ELLIE
May mga bagay na bago mo husgahan, kailangang alam mo muna ang lahat tungkol do'n. Vic was wrong that's why humingi siya ng tawad kay Alexandra. Mula sa mga oras na 'yon, naging maayos ulit kami. It was as if my memories was bringing me back to the past when he smiled at me every time we met. It was nostalgic being with him.
Ilang linggo mula nang makalabas si Alexandra ay nabalitaan na lang namin na nagsampa siya ng kaso do'n sa ex-boyfriend niya. I think that's a good decision.
Halos isang buwan na rin kaming nandito sa Pinas nang maalala ko na hindi pa pala ako nakakabalik sa probinsiya namin. Ang pagkakatanda ko ay fiesta na next week. Wala kasi akong pinagsabihan na bumalik ako rito para sa trabaho.
"Tired?" Kasalukuyan kaming naghuhugas ng kamay ni Dr. Min dahil kakatapos lang ng surgery namin.
"Yup! But I'm okay, doc." Nakangiti kong sagot sa kaniya.
"Tomorrow is sunday, right? You guys can relax. That's your day off." Bigla kong naalala, linggo na nga pala bukas. Ang bilis talaga ng oras kapag masyado kang abala.
"I wish I can relax, doc." Natawa siya sa sinabi ko. May nakakatawa ba ro'n? Nilingon ko siya pero nasa gripo pa rin ang paningin niya.
"Are you not able to rest? Is your brain too busy thinking about things?" Tanong niya. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam.
"I don't know, doc."
"God ma-eum-ui pyeonghwaleul chaj-eul su issgileul balabnida." Napalingon ako nang marining kong nag salita siya gamit ang lengguwahe niya. Minsan ko lang siyang narinig na mag-Korean!
"I-I can't understand you, Dr. Min. I can't understand Korean."
"I said, I hope that you will find your peace of mind soon. Take care, Dr. Saavedra."
I hope so, Dr. Min.
Matapos niyang sabihin 'yon ay agad siyang nagpunas ng kamay at iniwan na ako. Natulala naman ako sa malakas na agos ng tubig mula sa gripo. He's amazing! Manghang-mangha pa rin talaga ako tuwing magsasalita siya.
Lumabas na rin ako sa silid na 'yon matapos kong maghugas ng kamay. Agad akong dumiretso sa locker room. I need to change.
I just wear a white top paired with my high-waist beige trousers and 2 inch nude heels. I also put a powder on my face, a lipstick and I'm done. Tinitigan ko muna sandali ang sarili sa salamin. Nang makuntento ako ay isinuot ko na iyong coat ko at agad na lumabas ng locker room.
Habang naglalakad ay nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya dumaan ako sa hallway kung saan merong vendo machine para sana kumuha ng apple drink.
Agad akong napakapa sa bulsa ng coat ko nang marating ko ang vendo machine. Ilang sandali pa, bigla akong napatampal sa noo nang wala akong mahagilap na coin doon. Malas! I was about to leave nang biglang may magsalita sa likuran ko.
"Matagal ka pa ba diyan?" That voice. Damn! It's him!
"A-ah ikaw pala." Ayon na lang ang naisagot ko sabay hawi sa buhok ko. Hindi ko alam pero nahihiya ako!
"Anong kukunin mo?"
"W-wala. Napadaan lang." Napapikit pa ako nang sabihin 'yon. Nakakahiya kapag nalaman niyang wala akong coin!
Ano ka ba naman, Ellie? Doktor kang tao pero wala kang coin? Pambihira!
"Ah."
Nang umalis ako sa harap ng vendo machine ay naglakad naman siya papunta sa harap no'n. Dahan dahan lang ako sa paghakbang habang nakatalikod siya para hindi niya ako lingunin. Nakatakong ako! Natural na iingay ang buong hallway kapag tumakbo o nagmadali ako!
Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong hakbang ang nagawa ko nang bigla akong napahawak sa dibdib ko dahil bigla niya akong tinawag. Gosh!
"W-what?"
Ngunit nagulat ako nang pagkaharap ko ay may ibinato siyang isang can ng drink. Mabuti na lang at nasalo ko kaagad 'yon. Dahil kung hindi, may bukol na ngayon ang noo ko. Napatingin naman ako sa can. Apple drink.
Bakit?
Nagtataka ko siyang tinitigan sabay angat sa can. Tingin ko ay nakuha niya naman ang gusto kong iparating dahil kita ko ang pagtawa niya.
"That's for you, Ellie. That's your favorite drink, right?" Nakangiti siya habang sinasabi 'yon. Naalala niya pa rin pala?
"Y-Yeah? Pero para saan? Hindi naman ako nanghingi." Natawa ako nang bigla siyang nagkibitbalikat.
"We're now okay, right? Think that as a treat from your old friend."
Old friend. Yeah. Old friend.
"Okay. Thanks, my old friend." Pinagdiinan ko 'yong 'old friend'.
"Una na ako sa opisina." Paalam ko.
"Sabay na tayo. Doon na rin naman ang punta ko." Saad niya sabay lakad ng mabilis papunta sa'kin at nginitian ako.
Nang nasa tabi ko na siya ay hindi ko napigilang mag-panic. Hindi ko alam kung ang kaliwang paa ko ba ang una kong ihahakbang o ang kanan. Hindi mapakali ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung saan ko ito ilalagay. Kung sa bulsa ba ng coat ko, sa baywang ko, o itatago sa loob ng coat ko. Hindi ko rin napigilan ang panginginig ng kamay ko na nakaangat habang nakahawak sa can kaya ibinaba ko muna 'yon dahil baka mapansin niya.
"Ellie?" Nagulat ako nang bigla siyang pumitik sa harapan ko.
"Ha?"
"Ba't ka natulala diyan? Tara na!" Wait, natulala ako? Pambihira naman!
Nagsimula na kaming maglakad. Tulad nga ng nasa isip ko kanina, nag-panic pa ako kung anong paa ang una kong ihahakbang! Mabuti na lang at hindi niya 'yon napansin. Kahit pa magkasama kami sa iisang opisina o ina-assist ko siya sa operating room, hindi pa rin nawala sa sistema ko ang makaramdam ng pagkailang kapag kasama siya. Siguro nga ay wala na talagang magbabago ro'n.
Mas lalo pang naging awkward ang pakiramdam ko ngayon dahil ang tunog ng paglagok niya sa iniinom at ang tunog ng heels ko lang ang nagsisilbing ingay habang naglalakad kami papunta sa opisina namin. Hindi ko alam kung nasaan 'yong mga pasyente. Bakit hindi ko marinig ang ingay nila?
"Ellie." Ilang sandali pa ay binasag na niya ang katahimikan.
"Yes?" Sagot ko kaagad. Napalingon pa ako sa kaniya at nakita kong ang paningin niya ay nakatuon lang sa nilalakaran namin.
"Fiesta na sa probinsiya natin next week diba? Uuwi ka ba?" Lumagok siyang muli sa iniinom matapos niyang itanong sa'kin 'yon.
"Hindi ko alam." Diretso kong sagot.
"Alam ba ng parents mo na nandito ka?" Tanong niyang muli.
"Hindi."
Natigilan siya sa paglalakad kaya tumigil din ako.
"Bakit?" Taka kong tanong.
"Hindi nila alam? Hindi ka ba tumawag sa kaniya?" Kunot noo niyang tanong.
"Hindi. Matagal na'kong hindi tumatawag sa kanila." Sagot ko na lang at nagpatuloy na sa paglalakad. This is the first time na may nakausap ulit ako tungkol sa mga magulang ko.
"I see. Hindi na ako magtatanong." He never change. Ganiyan na ganiyan ang kilala kong Vic noon. Hindi na nagtatanong pa basta pamilya ko ang pinag-uusapan.
Ininom ko na muna 'yong drink na ibinigay niya sa'kin dahil pakiramdam ko ay mas nanuyo ang lalamunan ko. Patuloy lang ako sa paglagok nang muli siyang nagtanong at naging dahilan 'yon ng pagkasamid ko.
"Eh kayo ni Dr. David. Ilang taon na kayo?"
What?!
Pinunasan ko ang bibig dahil sa natapong drink. Mabuti na lang at hindi 'yon umabot sa coat ko.
"Are you okay?" Nag-aalala niyang tanong. Tumango naman ako sabay taas ng hinlalaki ko para ipaalam na ayos lang ako.
"H-Hindi ko lang inaasahan 'yong tanong mo."
"Bakit? May mali ba do'n?" Napakamot pa siya sa ulo niya.
"Kaibigan ko lang siya."
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala. Bakit ba kasi niya naisip na boyfriend ko si Dave?
"Akala ko kasi.."
"Hindi. Close lang talaga kami." Tatawa-tawa kong sagot. Napakamot ulit siya sa ulo niya. Nahiya siya bigla.
Hindi nagtagal, nakarating na kami sa opisina. Dumiretso na ako sa table ko at agad na naupo at isinandal sa upuan ang likod. Napagod ako.
"Thanks nga pala ulit dito." Saad ko sabay angat ng drink na ibinigay niya. Nginitian niya lang ako at naupo na rin siya sa upuan niya sabay buklat ng libro.
Inilabas ko naman ang phone ko para i-check kung may message ba si tita Mildred pero wala. Wala akong natanggap mula sa kanila. Nakasimangot kong inilapag sa lamesa ang cellphone ko at napasulyap kay Vic. Nagulat ako dahil nakatingin siya sa'kin ngayon. Luh?
"Ellie." Tawag niya. Ano na naman 'to? Kinakabahan ako!
"Hmm?"
"Are we okay?" Natigilan ako sa tanong niyang 'yon.
Are we okay? I don't know.
"Yes." Pagsisinungaling ko.
"Good." Nakangiti niyang sagot tapos ay ibinalik na sa libro ang paningin.
Are we okay? Tanong kong muli sa sarili. Pero parang hindi gano'n. Hindi 'yon ang saktong tanong para sa sarili ko.
Am I okay? Ito. Ito dapat. Okay pa ba ako? Kaya ko ba pa 'yong sakit tuwing nandiyan lang siya sa paligid ko? Kaya ko ba bang 'wag balikan ang nakaraan habang nakatitig ako sa mga mata niya? Napabuntong hininga na lang ako habang iniisip ang mga 'yon. Ngunit nagulat ako nang tawagin niya akong muli.
"Ellie. Let's go home, together."