Chapter 12: Feel at Home!

1251 Words
Napabilog ang mga mata niya sa sinabi ng lalaking napagbuksan niya. Paki ba nito kung pagbubuksan niya na hindi tinatanong kung sino ang nasa labas, eh bahay naman nila ito. Sino ba 'to at bakit andito ang onggoy na ito? Sinalat nalang nito bigla ang noo niya. Gusto sana niyang itabig ang kamay nito na ginamit sa pagsalat sa noo at ang kabilang kamay naman ay may bitbit na supot, pero ayaw makisama ng katawan niya. Kaya naramdaman nalang niya ang mainit na palad nitong dumampi sa balat niya. Hindi niya alam ang mararamdaman pero parang kinilig siya sa isiping bigla siyang binisita ni Billy. "Aren't you asking me to come in?" Pakiusap nito na parang naiinitan na sa labas. Sabay bawi sa kamay nito. "Mainit dito at may sakit ka pa kaya pumasok na tayo." Tayo? Bakit ba kasi andito ito dito? Aniya sa sarili pero hinayaan nalang niyang nakabukas ang pinto ng gate para makapasok ang onggoy na bisita niya. Ni hindi man lang siya makapagsalita. Na tameme yata siya sa kanyang boysita. Nagpatiuna na siyang maglakad papasok sa loob ng kanilang bahay. Narinig naman niya ang pagserado nito ng kanilang pinto sa gate. "Ano pong atin?" Seryoso niyang tanong dito ng makapasok na silang dalawa at nakaperme na itong nakaupo sa kanilang sofa. "Ahm nalaman ko kasing may sakit ka raw." Anitong nakatitig sa kanya. Namumula pa balat nito dahil sa init kanina sa labas. Apa ka mestisohin talaga nito. Inilapag naman nito sa center table ang bitbit na supot kanina. "Sino naman ang maysabi?" Aniyang parang hinihila pa rin ng antok. Mukha siyang tipsy dahil sa lagnat. Kaya gusto niyang humiga ulit sa sofang kanyang inuupuan. "Teka!" Saka mabilis itong lumapit sa kanya at inalalayan siyang humiga muna. "Utang na loob naman Billy!" Saka naman pinipigilan niya ang kamay nitong mapadapo sa likod ng ulo niya kaya nakahawak siya sa wrist nito. "Hindi tayo close!" Napatawa lang ito at nagpilit. Ang tigas talaga ng ulo. Walang nagawa ang pagiging strict niya rito dahil mapilit kaya hinayaan nalang niya ito sa ginagawa. "I'm gonna cook for you." Anitong tuluyan ng tumayo mula sa pag-alalay sa kanya. Binaybay nito ang papuntang kusina. Marunong ba talaga itong magluto? Feel at home lang talaga ang peg nito. Dahil masama talaga ang pakiramdam hinayaan nalang niya itong magluto. Infairness na appreciate niya ginagawa nito. Isang oras din itong natapos magluto. Pagbalik nito'y may dala ng tray na nilagyan ng bowl na may mainit na sopas at hiniwang prutas ng orange at apple na bitbit nito kanina. "Get up." Aya nito pagkalapag ng dala nito sa may center table saka inalalayan pa siyang makaupo. "Kaya ko na Billy." Aniya pero napahawak nalang siya sa mga braso nito dahil ang kulit talaga. "It's obviously hindi mo kaya." Giit nito. Oo na, oo na. May trangkaso talaga siya kaya ang sakit ng mga kaso kasohan niya. Bigla na naman hinimas ng malamig na kamay ang puso niya ng abutan siya ni Billy ng kutsara na may lamang sopas. Hinipan pa nito bago nito isusubo sa kanya. Kaya naman nagtataka talaga siya kung bakit ganito ang inaasal nito. "Teka, teka nga muna." Napakunot noo niya kunwari at napatitig rito. "Bakit ka nga ba talaga nandito Billy? At tsaka ano to?" "Anong ano to?" Takang balik tanong din nito. "Susubuan ka kasi may lagnat ka. Kaya naman manahimik ka na at ng makakain ka na at makainon na rin ng gamot." "Diyos ko Billy hindi mo dapat ginagawa 'to. Hindi nga tayo close di bah?" "Nangangalay na kamay ko." Saka niya inagaw ang kutsara rito. "Akin na at ako na. May lagnat lang ako at hindi ako imbalido." Saka tuluyan na niyang kinuha ang kutsara at nag umpisa ng kumain. Masarap pala itong magluto. "Bakit ba masyado kang masungit sa akin Mikey?" Tanong nito habang pinagmamasadan siyang kumakain. "Sa tingin mo bakit?" Ganting tanong niya rito. "Ewan ko sayo? Sa mga kaibigan ko ang bait mo naman hindi ka strikta at ang ganda pa ng smile mo sa kanila. Pero sakin?" Sabay turo pa nito sa sarili. "Kasi sila, matitinong kausap. Eh ikaw?puro pag aalaska ginagawa mo sakin. At ang ano tingin mo sa akin? Tomboy di bah?! Kakaloka ka!" Parang nanggigil pa siya sa kutsara ng isinubo niya ito. "Sorry na! Akala ko kasi makakaride on ka sa mga jokes ko." Sabay nag peace sign pa ito sa magkabilang kamay at ngumito. "Sa tingin mo madadala mo ko sa ganyan? Huwag ako Billy." "Kaya nga ako nandito sayo dahil concern lang ako at kasi sabi ng Tita mo may lagnat ka raw." Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. At napatingin rito na parang nagpapahiwatig siya ng paano kayo nagkausap ng Tita Pat ko? Nagkita ba kayo? "Ahmmm Kuan kasi." Kaya napaayos ito ng upo sa tabi niya. "Naghahanap ako ng mabibilhan ng bulaklak." Kaya lalong namilog ang mga mata niya nakatitig rito. Kasi ngiting ngiti na naman ito na parang nanunukso na naman. Alam niya kasi tinutumbok nitong flower shop. Kasi ang boutique nila ay halos puno din ng magagandang bulaklak na design ng tita niya, dahil mahilig ito sa mga bulaklak maging sa labas ng bahay nila ay napuno ng tanim ang bakuran. "Pagkapasok ko boutique pala. At nakita ko yung pangalan mo. Kaya nagtanong ako sa tita mo na nandoon at na confirm ko. At tinanong din niya ako kung sino ako. Kaya ang sabi ko kaibigan pala ako ng kaibigan ng kaibigan na kaibigan mo in short kaibigan kita." Sabay ngisi ulit ito. "Kailan pa tayo naging magkaibigan?" Tumaas kilay niya. "Ngayon!" Napakamot pa ito sa ulo. "Kaya nga nag peace offering ako sayo eh para mawala na yung inis mo sa akin." Wala siyang masabi. Para namang hinaplos ng malamig na kamay ang puso niya. Kaya naman ipinagpatuloy niya ang pagkain at ng matapos na saka uminom ulit ng gamot. Inalalayan at inalagaan ulit siya ni Billy. Pagkainom ay agad siya nakatulog at naramdaman niyang kinumutan pa siya ulit nito. Nagising siya mga bandang alas 4 ng hapon. Medyo um-okay na pakiramdam niya. Andito pa din pala si Billy. "Andito ka pa?" "Oo, alangan namang iwan kita ritong natutulog?" Oo nga naman! Kaya naman napangiti nalang siya rito. "Kumusta na pakiramdam mo? "Okay na. Salamat." Sabay ngiti ulit rito. "So ibig sabihin ba ay peace na tayo?" "Oo." "Close?" Oo sabi eh! Ang kulit kulit talaga naman nito oo. Pero tango lang ganti niya. "So ibig sabihin pwede na akong magtanong?" Napakunot noo siya sa biglang tanong nito. Parang kakabahan na naman siya rito. Ano na naman kaya ito Billy? "Ano na naman yan? "Kung hindi mo type ang babae. Sino type mo saming mga magkakaibigan? Walang kwenta talaga tong taong kaharap niya. Okay na sana bigla nalang lumiko ulit ito. Kaya naman nainis na naman ulit siya sa onggoy na ito. Bahala nga ito sa tanong nito ayaw niyang sagutin. "Mikey!" Untag nito sa kanya. "May boyfriend ka ba ngayon?" "Meron!" Pikang pika na siya rito ulit. Kaya naman nagsinungaling siya sa sagot nito dahil wala talaga siyang naging boyfriend. Gigil lang talaga siya rito ulit. "At ang sagot naman sa tanong mong sino ang type ko sa inyo? Wala! Pero mas gusto ko pang kausap si Alex talaga kaysa sayo Billy! Diyan ka na nga!" Sabay tayo niya at nagtungo papunta sa kanyang kwarto. Bahala na nga ito kung magtatambay pa ba ito sa sala nila o aalis na. Basta gusto niyang ayaw na ulit itong makita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD