at nagko-contract ang mga muscle ko sa boobs sa pagdidikit ng mga dibdib namin. Pinisil niya ang bewang ko. Hinihila niya ako para mas dumikit pa sa katawan niya kahit wala nang space at dikit na dikit na kami. Hanggang sa bigla siyang huminto at humiwalay ng halik sa akin. Doon ko lang na-realize na hindi na pala ako humuhinga at doon lang ako humugot ng hangin. Ramdam ko ang pagkabasa ng labi ko dahil sa laway niya. Para akong nahipnotismo at tulala lang na napatingin sa kanya. Ramdam ko pa ang pagtama ng hininga niya sa mukha ko dahil hindi niya ‘yon nilayo sa mukha ko. “Relax… Ayoko ng parang tuod. Kiss me back” bulong niya na titig na titig sa mata kong hindi ko tuloy maikurap. Puno rin ng authority ang boses niya. Pero paano ako magre-relax sa paraan ng halik niya na inubos na yata ang lakas ko. Pati utak ko ay tila tinangay sa simpleng halik na ‘yon. “Just follow my lead… laplapin mo ako para mas ganahan ako.” aniya dahilan para manlaki ng husto ang tingin ko. Parang buong katawan ko na tuloy ang namumula sa naririnig ko sa kanya. At bago pa ako makasagot ay hinalikan niya ulit ako. Mas malalim. Mas matindi. Parang may kuryenteng patuloy na dumadaloy sa bawat ugat ng katawan ko. Hindi ko namalayan na napapikit na lang ako at napa-ungol nang bahagya nang dumulas ang kamay niya mula sa likod ko pababa sa may pw*t ko at sinapo niya ‘yon, pinisil, at hinila pa nang husto. Napasinghap ako dahil kiniskis niya ang bagay na na nasa pagitan ng hita niya “Uhhhmm…” Napaungol ako sa pagitan ng halik namin. Hindi ko kinaya na nahawakan niya ang parte ng katawan ko na wala pang nakakapisil na kahit sinong lalaki. Ilang sandali pa ay tumindi ang galaw ng labi niya. Pinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. Na-shock ako dahil mas nalasahan ko ang laway niya at daig pa no’n ang alak na maliliyo ka sa lasa. Hindi ko namalayan na nilalabanan ko na ang dila niya at nakipag-espadahan pa ang dila ko. Tila naging expert ko sa pakikipaghalikan at ginalaw ko na rin ang labi ko at sinabayan siya. Mabilis akong natuto. Sobrang sarap humalik ni Alex at parang nauubusan ako ng hininga sa kakatugon sa halik niya. “Ohhhh… David…” Ungol ko sa kabila ng halikan namin. Nagulat na lang ako nang biglang huminto ng paghalik si Alex sa akin at hinabol ko pa ang labi niya. Nabitin akong napadilat at nakita ko ang kunot na noo ni Alex. “F*ck!” Malakas na mura niya sabay halos tulak niya sa akin at naghiwalay ang mga katawan namin. Muntik na akong ma-out of balance. “W-why?” “D*mn it! Who’s David!?” Malakas na sigaw ni Alex na halos dumagundong sa buong kwarto. “Sh*t!” mahinang mura ko at bigla kong natakpan ang bibig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD