PROLOGUE

1179 Words
His Bad Nightmare Prologue 1994 Maganda ang bungad ng araw sa sandaling iyon. Ang mga ibon sa langit ay malayang lumilipad. Maaliwalas ang paligid, malamig ang simoy ng hangin. Sa isang malaking gusali ng SM Mega Mall ay lumabas ang mag-asawang Isabel at Aurelio Tan, kasama ang nag-iisang anak na lalaki–si Lucio na walong taong gulang. “Mommy, Daddy, kailan ulit tayo babalik dito?” Tanong ng bata sa mga magulang nito habang dinidilaan ang ice cream na hawak niya. That is the most beautiful day for Lucio. Araw-araw gusto niya na mamasyal kasama ang Daddy at Mommy niya. It makes him perfect kapag kompleto silang magkasama. Ngumiti si Aurelio sa anak. Ginulo niya ang buhok nito bago sumagot. “Anytime, anak. Basta hindi busy si Daddy sa trabaho. Alam mo naman busy masyado si Daddy sa negosyo natin lalo na ngayon na marami tayong investor.” “Ano po ang investor, Daddy?” Naguguluhan na saad ni Lucio. Muling napangiti si Aurelio. Masyadong malawak ang pag iisip ng kaniyang anak na halos lahat ng bagay na sasabihin mo dapat maintindihan niya, at kung hindi kukulitin ka nito. Ang asawang si Isabel na ang sumagot sa anak. “Anak, malalaman mo rin ang kahulugan niyon kapag dumating na ang araw na ikaw na ang hahawak sa negosyo namin ng Daddy mo. Ito lang naman ang ipapamana namin sayo. Dadating ang panahon na ikaw ang magiging heir ng Tan Enterprises.” Kumibit-balikat ang bata at patuloy na nilantakan ang ice cream niya. Habang sa sandaling iyon na naglalakad ang mag-pamilya sa gilid ng highway, ay tumunog ang cellphone ni Aurelio. Kaagad kinuha ng lalaki sa bulsa ang aparato at agad rin itong sinagot. “Hello?” Aniya. Mula sa kabilyang linya, sumagot ito, “Mr. Tan, how are you? Napagdesisyunan mo na ba ang alok ko sayo?” Tumiin ang bagang ni Aurelio sa narinig. Ang kausap niya sa kabilang linya walang iba kundi si Alek–pinsan niya at gustong agawin sa kaniya ang Tan Enterprises. Ayon kay Alek, gusto nito na bigyan siya ng share ni Aurelio. Pero iyon ay hindi ipapatupad ni Aurelio dahil gambler si Alek, babae at d**g p****r. Ayaw ni Aurelio na dungisan ang pangalan ng kaniyang mga magulang kaya hindi siya pumapayag sa gusto ni Alek na mabigyan ito ng share sa company. “My answer is still…no. At wala ka nang magagawa sa desisiyon ko, Alek.” Matapang na sagot niya sa kabila. Narinig niyang tumawa ang pinsan. Tawa na may dalang galit at…babala. Napahawak sa bewang ni Isabel si Aurelio habang napatitig naman siya sa anak na si Lucio na masayang kumakain ng ice cream habang naglalakad pa rin sila sa daan. “Hon, are you okay?” Tanong ni Isabel sa asawa. Ngumiti lang si Aurelio. “I’m sorry, I need to go, Alek–” “Wait!” Aurelio stopped walking. “Ano na naman ba? Hindi ka ba titigil?” “Hindi!” Alek shouted in anger. “Talagang matigas ang ulo mo, no? Alam mo, tayong dalawa lang naman ang magpamilya wala nang iba, bakit ayaw mo akong ipasok diyan sa companya mo? Alam mo masyado kang sakim, Aurelio!” “Hindi ako sakim, Alek. Ang gusto ko lang nasa maayos ang companya na iniwan ni Daddy sa akin. Pinaghirapan kong ibangon ang companya nang mawala ang mga magulang ko, at ayaw ko nang malugmok ulit ito! At isa pa, may sarili na akong pamilya, Alek, ang anak ko, siya ang magiging tagapagmana ng negosyo ko sakaling mawala na ako sa mundo!" Aurelio defended. “Masyado namang mababa ang tingin mo sa akin, Aurelio! Akala mo kung sino ka–” Hindi na natapos ni Alek ang sasabihin nang p*****n ito ni Aurelio ng telepono. “Let’s go, hon, uuwi na tayo.” Ani Aurelio sa asawa. Hinawakan niya ang kamay ni Isabel at Lucio habang tinutungo ang kotseng naka park. Pero hindi pa sila nakarating sa kotse nang biglang may dumaan itim na sasakyan. Tumigil ito–may lumabas na mga lalaki–armado. Tinutukan ng b***l ang mag-pamilya at hindi nagdalawang isip na paulanan ang mga ito ng bala. Si Isabel tinadtad ng bala ang katawan. Si Aurelio duguan habang pagapang na lumayo kay Lucio para mailayo ang anak sa mga bala ng b***l, subalit natamaan pa rin si Lucio sa binti. “Aaahhh! Daddy, Mommy! Help! Aaahh!” Anang kawawang bata na walang nagawa kundi bitawan ang ice cream, at takpan ng palad ang dalawang tenga niya. Nanginginig si Lucio, dilat ang mga matang nagpalipat-lipat ang tingin sa mga magulang na duguang humandusay sa sahig. Habang nasa ganoong tagpo si Lucio ay kitang-kita niya kung paano tadtarin ng bala ang katawan ng kaniyang mga magulang. Napaupo siya sa kalsada at napatulala–hindi naramdaman ang hapdi ng tama ng b***l sa kaniyang binti. All he can see is…his family dying and he has no strength to fight those killers. Huling nakita ng bata ay ang pagharurot palayo ng itim na sasakyan, at babaeng patakbo na lumalapit sa kaniya saka siya binuhat at inilayo sa lugar na iyon. Meanwile… Alek is watching news. He smirked as he hit the ciggarette. Nang pumasok ang mga taunan niya sa loob ng sala at naabutan siyang naka prenteng nakaupo sa couch habang may sigarilyo sa kabilang kamay at may hawak na isang bote ng alak sa isa pa. “Mission accomplished, Boss Alek!” Ani ng tauhan niyang si Brad na. Proud at nakangising hinihipan ang dulo ng b***l nito. Nagulat pa si Brad nang batuhin siya ng amo ng bote ng alak. Tinamaan siya sa ulo, umatras naman ang iba pa nilang kasama na bakas ang takot sa amo. Hindi nakontento si Alek, sinikmuraan at sinakal pa niya si Brad. Duguan ngayon ang bibig at ilong nito habang namimilit ito ng sakit. “What is the number one rule of assassin, idiot? Don’t kill if there’s a child nearby! At ano ang ginawa niyo? Ginawa niyo pa rin!” Again, he punched Brad right in the face. Sa gigil pa ni Alek, binunot niya ang sariling b***l at binaril sa tiyan si Brad. “Now, go ahead bago pa dumilim ang anyo ko at makalimutan kita!” Nahihirapang maglakad si Brad palayo kay Alek. Alam nito na hindi magdadalawang isip ang boss na itumba siya. Samantalan, bumukas ulit ng alak si Alek at agad itong tinungga habang pinanood ang balita. “Tomorrow is my greatest day of my life. I can do whatever I wanted to do. Lots of women, guns, cars and drugs are coming on my way. Dahil bukas ako na ang magiging hari ng Tan Enterprises.” Humalakhak si Alek sa tuwa. Binalingan ang isa pang tauhan. Si Gardo. “Ang bata, hanapin mo. Huwag mong patayin, itapon mo sa ibang lugar, nakuha mo? Kapag may tumulong sa kaniya, patayin mo ang tutulong. Bata lang naman iyan at wala nang magagawa pa kapag naging akin na ang Tan Enterprises.” Muli ay humalakhak si Alek. “The victory is mine.” Aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD