Kabanata 3.

4236 Words
Secret “But those who hope in the Lord. Will renew their strength. They will soar on wings like eagles; they will run and not grow weary, they will walk and not faint.” Habang binabasa ng isang kaklase and isang bible verse sa harapan ng klase, mataimtim ko iyong pinakinggan ngunit hindi ko maiwasang mapansin ang mga bungisngis at bulong sa gilid sa aking likuran. “Nahawakan ko na iyon dito… tapos dito… tapos—” Natigil ang pagde-describe ni Damien sa kan’yang di malaman na bagay ang aniya’y nahawakan na raw nito nang makita niya akong lumingon bahagya sa kanya. Narinig ko ang tikhim niya, “‘Wag ka makinig, pagalitan ka ni God.” bulong iyon pero sapat na para maiparating sa akin at nag tagumpay naman siya, mahina silang nag tawanan ng mga kaibigan niya. Hindi mo maidadaan sa salita, sa sumbong o sa kahit ano ang mga ‘to. Kung gusto ka nilang pag-trip-an para sa ikasasaya nila ay malaya nilang gagawin ang mga iyon. Hindi na siguro maaalis ‘yong mga gano’ng estudyante sa isang paaralan ano? Kumbaga sa sistema ng isang paaralan sila ‘yong balakid palagi sa magandang imahe nito. “Bugtong bugtong.” rinig ko pang pahabol ni Damien, ‘di matigil. Mas lalong nakakainis dahil mas angat ang boses niya kahit pabulong dahil malapit lang ako sa kanya. Alam kong naririnig ito ni Sir Aldrin pero ‘di niya lang masaway. Bilang FCL teacher ay pinananatili niyang mabuti ang imahe niya. Hindi nagagalit, magagalit pero nakangiti kaya hindi sineseryoso ng iba. Sobrang bait, abusado na ang iba.  Ewan ko nga kung mabait lang talaga siya o sadyang takot lang na masangkot kina Damien. “Eto, hawak ko palagi ang rosaryo, nagdadasal habang nakaluhod, manang ako at mahal ko si Lord, sino ako?” Bumaba ang tingin ko sa aking aklat, ilang buwan na akong nagtitimpi sa kanila, ayaw ko namang bitawan na lang ang subject na ito para lang sa kanila. Pinagbuntong hininga ko na lamang ang lahat, wala naman talaga akong magagawa kahit pa sabihin kong ire-report ko sa kanila. “Ay shet! mahaba ang palda?” Ako. Ako nga, sino pa ba ang may mahabang palda rito? Sino ba ang manang manamit dito? Si Elisha lang naman. Ako lang naman. “Uh… Oo pre!” “Teka, nandito lang ba ‘yan sa loob ng classroom?” “Oo!” Nagtawanan sila. Sinita kaunti ng professor ngunit nagpatuloy pa rin sila. Nagtinginan pa ang iba sa banda namin, pero ‘di na rin naman nila inalintana. Iyong ibang nakarinig ay nakikitawa pa, wala ng pag-asa ang mga 'to. “Kulot ba? ‘Yan ba ‘yong sobrang lola manamit?” Nakakapagod. Tumawa ulit sila, hindi naman ako nasasaktan sa mga pinagsasabi o pinaggagawa nila, katunayan nga ay naaawa ako sa kanila, bakit ganoon ang pananaw nila sa iba? Na lahat nakakatawa? Na lahat ay puwedeng gawing biro? Maging ang kasuotan, na ikaw naman mismo ang magsusuot at hindi sila. “Eto ba?” palihim akong tinuturo ni Kobe, ang isa pang kaklase na mahilig man-trip. Nilingon ko siya at lalong nag tawanan ang barkada niya, ako ang tinuturo niya pero dahil nakalingon siya sa likod niya ay di niya ako nakikita na nakatingin na sa kanya. Nang humarap ay doon niya lamang nakita, at nagkatinginan kaming dalawa. “Ay sorry! Si Damien, inaasar ka? Ano ba, sapakin na natin ‘to ano?” sabi niya pa, patay malisya na lamang. Hindi na ako muling lumingon pa, sa libro ko na lang ibinaling ang lahat ng atensyon at nagsulat doon ng kung ano-ano. ‘Yong mga tingin noong iba sa akin ay tingin naaawa.  Sa dalawang taon ko pa lamang sa kolehiyo ay hindi ko iniisip na ang mga nararanasan ko noong grade school at highschool ay makukuha ko pa rin hanggang kolehiyo. Hindi ko naman talaga sila blockmate, napunta lang ako dito sa section nila dahil puno na ang slot sa section ko dapat, hindi naman kasi ganoong kabilis mai-proseso ang scholarship ko kaya’t palagi akong late sa enrollment. “Sana marinig ni Lord ang panalangin ko na tanggalin ang sumpa sa pagiging manang ko—” “Dude.” Isang malalim at tamad na boses ang pumagitna sa mga salita ni Damien, na pati ang nagsasalita sa harap ay napukaw ang atensyon dahil sa puno ng awtoridad ang boses nito.  Mukhang kakagising lang, iritado. Napalingon ako sa banda niya, pero wala siyang ikinilos. Tanging likod at nakahalukipkip lamang na lalaki ang namataan ko. Tamad na nanonood sa ginagawa ng classmate sa harapan. Tila ba wala ng magsasalita muli sa boses niyang iyon, at dahil siya na ang huling nagsalita ay wala ng ibang pumatol pa roon. Hinipo ko ang magkabilang pisngi dahil sa pag-init nito. Natapos ang subject ay kaagad akong lumabas, sobrang toxic na kasi doon. Nakahinga naman ako ng maluwag kaagad. Sinusubukan ko naman silang gustuhin, pero parang araw-araw rin ako na nawawalan ng pag-asa na magustuhan sila dahil sa mga sinasabi nila sa akin. Hindi kasi ako iyong kayang makipagsabayan sa mga babaeng nasa room para sa kanila. At kung makikipagsabayan lamang pala ako para lang sa kanila ay hindi na. ‘Yong mga babaeng kina-kaibigan lang nila ay mgga babaeng ngingitian nila kasi nga may itsura. Kumbaga puwede ipagmalaki dahil sa pisikal na anyo, ano ba ang makukuha nila roon? Ang hirap kaya maglakad ng naka high heels, mahirap umupo kapag maikli ang palda, at hindi naman ako marunong maglagay ng kolorete sa mukha kaya siguro ganoon ang turing ng iba sa akin, pero masaya naman ako sa mga kaibigan na mayroon ako ngayon. Dahil alam kong kaibigan nila ako dahil gusto nila ako maging kaibigan hindi dahil sa weird ako o kung ano man ang tawag ng iba sa akin.  Hindi ko na rin kailangan dagdagan pa iyon, ayaw ko naman na kaibigan lang ako dahil may kailangan sila sa akin. Isa pang hindi ko lang maintindihan ay bakit parang nakakatawa sa kanila ang pagiging maka diyos ng isang tao? Cool ba kapag ayaw mo? At nakakabawas pogi points ba kapag gusto mo? At sa tuwing nanonood kami ng movie tungkol sa diyos tinutulugan lang ng iba, at kapag iba naman ang pinapanood kulang na lang ay kumuha pa ng popcorn at itaas ang paa. Kung laitin nila ako sa pagiging maka diyos ko ay para bang iba ang sinasamba ko. Dumiretso ako sa pathway papuntang gym, at naupo na lamang doon. Ine-enjoy ang katahimikan, hindi pa kasi dismissal ng mga kaibigan ko kaya dito muna ako. Medyo walang tao rito kapag ganitong oras. Dito ako madalas kumain tuwing mag-isa, masaya naman dahil mas nakaka-relax kapag walang kasama. Kapag hindi kami magkasama ni Isaac. At speaking of Isaac, parang siya itong nakikita kong nasa harap ng isang stall ng pizza, kaharap ko kasi ngayon ang oval na puro stalls dahil sa event ngayon ng mga Med. Mabilis kong kinuha ang salamin ko para makita nang malinaw kung si Isaac nga ba talaga ito. Hindi naman rin ako nagkamali. Sinagot ng mga salamin ko ang tanong na ayaw kong tanggapin. Si Isaac nga, ang katawan at tindig ay pamilyar na pamilyar. Ngumiti ako, naalala ko ang naging pag-uusap naming noong isang araw. Hindi naging madali iyon pero alam kong tapos na. Mahal niya nga talaga, at hindi ko alam kung kailan naging sila pero masaya ako na nahanap nila ang saya sa isa’t isa. Sa akin? Hindi lang naman sa pagbo-boyfriend ko mahahanap ang kasiyahan alam ko, siguro ngayon ay hindi lang talaga oras.  