Chapter 15: Make it last

1083 Words
Hindi pa gaanong lumalalim ang gabi ay napansin niyang lasing na lasing na si Alex. Si Megan naman tapos na sa pagpeperform at masyadong busy na ito kay RJ ng nasa loob na ng VIP. Pansin ko parang walang pakialam na ang dalawa sa mga taong nakapalibot sa kanila. Hinayaan nalang din niya ang mga ito at alam naman niyang pinagbibigyan lang ng kaibigan ang sariling nararamdaman. Masyado naman kasing obvious ang dalawa na may nararamdaman sa isa't isa. Napansin din niya ang nasa tabing si Billy kanina. Milagro yatang hindi din ito nakabuntot kay RJ. Busy lang itong nakikipag-usap kay Ken. "Ayoko na!" Napasigaw si Alex at bigla itong napaiyak at maya mayay napahagulhol habang iniisa isa nitong sinabi ang lahat ng hinanakit. Biglang napabaling ang atensyon ng lahat dito. Humihikbi pa ito habang binibigkas ang mga hinanakit nito sa babaeng minamahal. At nasa huli ang pagsisisi nito. Sa kabila pala ng napakagwapong mukha at successful nito ay meron din pala itong pinagdadaanan. Hindi niya napansin nabasa na pala ng mga luha ang mga mata niya matapos marinig ang mga hinanakit mula rito habang nakatitig ritong humihikbi. Ramdam na ramdam niya mga hinanakit nito at ang guilt na nararamdaman dahil sa babaeng minamahal. Maya mayay pinahid niya ng kamay ang mga luha sa kanyang mga mata. Bigla naman napabaling ang atensyon niya kay Billy na hindi niya mawari ang expression ng mukha nito dahil dim light lang ang tanging ilaw na naroroon. Bigla nalang bumilis ang t***k ng puso niya. Pero pilit niyang inignora. Maya mayay nagpaalam si Ken, matapos nitong dinamayan ang hinanakit ni Alex. Hinagod hagod nito ang likod ng huli para mahimasmasan. Sobra na kasing lasing ito. Pinipigilan ito ngunit ayaw na magpapigil. Maya maya ay bigla ng tumayo si Alex pupunta daw ng C.R. Pinagmasdan lang niya itong maigi dahil bumubuway na ang tindig nito dahil sa kalasingan. Siya rin naman medyo hilo na rin. Pinagmamasdan lang niya ito habang palapit sa pinto. "Where are you going?" Bigla na rin tumayo si Billy at napasunod rito. Medyo nagulat pa siya ng natumba ito sa may paanan niya malapit lang kasi siya sa may pintuan nakaupo. Kaya naman mabilis niya itong inalalayan at pilit itinatayo. Ang bigat naman nito. "Mel?" Anito na nakatingin sa kanyang mukha. At hinaplos bigla nito ang pisngi niya. Nakaramdam siya ng init, dahilan yun sa lasing talaga ito. Nakita niyang maluha luha pa ang mga mata nito. Hindi niya mawari kung maaawa ba siya rito. Dahil lang sa pag-ibig kaya nagkakaganito ito. Nang maramdaman niyang may tumulong kay Alex na mapatayo ito. Kita niya si Billy, inalalayan nito si Alex hanggang sa ipinaakbay nito ang mga braso kay Billy. Kaya naman siya ay mabilis din na pumakabilang akbay kay Alex para hindi ito mawalan ng timbang. "Alright! Lets go na." Ani ni RJ na tumayo na rin kasunod si Megan. "Guys kayo na bahala kay Alex okay. Kasabay ko rin naman umuwi si Megan." "Wait-" ani Alex na kahit lasing na lasing na ay pilit paring tumayo na mag-isa. Maya maya namay bumuway ang lakad nito kaya nararamdaman niya ang bigat nito. "Sige Buddy ingat kayo." Tanging nasabi ni Billy nang inaakay na namin si Alex palabas ng VIP room. "Kayo rin." Ani naman ni RJ na naiwan sa loob ng VIP kasama si Megan. "I need restroom." Ani ni Alex na parang maduduwal na. Napapabuntong hininga naman si Billy sa kabila parang naiinis na ito. Ngunit hindi naman nagduwal si Alex bagkus umiiyak lang ito sa kasasambit kay Mel. Samantalang siya nabibigatan na kay Alex dagdag pa na lasing ito kaya dumuble ang bigat. Hindi niya napigilan at nawalan talaga ito ng timbang na ikinainis ni Billy. Kaya naman natumba ito sa sahig. Malapit na din naman sila sa may entrance. "Ano ba naman Mikey, para ka naman kasing hindi lalaki." Ani ni Billy na naiinis. Bigla naman nagpanting ang tenga niya sa narinig. Gusto niya sanang resbakan ito ngunit nagpumilit tumayo ni Alex at muling natumba this time nasama siya nito sa pagtumba at nadaganan pa. Parang halos hindi siya makahinga dahil sa buong bigat nito. Walang babalang may dalawang taong bigla nalang humatak rito at pinagtulungang kargahin. Tumayo naman siya at sumunod kina Bugart at Billy na nagtulungang kargahin si Alex. Medyo nahihilo na rin kasi siya dahil sa mga ininom. Hindi niya mawari kung paano sila nakarating sa may parking lot at naramdaman niya ang malamig na hangin sa labas. Narinig nalang niyang nagpasalamat si Billy kay Bugart ng makita niyang nakahiga na sa may passenger sa likod si Alex na parang nagdidiliryo. Nakapikit ito habang nagsasalita at may luha pa ang mga mata. Pero atleast presente na itong nakahiga. Samantalang siya ay ayaw niyang kausapin si Billy kaya naman nagpunta siya sa kabilang direksyon kung saan may taxi siyang masasakyan. Ayaw niyang ihatid siya nito at nanggigigil talaga siya sa inis rito kanina. "Mikey!" Tawag nito ng malingonan niyang isinarado na pala nito ang pinto sa may passenger seat kung saan nakahiga si Alex. Binaliwala niya ang pagtawag rito basta tuloy tuloy lang siya sa paglayo at paghahanap ng masasakyan. Hanggang sa medyo napalayo na siya at alam niyang nasa kabilang side lang siya at highway na iyun kung saan may marami ng sasakyan ang dumaan ngunit sa oras na ito ay madalang na kahit anong pilit niyang pumara wala talagang humihinto. Kaya sinipat niya ang cellphone sa suot niyang jeans. Hindi niya makapa ito. Maging sa kabilang bulsa wala din. Maging sa bulsa ng suot niyang jacket wala rin. Nasaan na kaya iyun? Medyo malabo na rin kasi ang ulirat niya dahil sa lasing na rin siya. Kaya naman sinipat nalang niya ang oras sa suot na relo sa may kaliwang kamay. Inaninag pa niya ito sa may poste ng ilaw na naroroon dahil medyo malabo na ang paningin niya. Nakita niya mga nasa bandang alas4 na yata ng umaga ang relo niya kung hindi siya nagkakamali. Bigla niyang naalala ang inis kay Billy talagang isinusumpa niya ang huling araw na makita ito. Sana naman hinding hindi na ito magpapakita pa ulit sa kanya. Make it last! Tanging naisambit niya sa sarili ng biglang may sasakyan na huminto sa harapan niya. Magpapasalamat sana siya at may masasakyan na siya ngunit familiar ang isang sasakyan na Hilux na kulay gray ang huminto para sa kanya. Kaya naman biglang simangot ng mukha lang ang binigay niya ng binaba ng driver nito ang bintana. Nakita niyang seryoso din ang mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD