ELLIE
"Ellie. Let's go home, together."
I couldn't help but be surprised when he said that. Matagal pa akong napatitig sa kaniya. B-Bakit?
"H-Hindi pa ako sigurado kung makakauwi ba ako." Utal kong tugon.
"P-Pero... Okay." Napamaang ako sa mabilis niyang sagot. Tapos no'n ay bigla siyang tumayo at lumabas mula sa opisina.
Bigla akong napahawak sa dibdib nang maramdaman ang mabilis na pagtibok nito.
Damn! Hindi pwede 'to! Bakit ganito ulit ang nararamdaman ko?!
Inabot ko ang bote ng tubig na nasa lamesa ko at mabilis 'yong linagok. Pinipigilan ko rin ang paghinga ko dahil umaasa akong mababawasan nito ang matinding pagtibok ng puso ko. Pero hindi, walang nagbago.
"Damn!" Muli akong napamura dahil naririnig ko na ngayon ang pintig ng puso ko.
Ilalapag ko na sana pabalik sa lamesa ang bote nang bigla ko 'yong mabitawan dahil biglang bumukas ang pinto! Ang akala ko ay si Vic 'yon ngunit hindi. Pumasok ang nakangiting si Dave habang nasa loob ng bulsa ng coat ang parehong kamay.
"What's the plan?" Nagulat ako sa tanong niya. Nakahinga naman ako nang malalim dahil siya ang pumasok. Hindi kakayanin ng puso ko kapag biglang bumalik si Vic.
"H-Ha?"
"Sunday bukas, Ellie. Anong plano?" Saad niyang muli.
"I-I want to go h-home."
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon. Pambihira naman! Nakangiti akong tinitigan ni Dave ngayon ngunit may bahid ng pagtataka sa muka niya.
"Sa inyo? Tara!"
"Nevermind, Dave." Bawi ko kaagad sa sinabi.
"Ellie naman. Bakit mo pa sinabi kung aayaw ka kaagad??"
"Wag mo nang isipin 'yon. Ayaw ko na pala." Nag-iwas ako ng paningin.
"Ellie. Dali na!"
Napabuntong hininga na lang ako.
"Punta na lang tayong mall bukas, Dave. May bibilhin nga pala ako." Pagsisinungaling ko. Matapos no'n, hindi na siya nangulit. Napaupo na lang siya sa upuan na provided para sa pasyente. Inayos niya ang salamin sa mata at malungkot akong tinitigan.
"Tayo lang ba bukas?" Tanong niya ulit.
"Yup."
Tango lang ang sinagot niya. Maya-maya pa ay rinig ko ang pagbuntong hininga niya sabay suklay ng kamay sa buhok niya. May problema ba 'to?
"Are you okay?" Ako naman ang nagtanong.
"I guess so?"
"Come on, Dave. Spill it. What's your problem? What's on your mind?" Kilala ko siya. Ganiyan ang akto niya kapag may iniisip siya o may bumabagabag sa kaniya. Well, matagal ko na siyang kasama kaya kahit na ang pagkatulala niya ay alam ko na ang ibig sabihin.
"I-I-I.." Napahagalpak ako ng tawa nang tatlong beses niyang banggitin ang isang salita. Confirmed. May problema nga 'to.
"Stop laughing!" Singhal niya.
"O-okay. So ano nga?" Muli siyang bumuntong hininga. Sa pagkakataong 'yon, inalis na niya ang salamin sa mata at tumitig ng diretso sa'kin.
"Ellie, t-there's something I want to tell you." Oh? Ano na naman kaya 'to?
"Spill." Utos ko.
Muli siyang bumuntong hininga at tinitigan akong mabuti. Hindi mapirme ang kamay niyang nakapatong sa lamesa. Ano bang nangyayari sa kaniya?
"Ellie, I like–"
Isang malakas na tunong ng telepono ang pumugil sa pagsasalita niya. Nasulyapan kong napaikot pa ang mga mata niya. Bahagya kong inilihis ang katawan sa kaniya at dinaluhan ang teleponong malakas pa rin ngayong tumutunog.
"Hello, Dr. Saavedra speaking." Sagot ko sa tawag. Inalis ko muna kay Dave ang paningin.
"Hi, doc! This is nurse Mayumi. Patient from room number three is looking for you, doc."
Room three? Ah! Iyong 17 year old na pasyente ko ang tinutukoy niya. Bakit niya kaya ako hinahanap?
"Alright, pakisabi sa kaniya eh hintayin ako. Pababa na'ko. Salamat."
Matapos kong sabihin 'yon ay agad kong ibinaba ang telepono at tumayo na para bumaba. Hinablot ko muna 'yong cellphone kong nakapatong sa lamesa dahil baka makalimutan ko pa 'to. Pero teka, may sasabihin nga pala si Dave.
"What is it again, Dave?" Itinuon ko ulit sa kaniya ang paningin. Nakaupo pa rin siya ngayon habang nasa mga kamay ang kaningin. Ano bang meron diyan sa mga kamay niya?
"Nothing, Ellie." Nothing? Ako pa talaga ang inuto.
"Nothing your face. May sinabi ka kanina. You like what?"
Sa pagkakataong 'yon, inilipat na niya sa'kin ang paningin at ngumiti ng malaki. He's weird. Anong nangyayari sa kaniya?
"I like coffee. Kape tayo mamaya."
Matapos niyang sabihin 'yon ay tumayo na siya at inilagay ang isang kamay sa bulsa ng coat niya habang ang isa naman ay inangat niya para akbayan ako. Nginiwian ko na lang siya dahil hindi ko talaga siya maintindihan. Bakit napunta sa kape ang usapan? Naalala ko tuloy 'yong kwento niya tungkol do'n sa doktor na kasama niya sa opisina. Nahawa na ba siya do'n? Hay!
Nang makababa kami ay nagpaalam si Dave na magkakape na muna siya sa cafeteria. Samantalang ako ay dumiretso na sa room three. Pagkapasok ko do'n ay nakangiting muka kaagad ni Jadz ang sumalubong sa'kin. Yes, her name is Jadz.
"How do you feel?" Bungad na tanong ko.
"Ayos lang ako, doc." Nakangiti niyang tugon.
"That's good! So bakit mo ako hinahanap?" Tanong ko nang makalapit ako sa kama niya. Bahagya pa akong umupo do'n.
"Because I want someone to talk to. May oras ka naman para sa'kin, diba? Hindi ka naman busy, right?"
I smiled.
"Palagi akong may oras at maglalaan ng oras para kausapin ang pasyente ko."
Napangiti siya. Ngunit ang ngiting 'yon ay unti-unting nawala kasabay ng pagtungo niya. May dinadamdam siya, alam ko.
"I guess, you have a story to tell. Makikinig ako." Saad ko matapos hawakan ang mga kamay niya.
"Alam mo naman kung saan ko nakuha 'tong sugat ko, right?"
Tumango ako. May malaki at malalim kasi siyang sugat sa binti. Nagkaro'n siya no'n dahil sa yerong lumipad sa kaniya habang tumatakbo siya. Ayon ang kwento sa'kin ng mga magulang niya.
"Ang alam lang nila ay lumipad sa'kin 'yong yero. Pero hindi nila alam kung ano talaga ang nangyari. Sa'tin na lang 'to dok, ah?" Tumango ulit ako. Napabuntong hininga naman siya.
"Iniwan na nga niya ako, nag-iwan pa ng remembrance sa katawan ko." Tatawa-tawa niyang sabi ngunit may bahid pa rin ng lungkot ang boses. Hindi ako sumagot. Nakikinig lang ako.
"Gabi kasi no'n. Tapos madilim. Hinahabol ko 'yong boyfriend ko kasi nakita ko siyang may ibang babaeng ka-date. T-Tatlong taon na kami dok eh. B-Bakit niya ako nagawang lokohin?"
Sa pagkakataong 'yon, napahagulgol na siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Napakalakas ng pag-iyak niya.
"Shhhh. Tahan na." Tanging nasabi ko.
"I-I love him. Kahit ngayong nalaman k-ko na may b-babae siya. M-Mahal ko pa rin siya, dok. Mahal ko siya at akala ko eh mahal din niya ako." Saad niya ulit. Naaawa ako sa kaniya.
"Alam mo, Jadz, hindi naman kasi lahat ng akala natin ay totoo. Minsan, may mga bagay na dumarating nang hindi natin inaasahan. Baka hindi lang talaga kayo para sa isa't-isa."
Sa sinabi kong 'yon, mas lalo siyang humagulgol. Nataranta naman ako kaya bigla akong napatayo at hinagod ang likod niya.
"Bata ka pa naman, madami ka pang makikilala." Payo ko na lang.
"Pero siya ang gusto ko!" Napabunting hininga ako. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya. Ganitong ganito rin ako no'ng mga panahong kakarating ko pa lang sa US. Ganitong ganito rin ang mga linyahan ko kapag pinapayuhan ako ni tita Mildred.
'Gusto ko siya'
'Mahal ko siya'
'I want him back'
Ilan sa mga linyang naalala ko. Ang pinagkaiba nga lang namin ni Jadz, hindi ako naghabol. Hinayaan ko si Vic na talikuran ako. Tinanaw ko lang siya habang naglalakad siya palayo sa'kin.
"Hindi lahat ng gusto mo ay kaya mong makuha, Jadz. Lalo pa't siya na ang gumawa ng paraan para iwan mo siya. He's not the right man for you."
Matapos kong sabihin 'yon habang hinahagod ang likod niya ay dahan-dahan niyang inangat ang ulo at itinuon sa'kin ang paningin. Namumula na ang mga mata niya.
"Dok." Mahina niyang saad.
"He's just a lesson, Jadz. Learn, accept, and be happy dahil may natutunan ka sa kaniya. Hindi naman kita pinipilit na mag move on kaagad o kalimutan siya. Mahirap 'yon. Napakahirap."
"D-Dok."
"Just move forward. Harapin mo ulit ang bagong umaga kahit na wala na siya. Maging masaya ka ulit. Buoin mo ulit ang sarili at puso mo dahil walang ibang gagawa no'n para sayo."
Natulala siya sa mga sinabi ko. In just a glimpse, namalayan ko na lang na nakayakap na siya sa'kin habang umiiyak. Napangiti naman ako at niyakap siya pabalik.
"T-Thanks, dok." Humihikbing saad niya.
"Hmm."
Hindi ko man nararamdaman kung ano ang nararamdaman niya ngayon, alam kong masakit ito. Masakit maloko. Masakit maiwan. Pero mas masakit kapag hindi ka pinaniwalaan at pinakinggan ng taong akala mo ay papaniwalaan ang lahat sayo.
Masakit pa rin talaga.
*****
Binitbit ko na 'yong bag ko dahil tapos na ang shift ko para sa araw na 'to. I was about to leave nang biglang tumunog ang phone ko.
Unknown calling...
Nangunot ang noo ko nang makitang unknown ang number. Inilapag kong muli ang bag sa lamesa at sinagot ang tawag. Sino kaya 'to?
"Hello?" Sagot ko.
"Hello, baby!"
Bigla akong natulala nang marinig kong muli ang boses niya. Paano niya nalaman ang number ko? It's been 18 years magmula nang huli ko siyang nakausap.
"Kamusta ka, anak?
Si mama.