Nagising siya kinabukasan ng maaga. Talagang tuluyan ng mabuti na ang kanyang pakiramdam di tulad ng kahapon. Kaya naman ngayon sasamahan na muna niya ang Tita niya sa tindahan.
Nasa loob na siya ng kanilang boutique ngayon at inaasikaso ang iba nilang mga tasks may dumating din kasing cargo mula sa Thailand. Mga pabango, damit at beauty products. Isinalansan niya ang mga ito sa mga shelves. Samantalang ang tita niya ay ang pagdidilig ng mga halaman nito ang inatupag at pagtatanggal ng mga sirang dahon.
Nasa kalagitnaan siya ng pagtatrabaho ng mag ring ang cellphone niya. Si Megan ang tumatawag. Sinagot niya ito at dali dali niyang hinanap ang ipod saka inilagay sa tainga ng mahanap niya ito sa kanyang pouch.
"Hello, Dai nagchat ako sayo di ka naman nagreply." Bungad nito ng sagutin niya.
"Hello, Dai. Ano kasi busy ako."
"Kumusta ka na?" Anito sa kabilang linya.
"Okay na naman heto nag-aasikaso ako sa boutique namin."
"So ibig sabihin makakapunta ka na ulit mamayang gabi dito?"
"Hindi na muna sa ngayon dai. Marami pa akong aasikasuhin." At baka makita ko na naman yung onggoy! Hindi nalang niya sinabi ang nasa isip at baka tuksuhin na naman siya ng kaibigan.
"Sige, sige dai. Pero sa Sunday pumunta ka ha, at darating daw 'yung kaibigan nila galing sa Bicol."
"Hindi ako sure Dai ha? Pero pag may time ako pupunta ako."
"Mikey naman." Ungot nito.
Naibilog niya ang mga mata.
"Alam ko naman kung bakit ayaw mong pumunta ulit dito. Kaya nga sa Sunday nalang at huwag kang mag-alala at huling beses mo na siyang makita promise." Alam niyang napangisi ito sa kabilang linya. At alam niya kung sinong siya ang tinutukoy nito.
"Di nga Dai at may aasikasuhin pa ako, marami at syaka wala akong lesensya ngayon baka mahuli pa ako pag may mga harang kung labas ako ng labas paggabi."
"Aynaku Dai magtaxi ka nalang. Sige na please?" Ang haba pa ng please nito na parang nagmamakaawa pa.
Kaya naman napabuntong hininga siya. At umuo nalang. Ano pa bang magagawa niya kundi umuo, ang babaw naman kasi ng dahilan niya na walang lesensya. Syempre nga naman eh deh magtaxi siya. Masyado lang talaga siyang obvious na may iniiwasan. At yun ay si Billy. Takot siyang ma bully na naman nito.
Ows???? Ani na naman ang pasaway niyang isip. Ayaw niya ba talagang makita si Billy? Kagabi nga lang laman ng isip niya ang binata dahil namimiss niya. Tapos ngayon iniisip na naman niyang iwasan. Hayst kagulo naman talaga ng utak niya. Pero sa totoo lang andoon yung feelings niya na gustong gusto niya itong makitang ulit. Bakit kaya hindi na ito napasyal ulit sa bahay nila? Kalaunan sinaway niya pa rin ang sarili sa iniisip.
Araw ng Martes pa naman ngayon malayo pa ang Linggo malay at baka hindi pa talaga siya matuloy. Pero andoon yung kahungkagan na mararamdaman niya talaga. For sure!
Ang bilis lumipas ng mga araw. Linggo ng umaga na ngayon at nagchat ulit si Megan kung tutuloy pa ba siya. Kaya naman go mo na siya rito.
Kinagabihan pagkatapos ng hapunan nila ng Tita niya ay agad na siyang nag-ayos. Sinimplehan nalang niya ulit. Di bale na magmukha ulit siyang tomboy sa paningin ni Billy. Hindi nalang niya papansinin ulit ito. Total huling encounter nila ay inis na inis talaga siya rito.
Nagtaxi nalang siya papunta ng The Hangouts at karerenew niya lang ng lesensya noong Byernes at isang linggo pa bago makuha iyun. Pagkarating niya sa lugar at pumasok na siya sa loob ng The Hangouts ay nakita niyang nagpeperform pa si Megan. Ngumiti ito ng makita siya mula sa intablado. Kumaway pa siya rito at ngumiti. Kaya naman ang waiter na nakakilala na sa kanya ay agad siyang pinasunod nito at sinabing dumiritso na siya sa VIP.
Pagkapasok niya sa loob ay andoon na sina RJ at Billy. Nag Hi pa siya sa mga ito. Si RJ lang ang ngumiti at gumanti. Pero si Billy milagrong yatang hindi siya pinapansin pero nagkatitigan lang sila at sabay pa silang nabaling ang tingin sa bagong dating. Si Alex. Pansin niyang mukhang wala yata ito sa mood. Parang haggard na haggard. Nag Hi guys lang ito saka tumabi sa pag-upo kay Billy na nasa dulo. Tinatanggal pa nito ang neck tie na parang nasasakal at walang babalang nagsalin ng inumin sa baso at mabilisang linagok ang laman. Parang galing pa yata ito sa opisina nito at baka masyadong stress kaya nagkakaganyan.
Napatigil siya sa pagmamasid kay Alex ng matalim siyang tinitingnan ni Billy. Kitang kita niya ang parang naiinis na mga mata nito.
Bakit kaya? Pero inignora niya iyun at inirapan lang itu. Kaya naman sa cellphone nalang siya nakatoon at nerereplyan ang mga chats ni Clark. Kanina pa pala ito nagchachats at palagi nalang nangungumusta.
Maya mayay ramdam niyang sinalinan siya ng inumin at inilapag ang baso sa harapan niya pero hindi niya pinansin kung sino ang nagbigay ng inumin sa kanya nagpasalamat lang siya ng hindi tumitingin dito at busy busy han lang muna siya sa cellphone. Pag wala pang reply si Clark mag-e-scroll nalang siya sa f*******:. Para hindi niya mapansin si Billy. Bakit kaya naiinis ang gagong ito sa kanya? May saltik ba ito sa toktok? Bahala na nga ito at wala siyang paki. Hintayin nalang niya si Megan.
Nasa kalagitnaan sila ng pag-iinum ng dumating ang hinihintay nina RJ. Si Ken. Napa Apa ka Gwapo din pala nito. Artistahin din. Bakit kaya lahat ng mga kaibigan nila RJ ay ang gagwapo?
Mukhang galing to sa gyera at di maganda ang hitsura nito ng makipag punch fists sa kina RJ, Billy at Alex. Parehas ng hitsura sa huli parang may dinaramdam. Napabaling ulit ang tingin niya kay Alex pagkarating nito ay parang ginawang tubig lang ang alak.
“LDR ka na pala ngayon RJ?” Ani ni Ken na umupo sa tabi ni RJ. "Milagro yatang wala kang ka-date sa pakikipagkita sa amin ulit at ang cellphone mo ang inaatupag mo?” Anito saka nilagok ang alak na ibinigay ni Billy rito.
Nakikinig lng siya sa mga ito at nag-e-scroll lang sa f*******: kunwari.
“Anong wala?” Ani ni Billy na biglang sumabat sa usapan. “Anong una mong napansin pagpasok mo dito Ken?”
Napaisip naman si Ken. At maya maya bigla itong nasamid at napatingin sa kina Billy at RJ.
“Oh di bah? Gets mo na agad.” Ani ni Billy. “Hindi yan pwedeng mawalan, si RJ pa? Pero ang sabi naman hindi raw. Wala naman daw silang relasyon pero." Sabay bulong nito kay Ken.
Napaismid siya dahil bigla siya nagmasid. May pa bulong bulong pa talaga. Nakapa chismoso!
“Hanep ah?” Sabi naman ni Ken. Saka sumiplat ito kanya na ikinaismid naman ni Billy at biglang bumusangot ang mukha nito.
“Ewan!” Ang tanging nasagot nito at nagpatahimik saka umupo nalang ulit at sumimsim ng alak.
Abat! Kaya naman kumalma siya sa inasal nitong parang gago!