Sabrina Sarmiento
“‘Wag ka ngang praning, Sab!” malakas na sabi ni Janette mula sa kabilang linya.
Napahawak ako sa noo ko dahil sa tindi ng stress na nararamdaman ko.
“My goodness, Ja! Do you think I can relax knowing that b***h is with David? Ako dapat ang kasama ni David, hindi ‘yong hampaslupang babae na ‘yon! And that arrogant Alex is nowhere to be found! Hanggang ngayon ay hindi pa siya nagpapakita! I’m really stressed!” Pasigaw kong sabi habang nakasandal sa headboard ng kama, nag-aapoy sa inis.
Narinig kong pumalatak si Janette.
“Poor little Sabrina… Kung hindi mo pinikot si David, hindi ka sana namomoblema ng ganyan—”
Hindi na niya natapos pa ang pang-aasar dahil agad ko siyang pinatayan ng tawag. Kung hindi lang mahal ang phone ko ay malamang na hinagis ko na ‘yon. Pero imbes na ginawa ‘yon padaskol ko ‘yon na ibinagsak sa side table.
Napamassage ako sa sentido ko. Ilang araw na akong ganito. Three days to be exact. Simula nang muntik na talaga may mangyari sa amin ni Alex nang gabing ‘yon.
“Oh God… Where are you, grumpy Alex?” bulong ko habang patuloy ko na minamasahe ang sentido ko.
I need him. I need this plan to push through. Kailangan ko nang mabuntis sa lalong madaling panahon. Sa linggong ito dapat maging successful ang plano ko.
Ayon sa mga research ko ay after fertilization ng sperm sa egg cell ay doon pa lang puwedeng magsimula ang pagbubuntis… at nangyayari ang fertilization hours or even days after sxx. Meaning, kailangan maging sharp shooter ang Alex na ‘yon dahil oras ang kalaban ko. At kailangan ko nang mabigyan ng proof si David na nabuntis niya ako.
Basta urgent na kailangan kong mabuntis dahil isang linggo na ang lumipas simula nang tinangka kong pikotin si David.
Pero paano mangyayari ang lahat kung hindi nagpapakita si Alex mula nang mabanggit ko ang pangalan ni David nang hindi sinasadya?
Tandang-tanda ko pa ang galit niya nung gabing ‘yon. Nakakatakot ang panlilisik ng mata niya. Ang tono niya. Ang sakit ng mga salitang binitawan niya. Para akong pinagbagsakan ng mundo. Pero nagtimpi ako. Kailangan. Kaya napilitan akong sundin siya at bumalik sa kwarto ko.
Nauwi tuloy sa wala ang gabing ‘yon. At buong magdamag akong hindi nakatulog.
Hindi mawala sa isip ko ang kiss na nangyari. Ang init na iniwan niya sa balat ko. Parang may apoy na kumapit sa akin buong gabi.
Hindi ko tuloy maintindihan ang sarili ko… kung natutuwa ba ako o inis? Dahil hindi lang utak ko ang nabitin… pati katawan ko.
Kinabukasan ay hindi na nagpakita si Alex. Tinatanong ko kay Manang kung nasaan ang lalaki pero ang sagot lang nito ay maaga raw umalis ng rest house.
It’s been 3 days at parang walang balak na magparamdam ni Alex. Kinukuha ko mula kay Manang ang number ng lalaki pero hindi nito binigay dahil pinagbawal daw ng lalaki.
At kaya ko tinawagan si Janette dahil gusto kong balita kay David. Ang sabi niya, nakita raw niya si David… kasama ang fiancée nito.
Ayun. Tuluyan akong nawalan ng mood. Parang lalo akong lumubog. Parang talunan ako hangga’t hindi ako nabubuntis.
Humiga ako nang patihaya sa kama at napatitig sa kisame na parang doon ko makikita ang lahat ng sagot sa problema ko. Kahit anong pili ko ng posisyon ay hindi ako mapakali. Minsan ay mapapairap ako. Minsan ay mapapangiwi. Minsan ay parang gusto kong sumigaw ulit sa unan ko.
Pero in the end, wala rin. Hindi nawala ang frustration ko.
At tuluyang lumipas ang maghapon nang wala akong nagawa kundi mag-wallow sa inis, stress, at pagkairita sa buong mundo.
Kahit pagkain, halos hindi ko na pinansin. Si Manang nga ay ilang beses akong tinatawag para kumain pero ang sagot ko lang ay pabalang na, “Mamaya na, Manang. Wala ako sa mood.”
Nag-try akong manood ng Netflix pero hindi ko ma-gets ang pinapanood ko. Nag-scroll ako sa social media at panay stalk kay David at doon sa finacee nito pero walang silang bagong mga post. At ang Alexander Valderama naman na ‘yon ay walang social media.
Nag-try akong mag-nap. Hindi rin ako dalawin ng antok. Lalo lang sumikip ang dibdib ko.
Bakit ba ang hirap makuha ng gusto ko?
Hanggang bago mag-dinner ay lumabas pa ako sandali para naglakad sa garden at parang tanga na nagmumukmok doon. Pero kahit sariwang hangin ay hindi nakatulong. Ang nasa utak ko lang ay:
Bakit hindi nagpapakita si Alex? At bakit ang saya-saya ni David kasama ang babaeng ’yon?
Pagbalik ko sa kwarto ay halos dumidilim na ang paligid.
Pagpasok ko sa kwarto ay halos dumidilim na ang paligid. Nag-on lang ako ng isang warm lamp sa gilid ng kama. Pero kahit gaano ka-soft ang ilaw ay hindi no’n natapyas ang bigat sa dibdib ko.
Bandang 7:30 PM ay kumatok si Manang.
“Ma’am, nakahain na po ang dinner.”
Napapikit ako nang mariin. Dinner. As if may gana ako.
Pero nagsimula na akong sumakit ang ulo sa gutom kaya napilitan akong bumaba. Tahimik ang buong mansion at ako lang ang maingay. Pero hindi dahil sa salita, kundi sa mga buntong-hininga ko.
Pag-upo ko sa dining table ay hinainan ako ni Manang ng steak, mashed potatoes, at salad. Normally, favorite ko ‘yon. Pero ngayong gabi…
Tumingin lang ako sa pagkain. Sinaksak ko ng tinidor ang steak, kinagat… pero wala. Parang papel ang lasa.
Kumain ako ng dalawa o tatlong subo bago ko binitiwan ang kubyertos.
“Manang, busog na ako,” sabi ko kahit halatang hindi pa.
Tumingin si Manang sa akin nang may pag-aalala, pero hindi na ako nagpa-explain. Tumayo na lang ako at umakyat pabalik sa kwarto.
Pagpasok ko ay nag-decide akong gawin ang night routine ko. Gusto ko na lang na matulog ng maaga at baka bukas ay okay na ang pakiramdam ko.
Nag-shower ako nang matagal. Nilagay ang serums sa mukha. Nag-blow dry ng buhok. Nagpahid ng lotion. Nagpabango. Pero kahit anong self-care ay hindi nito napalitan ang bigat na iniwan ni Alex at David sa sistema ko ngayong araw na ‘to.
By 10:30 PM, nakahiga na ako sa kama. Pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
Hindi rin nawawala ang restless na iniwan ng mga naiisip ko. Hindi ko alam kung ano ang lamang, kung ang nalaman ko ba na magkasama si David at ang fiancee nito o ‘yung pagkawala ni Alex.
“Ugh! Nakakainis ka, Alex,” bulong ko habang umiikot sa kama na parang nahihibang.
Hanggang sa lumipas pa ang ilang minuto. Pag-check ko ng phone ay mag-a-alas dose na pala.
Kumulo ang tiyan ko nang kaunti dahil na rin sa gutom. At isabay pa ang hindi mapakaling pakiramdam. Kaya bumangon ako, napagdesisyunang bumaba sa kusina para kumuha ng tubig at kumain ng tinapay para malamnan ang tiyan ko.
Naka-nighties lang ako at hindi na nag-abala pang magsuot ng bra dahil wala naman nang tao for sure.
Tahimik ang buong resthouse nang bumaba ako ng hagdan. Halos maririnig ko ang bawat yapak ko. Binuksan ko ang lahat ng ilaw dahil takot ako kahit na may ilaw pero dim lang naman.
Pagdating ko sa first floor ay bigla akong nagulat nang marinig ang isang malakas na busina sa labas. Sunod-sunod at ang yabang kung sino man ‘yon na walang pakialam kung gabi na.
Napakunot ang noo ko.
“Alex?” sambit ko.
Ito lang naman ang naiisip kong bubusina dahil sa kanya itong bahay. At sa isipin na ‘yon ay biglang nanlamig ang buong katawan ko.
Pero hindi pa ako nakakumpleto ng tanong sa isip ko nang marinig ko ang pagbukas ng malaking gate. Sinilip ko ang bintana dahil matatanaw naman agad ang parking sa tapat ng sinilipan ko.
Isang itim na SUV ang pumasok. Then the door on the driver’s side opened. At bumaba ang isang lalaking inaasahan ko… Si Alex.
Medyo sablay ang lakad nito at halatang pagod. O naka-inom ba? Pero kahit tipsy ay matikas pa rin ang tindig nito.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kakaibang kaba at hindi ko man lang magawang umalis sa kinatatayuan ko.
Pero hindi ko inaasahan na bigla siyang titingin sa bintanang kinalalagyan ko at nagtagpo ang mga mata namin.