Si Ashi. Half Filipina Half Japanese. Classmate ko noon, hindi ko siya ka-blockmate, irregular student kasi siya, at magkaklase kami sa isang subject. Hindi rin kami gaano kaclose, pero nagsama na kami isang beses sa cafeteria dahil sa isang project. Doon na kwento niya kung paano siya nagkagusto kay Isaac. Hindi mapantayan ang saya at kilig niya noong mapansin siya. “George… George…” pag sambit niya, nangingiti Ngumiti rin ako, sandaling sumulyap sa kan’ya. “Gusto mo siya ano?” tanong ko, ayaw ko naman talagang itanong iyon pero parang kailangan, dahil kung hindi ko tatanungin baka magmukha akong nagseselos o ano. “Well, it’s not like I like him agad. But I’m getting in there… I guess.” kinikilig na sabi niya, nakakatuwa, bittersweet ika-nga Tumango-tango ako habang nakangiti saka ibinaling ulit ang atensyon sa ginagawa kong activity. “Ikaw? Do you like someone?”  Napatigil ako. Nag-angat ako ng tingin sa kanya, nakangiti siya sa akin at nagkaroon naman ako ng pagkakataon para humanga sa ganda niya. Napalunok ako. Ang makuha iyong tanong mula pa sa kan’ya. Tumango ako, dahan-dahan. “Uy sino? Share naman.” kinurot niya bahagya ang kamay kong nakalapat sa mesa. “Uuh.” Si Isaac? Pero gusto mo siya kaya huwag na lang. Napalingon ako sa biglaang pag pasok ni Weston Randall. “Look at that, walking like a boss.” ani pang isang babae na nasa likuran ko lang, medyo katabi ko, nakatingin kami sa parehong lalaking pumapasok. “Uhh… basta.” sagot ko, mas pinili na lamang ibaling ang atensyon sa ginagawa kaysa panoorin ang lalaking pumapasok lang naman sa cafeteria. “Kaklase ba natin?” umiling ako agad, Nahagip ng tingin ko ang pag baling ni Wes sa mga kaibigan niyang nakaupo sa di kalayuang lamesa, pero pagkatapos niyang balingan ang mga iyon ay kami naman ni Ashi ang tiningnan. Pinagmasdan kong dumaan si Wes sa gilid namin habang tinitingnan si Ashi ng may ngisi sa labi. Halos umikot ang mata ko, umiling na lang ang tangi kong nagawa.  “Sino— ah, ‘yan no?” nakita niya yata ang pagtingin ko sa dumadaang lalaki sa gitna namin. Agad akong pumrotesta. “Hindi ah!” nako, balak ka niyan agawin kay Isaac! Kahit na alam kong hindi ka bibitawan ni Isaac, at gusto mo rin si Isaac. Gagawa iyan ng paraan para makuha ka! Bakit ba ako pa ang nagagalit?  Ayaw ko lang na hindi maging masaya si Isaac, ang dapat na sa kanya ay makukuha pa ng iba.  Iba dumiskarte ang lokong iyan Ashi.  “Asuuus! Kunwari ka pa.” humagikhik si Ashi at kinalabit akong muli,  “Suplado iyan, nanghingi sa akin ng papel, wala man lang pa-thank you?” nusangot ngunit nakangiting sabi ni Ashi, napahinto ako sa pagsusulat dahil hindi naalis ang tingin niya kay Wes. “Oo, kaya hindi ko siya gusto.” tahimik kong tugon, Napakapa ako sa krus dahil sa naramdaman ko ang pagtusok bahagya nito sa dibdib ko. Swerte naman nito. Siya ang isa pang bestfriend ni Isaac. Parehas pa sila ng kurso, pareho silang hilig ang sports, matalino at higit sa lahat, pareho silang mabait. Bagay sila. Totoo. “Sayang.” “Ang kabayo!” Napabalik ako sa ulirat at napatalon pa ako sa gulat sa narinig na boses na biglang sumulpot sa tabi ko. Lumingon ako sa may bandang likuran ko at doon nakita ko si Wes na nakaupo sa mamahalin at magara niyang motorsiklo, nakahalukipkip at nakatingin sa kung saan ako nakatingin kanina. “Ha? A-ano? Oh?” Naupo ako muli at mahigpit na hinawakan ang strap ng bag ko. Hanggang ngayon ba ay mukha pa rin akong umaasa? At iyon nga ba ang sinasabi niyang sayang?  "Burger mo nahulog, sayang.” malamig niyang sambit, ngunit may ngisi sa labi. “Ahh…” napanganga ako, sayang nga. Nakita ko ang pagpulot niya sa burger kong may dalawang kagat pa lang at nasa maruming lupa na. Na-shoot niya iyon sa basurahan at gusto kong maiyak sa natapon kong pagkain, kaya naman ang fries na lang na kanina ko pa hawak-hawak ang nilantakan ko. Pero mas nakakaiyak siguro ang nakita ko ngayon sa malayo. Naupo si Wes sa tabi ko, 'di ko maiwasang hindi maging komportable. Papalapit sa direksyon ko sina Isaac at Ashi, magkasabay na naglalakad sa oval, nagtatawanan, masaya… Aaminin ko, minsan kong inimagine ang ganyang scenario kasama si Isaac, kahit malayong mangyari ang naiisip ko. Kaibigan lang... “Ikaw rin?” may pang-aasar pa sa boses niya. Parang natutuwa pa sa nakikita. Kunot-noo akong lumingon kay Wes. Hindi ko alam bakit siya narito, suot niya pa ang varsity jacket at may duffle bag na nakasukbit sa kanang balikat. ang pabangong panlalaki ay agad na tumambay sa ilong ko.  “Ako? O ‘yong burger? Wala ka bang practice game ngayon?” malamya kong tanong, medyo nalito rin sa tanong ko. Narinig ko ang bahagyang paghalakhak ni Wes, “Ako o ‘yung burger.” Patuya niyang pag-uulit sa sinabi ko. Madalas niya akong asarin pero hindi naman siguro umabot tulad ng kanila Damien. Lagi niya lang pinapansin ang pisngi ko, mataba at hawig ko daw si gudetama. At kung hindi ako nagkakamali ay siya itong Japanese cartoon character, isa siyang itlog at kulay dilaw. Sanay na rin ako, kasi nga kahit wala dito sa school ay nang-aasar pa rin siya. “Mukha ba akong iklog.” bulong ko, Napatawa si Wes habang nakatingin pa rin sa akin, “Iklog? nabulunan ka ba?” aniya sabay halakhak pa ulit. ‘di ko siya pinansin. Seryoso ba 'to? Ako talaga ang sinasamahan ngayon?  “’Di talaga nahulog? O in denial?” dugtong niya na para bang basang-basa niya na ako na parang bukas na libro, eh samantalang hindi naman talaga kami nag-uusap, kung mag-uusap man ay sa simbahan lamang iyon tuwing ipinapasabi ni Father na tumahimik siya. Gulat ko siyang tiningnan na kaagad ko namang binawi. Mainit ang pisngi ko ng dampian ko iyon ng palad ko, narinig ko ang inosente niyang tawa. Bakit ba narito siya ngayon? Hindi naman sa ayaw ko siyang narito, hindi rin naman sa gusto kong narito siya. Pero dahil sa mga naririnig ko sa kanya mula pa noong pumasok ako rito ay parang tuwing magkasama kami ay para bang tubig at langis, langit at lupa. Kung ako, simbahan ang paborito kong lugar. Sa kanya, high end bars at clubs. Kilala ko na siya kahit noong mga bata pa lang kami, classmate ko siya buong gradeschool, lumipat siya ng school noong mag highschool dahil may negosyo sila sa Manila, hindi ko alam. Noon pa man gusto na siya ng mga tao, kahit na hindi na maganda ang mga ginagawa niya, kahit na kilala siya bilang basagulerong anak ng isang Lawyer. Hindi lang dahil doon kung bakit siya kilala, matunog rin ang pangalan niya sa simbahan dahil sa pagiging maingay at magulo.  