Chapter 13: Missing Him

1040 Words
Nagising siya bandang alas nuebe ng gabi. Medyo mabuti buti na rin ang pakiramdam niya. Nakatulog pala siya ulit pagkapasok niya kanina, nang iniwan niya si Billy sa sala dahil sa inis. Pagkalabas niya ng kwarto ay wala ng Billy at ang Tita Pat niya ay tapos na ring makapagluto ng hapunan. Alas 8 kasi ito nagseserado ng tindahan. "Gising ka na pala. Kain na. Kumusta pakiramdam mo?" Anito ng makita siya habang inihahanda ang mga pagkain sa lamesa. "Alas 5 serado ako nakauwi at nag-alala ako sayo. Kaya pag-uwi ko rito nadatnan ko pa yung kaibigan mong si sino ba iyun? Si Pogi!" "Si Billy!" Paos pa boses niya sabi rito. Pupungas pungas pa siyang dumulog sa mesa na may mga pagkain na. "Okay na po ako Tita." "Oo, 'yun." Anitong umupo na rin sa harapan niya. "Pagka gwapong batang iyun, naku. At ang bait bait pa. Alam mo bang nadatnan ko ritong naghuhugas ng mga pinagkainan niyo." Nanghugas lang mabait na? "Gwapo siguro, pero mabait? Ewan ko." Mahina niyang sambit para hindi nito marinig. Nagkibit balikat nalang siya at sabay na silang kumakain ng tita niya. "Kaya Mikey kung mag-aasawa ka ay yung mga katulad ni Billy, hija!" Anito maya maya. Parang natutuwa yata ang tita niya sa onggoy na iyun. Bigla siyang nasamid habang kumakain kaya dali dali niyang nilagyan ng tubig mula sa pitchel ang basong nasa tabi lang ng plato niya. Bigla naman itong napatigil sa pagsubo at may pag-alalang pinagmasadan siya. Pagkatapos makitang okay na siya ay nagpatuloy ito sa pagkain. Bakit ba kasi naisip at nasabi nito ang mga bagay na iyun? Lalo pa sa Billy bully na iyun. Hindi siya umimik baka magsalita na naman ang tita niya na puno ng kababalaghan ang mga sinasabi. "Mag-asawa ka na Mikey." Anito maya maya ng matapos na ito sa pagkain at tumingin sa kanya ulit. Seryoso ito. Napatingin lang siya rito habang ngumunguya. Sumasakit ata ulo niya sa tita niya. Ano ba naman kasing mga pinagsasabi nito. Magkakasakit yata siya ulit dahil dito. "Tumatanda na ako at gusto ko lang sanang malagay ka sa mga mabubuting kamay. Lampas kalendaryo ka na rin hija dapat sayo ngayon sa edad mong iyan ay tatlo na anak mo. Pero ni boyfriend hindi ka pa nagpakilala sa akin." At bigla itong bumulong sa kanya. "Si Billy nalang." Kung hindi niya tita itong kaharap niya sigurado iiwan niya ito bigla. Nagkatitigan lang sila nito. Wala siyang imik. Ano ba pinakain o ginawa ni Billy sa tita niya para magustuhan nito ang onggoy? "Nakikita ko ang kabutihan ng binatang yun. Bukod sa gwapo na ay napakabait pa at matulungin." Patuloy nito. "Ang tanging hiling ko lang ngayon na matanda na ako ay sana naman at makatagpo ka na ng lalaking aagapay sa iyo buong buhay at ng hindi ka matulad ng nanay mong iniwan ng tatay mong Lebanese!" Bigla itong napatutop sa bibig nito. Nabigla yata ito sa mga sinasabi. Bigla siyang napatigil sa pagsubo dahil sa nabanggit nito ngayon. Sa tagal tagal na panahon wala na naman siyang pakialam sa tatay niya kung sino man ito?! Na curious lang siya sa sinabi nitong Lebanese. Tawag sa mga taong nakatira sa Lebanon. So ibig sabihin kung Lebanese ang tatay niya meron din siyang dugong Lebanese. Kahit nga noong nag teenager siya nag-umpisa na siyang walang pakialam, ngayon pa kaya? Kaya naman nagkibit balikat lang siya sa tita niya. Ipinapahiwatig niya rito na wala na siyang pakialam. Pero deep inside talaga may mga katanungan din talaga siya sa kanyang isip kung sino talaga ang tatay niya. Kahit minsan man lang makita niya ito. Pero ni isang litrato nito at ni minsan hindi niya nasilayan. Pero iniignore niya lang. Dati pa man alam na niyang hindi pure Filipino ang beauty niya. Noong High School palang siya marami na gustong kumuha sa kanya at umiingganyo na sumali sa beauty pageant. Pero hindi niya talaga cup of tea ang mga pageant pageant na iyan. Mas gusto niyang tumambay sa mga playground na may mga kasamang mga kaklase or close friend at magkwekwentuhan sa ilalim ng mga puno. Marami din nanligaw sa kanya pero ichapwera lang din kasi wala pa siyang panahon sa mga ganyan. Maging hanggang nagcollege siya at kumuha ng Computer Programming. Pagkatapos nilang kumain ng Tita niya ay hindi na siya hinayaang tulungang ligpitin ang mga kinainan nila maging ang paghuhugas ng pinggan at baka mabinat pa siya. Inutusan lang siyang uminom ng gamot at magpahinga ulit. Nasa loob ng kwarto na siya at nakainom na ulit ng gamot ng biglang nakaramdam siya ng kakaibang feelings ng maalala si Billy na bumisita sa kanya kanina. Hindi talaga mawaglit sa isipan niya ang onggoy na iyun. Basta basta nalang sumusulpot minu minuto parang kabute. Bakit naman kasi nagpunta ito sa bahay nila at anong pakay nito? "Kaya nga ako nandito sayo dahil concern lang ako at kasi sabi ng Tita mo may lagnati ka raw." Bigla sumagi sa isip niya na naman ang sinabi nito kanina. Na concern lang daw ito sa kanya. Bakit kasi concern? Hayst! Sumasakit yata ulo niya sa kaiisip kay Billy pero andoon yung kakaibang feelings na sanay makita niya itong muli. Parang namimiss niya yata ito. Ano?kakaloka! Hindi no! Saway niya sa sarili niya. Hindi niya namimiss ang onggoy na iyun naiinis siguro kamo. Biling baliktad siya kanyang higaan sa kaiisip pa rin kay Billy. Maya maya'y nakaramdam na siya ng pamimigat ng talukap ng kanyang mga mata at parang inaantok na yata siya. Kaya naman umayos na siya ng higa. Bigla naman siyang napamulagat ng magring ang cellphone niya sa may bed side table. Dali dali niya itong kinuha at sinagot. "Hello, dai!" Si Megan. "Hello." Aniyang pilit ibinubuka ang bibig sa pagsagot sa kaibigan mula sa kabilang linya. "Pupunta ka ba rito ngayon?" Naririnig pa niya ang ingay sa kabilang linya kaya alam niyang nasa The Hangouts na ito. "Hindi na muna dai at may lagnat ako." "Ganun ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina at ng mapuntahan naman kita." "Hindi na Dai at alam ko kasi may trabaho ka. Okay na naman ako. Matutulog nalang muna ako." "Sige sige dai magpahinga ka nalang muna. Goodnight." Pagkapatay ng tawag ay agad na siyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD