Von is a handsome and kind. Tahimik at hindi marunong ngumiti. May sariling mundo, ika nga nila. Masipag at kahit anong trabaho ay pinapasok para mapag-aral ang nag-iisa niyang kapatid na si Hazel. Hanggang sa makilala niya si Yuri Porquez. Mayaman, maganda at halos lahat na yata ng katangian ng isang babae ay nasa kay Yuri na.
Binago ni Yuri ang madilim niyang mundo. Natuto siyang ngumiti at panandaliang nakalimutan ang masamang nakaraan na dinanas niya. Binigay ni Yuri sa kan'ya ang lahat. Pang-unawa at pagmamahal, pati na ang sarili nito. At dahil kay Yuri ay unti-unting lumiwanag ang madilim na mundo niya.
Handa na si Von na iwanan ang madilim niyang mundo para kay Yuri, ngunit natuklasan niya na ang babaeng minamahal ay may tinatagong sekreto. Sekreto na siyang wawasak sa puso at mundo ni Von.
Is the love would survive the hatred heart of Von?
Paano kung ang lahat nang nangyari noon ay isa-isang bumabalik sa ala-ala niya? At paano kung gusto niya rin ipaghiganti ang pagkamatay ng mga magulang niya using his own hands?
Mapipigilan nga ba ng puso ang galit at poot na nadarama niya na matagal na niyang kinikimkim?
Can Von survive his bad nightmare?