Natutulog nga iyan kapag sermon na ni Father tuwing misa eh. Kahit gaano ka pa ikaw ka-guwapo? Kalakas ang appeal at charisma? Kahit gaano pa kalakas ang dating mo pag dating sa mga babae, walang-wala pa rin kapag itinabi na kay Isaac. Applied Chemistry ang course at hindi lang on-court laging champion, pa na rin off-court. Mabuting tao pa. Hindi ko nga dapat sila ipinagkukumpara pero dapat malaman din ng mga tao na hindi lang si Wes ang dapat pume-perpekto. Pero, may nakapagsabi rin na hindi daw maayos si Wes at ang amain niya kaya gan’yan, pero sapat ba na dahilan iyon? Nakita ko na kung paano siya makipag-inuman, sa kanya ko lang napatunayan na hindi lahat ng taong nagsisimba ay mabait. Pero sabi ni Father, hindi magandang hinuhusgahan ang iba. Ngunit base sa mga nakikita ko kay Wes? Katotohanan iyon. At kung hindi ako nagkakamali, ay tatlong beses na yata siyang nag pabalik-balik sa kulungan dahil sa mga away na kinasangkutan. Naalala ko ang unang makita kong dinampot siya ng mga pulis, may binugbog siya ng lalaki sa may court malapit sa building namin. Hindi lang bugbog, kasi na-ospital ang lalaki at confine ang kailangan. Talagang nakakatakot siya makipag-away, bukod pa ang mga nakakakilabot ng guhit sa mismong katawan niya. Abogado ang tatay, kaya nagagawang makalaya. Maling simbolo si Wes para sa kabataan, hindi dapat nila makita ang bawat peklat ni Wes. Hindi dapat iyon tinatangkilik at ipinagmamalaki. “Girlfriend ni Isaac? Maganda… where are your friends by the way?” binulong ang kalagitnaang sinabi,  Nagkunot ako ng noo, totoo. At sa hindi ko nga malaman na paraan ay kung bakit kapag si Wes na ang nagsabi na maganda ang isang babae ay talagang maganda nga ito. Petite, maputi, sexy, cheerleader, matalino. Lahat na yata. Kung sigurong magiging lalaki rin ako ay talagang magugustuhan ko siya. Bagay talaga sila ni Isaac. Ngumiti ako. Kahit na may kaunting lukot ng puso ang nararamdaman ko ngayon. “Bagay sila? Sayang ba?” sabi ko, tagos sa puso. Nakuha ko pa ngang ngumiti. Hindi na sinagot ang huling tanong niya. Kita ko ang pagtaas ng gilid ng labi ni Wes nang sandali ko siyang lingunin, habang may dinudukot naman siya sa bulsa, naka-dekwatro, may itinapon siyang mga stick ng sigarilyo. “That should be the other way around…” tamad at pabulong na ulit niyang sabi, bumuntong hininga. “Paano mo naman nasabi?” dagdag niya, Humigpit muli ang hawak ko sa strap ng bag, wala akong ibang makita kundi sina Isaac at Ashi na kakarating lang sa tapat ng Chapel malapit sa Gym. Para siguro sumilong dahil mainit, nakita ko kasing sinusubukan pandungan ni Isaac si Ashi ng jacket niya. Masaya sila, at parang maguguho ang mundo kapag hindi sila magkasama.  Matagal ko na silang kilala, matagal ko ng kaibigan si Isaac pero dahil sa nararamdaman ko ay parang kakakilala ko pa lamang sa kanila. Sobrang layo na niya. Mula noong nag first year college kami, nakilala niya si Ashi at nagkaroon ako ng pagkagusto sa kanya, naging malayo na. “Pareho silang… maganda’t guwapo? Parehas mayaman…” inosente kong sagot, halos hindi marinig ang sarili ko, tulala lang. Humalakhak bahagya si Wes, ngunit walang bakas ng kasiyahan doon. Sinandal ang likod sa makapal na bakal at muling dumikwatro. “Gano’n ba? Dapat ba maging iba ka muna para magustuhan ka lang nila?” Wala ako sa sariling tumango, nakangiti pa rin dahil sa abot yata hanggang dito ang saya noong dalawa, pakiramdam ko ay masaya na rin ako kahit na may halong kaunting sakit. “Oh akala ko ba matalino ka?” komento pa niya, napabaling ako sa kanya na kunot ang noo rin at mababang nakatingin sa akin, tinatantya ako. Hindi makapaniwala sa sagot ko na parang mas may ine-expect pa siya na magandang sagot. At ako ba? Ako ba ang pinagsasabihan niya o ang sarili niya? Wala siyang pag-asa kay Ashi, iyong parang Isaac ang gusto niya, malayong-malayo si Wes doon at hindi siya kailanman papantay. “Buti na lang si Ashi ang napili niya.” bulong ko sa sarili, para na lang rin makaramdam naman siya kung nagbabalak man siya.  “Bakit? Natatakot kang maiwan ang bestfriend mo?” may pagyayabang, parang gusto kong mapikon, dahil hindi ko mahimigan ang pagbibiro. Parang seryoso siya sa mga sinasabi niya. Pero sabi nga ni Father, ang pinaka makapangyarihan na damdaming mararamdaman ng isang tao ay ang Pag ibig. Tipong pipiliin mo ang kasiyahan niya sa kabila ng lahat. Kayang-kaya ko ring kontrolin ito, at sa mga kasiyahan ni Isaac ay masaya na rin ako. Malakas na bumuntong-hininga si Wes, bumulong ng kung ano at sandaling nanahimik. Para siyang may kinaiinisan pero kailangan niyang ingisi na lang iyon at ipagwalang bahala. “So naïve… so innocent.” anito, luminga-linga sa paligid habang bumubuntong hininga. Tumikhim si Wes saka bumaling muli sa akin, parehas nanaman kami na nakatingin sa isa’t isa. Nakakainis, kapag masyadong kampante ang mukha niya. Para bang sigurado siya lagi na magiging kanya ang lahat.  Sa mga titig niya, nalaman ko kung bakit kinakabahan ang iba. Maging ako ay naapektuhan pero alam kong may inis ang akin. Guwapo nga, hindi naman maganda ang ugali.  “Kung iniisip mong mukha lang ang batayan at ang mayaman ay para lang sa mayaman, you have an ugly perspective right there Hope. Do not label yourself or the others as how you want them to be labeled, hindi dahil ganito ka lang ay dapat sa ganito ka lang din, there is no such thing as barrier when it comes to love, when you fall Hope that’s it, you fall.” Sandali, hindi ko iyon agad nahinuha. Bakit niya nga ulit ako sinasabihan no'n?  Napatunganga akong kusot ang noo, hindi ko alam kung maniniwala ba ako pero ang lalim. Na sa sobrang lalim ay para bang dapat ay maniwala ako.  Ang lalim na halos hindi ko mahinuha, hindi ko rin ma-imagine na ganito siya mag-isip, dahil mukhang mababaw naman sa kan’ya ang lahat.  Sa isang banda namangha ako. Okay din pala siya kung ganoon. Napaisip ako sandali sa mga sinabi ni Wes. Nanatili ang tingin ko sa ibaba habang inaalis ang kung anong sumasagi sa isip, nanikip ang paghinga ko bigla at parang ayaw ko sa pinag-uusapan namin. Tanggap ko ba talagang hanggang doon na lang kami ni Isaac? Kunot ang noo ko saka napabaling kay Wes nang tawagin niya ako sa second name ko. Hindi ko na pinansin ang pag tawag niyang pangit sa pananaw na mayroon ako. Gradeschool pa lang kami ay tawag niya na iyon sa akin. Hindi sa ayaw kong tawagin niya akong Hope pero karamihan sa mga taong hindi ko close, ay first name ang tawag sa akin. Siguro… ayaw ko nga. “Wala kang klase ngayon?” para lang mailigaw ang pinag uusapan. Naramdaman ko na, na may parang bumabagabag sa akin sa naging pag-uusap. Ramdam kong nakatingin pa rin siya sa akin hanggang ngayon kahit pa na sa Chapel pa rin ang mga mata ko, wala na roon sina Isaac at pumasok na yata sa loob. Sana ganoon na lang kadali, na kapag iniisip mong wala na, wala na talaga. Hindi ‘yong naghihintay ka na baka puwede pa. “Meron.” “Oh bakit ka narito?” Nagkibit-balikat siya, seryosong nakatingin sa kung saan. “I don’t know… either.” Napatahimik kaming dalawa, nilingon ko siya at seryoso siyang nakatingin naman sa akin. Ngayon ko lang yata nakita siyang ganito kaseryoso, kahit na seryoso naman siya madalas. Parang mas gusto pa sana siyang sabihin pero nilunok na lang niya iyon. Naalala ko iyong sinabi ni Ma’am Aina, crush niya raw si Wes. Talagang pinagpaguran raw ni Hesus ang paggawa sa kanya aniya. Ganito siguro niya tingnan ang mga babae, nakakalinlang. Akala mo seryoso. Ilang beses na kaya ang nabibihag ng mga matang ‘yan? At ano ba ang meron bakit parang pag nakikita nila para bang nahi-hypnotize sila. Tumikhim ako, inilayo ko ang tingin sa kanya at nagmuni-muni na lang. Sayang itong lalaking ito, kung matino lang talaga ay suwerte ang magiging girlfriend. Biruin mo? Baliw na nga sa kanya ang iba kahit pa gwapo at mayaman lang. Paano pa kung mabuting tao? ‘do not label yourself or the others as how you want them to be labeled’  agaran akong pumikit ng mag echo sa utak ko ang sinabi niya. “Hindi pa kami nakakaani ng mga daisies ngayon, siguro next week, pakisabi kay Lola Elena.” ngumiti ako kay Wes, saka tumayo para umalis. Paborito kasi ng Lola niya ang daisies. Iyon palagi ang dayo niya sa shop. Naglakad na ako palayo, “Hindi obvious na crush mo si Isaac ano?” Unti-unti akong napahinto sa paglalakad, una kong naisip ay may nakalimutan ba ako, at sa instinct na mayroon ako ay agaran akong lumingon. Sa gulat ko, nakita kong may hawak na maliit na journal si Wes na palagay ko’y akin. Nanlaki ang mga mata ko sa kanita, ini-scan niya pa ang bawat pahina ng notebook ko. “Hoy!” agad akong sumugod para kuhain iyon,  Ngunit, napasubsob lang ako sa dibdib niya, nang agaran niya ring itinaas iyon at patuloy na binabasa. Bahagya siyang ngumiti ngunit agad din na nawala. Porket walang-wala lang ako sa height, itataas niya lang iyon na parang wala lang. “Wes.” seryoso kong sambit, matakot man lang, medyo hinihingal na rin kakaabot. Para akong umaabot sa hangin.  Nahagip ng mga mata ko ang munting pag lunok at sulyap niya sa akin saka tumikhim. “You did well… you’ll always be the champion… for me” unti-unting humihina ang boses niya sa pagbasa.  Mabagal at nakangisi pa. Bahagyang gumalaw ang panga niya habang binabasa pa ang naroon at madali ko namang nabawi. “Ito ba 'yong natalo kami kasi wala ako? Nice penmanship you got there, and your drawings… also the calligraphy.” aniya, medyo parang nawala. Magkakampi pala sila noon, dama ko ang hangin. Siguro hindi pa rin ito maka-move on dahil natalo sila, umismid ako. Kunot ang noo ko at lumunok, kinakabahan. Malaki at well-built ang katawan niya pero ganoon ko lang kadaling nabawi sa kanya ang notebook. Humugot ako ng hininga at kinawayan siya para makapagpaalam. “Sige na, uwi na ako.” paalam ko, Pero tinawag niya ulit ako, habang lumalayo kami sa isa’t isa. Siya papuntang gym, ako naman ay palabas. “Hope!” Huminto ako at lumingon. “Usap lang kami ni Isaac.” nagbalik ang mapaglarong ngisi sa labi niya, dahil para muli akong mapahinto sa paglalakad. Habang walang kahirap-hirap naman siya na humahakbang para lapitan ang big bike niya na parang disgrasya lang ang hatid sa’yo. “Wes! Ano ba.” Tumatawa pa. “Don’t worry, your secret is safe with me.” nakakalokong tono, ngunit parang nahimigan ko ang kasiguraduhan doon.  Malaki ang ngisi niya nang paandarin ang motorsiklo. Mabilis niyang ipinatakbo iyon papasok ng school hanggang sa mawala na sa paningin ko.  --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD