Nakauwi na siya ng bahay mula sa The Hangouts. Wala na siyang nadatnang Tita Pat kaya alam niyang tulog na ito. Ano naman din kasi ang oras ngayon mag-aalas dose na ng hating-gabi.
Pagkabihis at half bath ay diritso na siya sa higaan. Habang nakahiga ay napatitig pa siya sa kesame. Mukha ng hudyo ang nakikita niya. Kahit pilit niyang iwaksi ito sa isipan ay pilit din itong sumisiksik.
Hanggang sa tumagilid siya sa paghiga at pumikit. Mukha talaga ni Billy nakikita niya sa balintataw.
Bakit ba Billy?!!!!! Sabay takip ng isa niyang unan na kulay puti ang gilid ng ulo niya. Halos mabibingi na siya sa tawa nito kanina.
Bakit ba lagi itong sumisiksik sa isip niya? Tinanggal niya ang unan at umayos sa pagkakahiga. Dapat sanay nakatulog na siya ng mahimbing ngayon dahil bukod sa kulang siya sa tulog at pagod eh naka isang stallion pa siya.
Naalala niya kasi ang sinabi ni Alex kanina nang iniwan sila ni Billy at pupunta raw ito kay RJ na nasa opisina.
"He's obviously like you." Anitong napansin siguro ang katatapos lang nilang pagtutuksohan ni Billy.
"Sino?" Takang tanong niya rito at napabaling ang tingin dito.
"Sino pa eh deh si Billy." Sagot nitong napangiti lang.
"Hindi ah!" Sabay ibinaling nalang ang tingin sa patapos na na kaibigan. Ano raw kamo? Si Billy attractive sa kanya? Baka kako gustong gusto lang siya nitong tuksuhin.
"First time niyang magbehave ng ganyan at trumato ng ganyan sa isang babae." Sabay tungga ng inilapag na inumin ng bartender dito.
"Ha?naku hindi na." Nilagok na rin niya ang natitirang laman ng kanyang bote. Salamat nalang sa pagka attract kamo ni Billy sa kanya.
"He was trying to get your attention." Sabay tawa. "He was saying that way. Ang cute cute mo din naman kasi."
Namula siya sa sinabi nito. Hindi dahil sa puri nito kundi dahil patungkol sa sinabi nito kay Billy para sa kanya. Pero may isa bahagi ng utak niya ang kinikilig pero hindi niya ipinapahalata.
Biling baliktad siya sa higaan sa mga sinabi ni Alex. Hindi naman daw ganito magtrato ng isang babae si Billy sa tagal na makaibigan ng mga ito. Kilala nilang madaldal pero hindi bully. Hindi din daw ito playboy tulad ni RJ. Sadyang sa kanya lang ito ganito dahil baka kako gustong pagtakpan nito ang attraction sa kanya.
Kaya naman ayaw niyang maniwala. May ganun ba? Bubulihin tapos tutuksuhin may gusto na? Wala naman siyang alam sa isip ng isang lalaki kung gusto nila o hindi basta ang alam niya pag nanliligaw ayun ang may gusto. Tulad ni Ronnie na kasamahan niya sa trabaho. Bigla niyang naalala ito. Lagi itong nagpapahiwatig sa pamamagitan ng panunukso at dahil ipinapakita din niyang naiinis siya rito kaya lalo siyang tinutukso. Parehas din kay Billy ang magkaiba lang sa dalawa eh gusto niya rin si Billy pero si Ronnie hindi.
Eh deh umamin din siya sa sarili na gusto niya si Billy. Kaya bigla siyang napatayo sa higaan. Kailangan niyang mahimasmasan.
Pati si Clark naalala niya, nanligaw din ito sa kanya pero seryoso naman ito.
Paiba iba naman kasi ang style ng mga lalaki. Sagot niya na lang din sa sarili.
Nagtungo siya sa kusina at kumuha ng mga makukotkot dahil balak niyang manood ng Netflix. Hindi siya makatulog kaya maghahanap nalang siya ng mapaglilibangan. Nakakita siya ng chitchiria kaya kinuha niya ito at naghanap narin ng juice sa ref.
Pagkakuhay bumalik siya sa sala at ini-on ang tv. Manonood nalang siya ng movie. Bigla namang lumabas sa television si Sandrino Villalobo. Ang character ni Richard Guttierez sa La Luna Sangre. Na kamukhang kamukha ni Billy.
Naibato niya ang remote sa may sofa. Kamuntik na niyang ibato ito sa television. Kung hindi niya lang inaalala na baka mabasag ang tv. Inis siya dahil pati ba naman sa panonood niya makikita niya pa rin at maalala si Billy. Puro nalang ba talaga Billy? Kaya naman ayaw na ayaw na talaga niyang bumalik sa bistro ng mga ito na The Hangouts. Pwera nalang kung wala doon ang onggoy. Marami namang bistro dito sa Maynila na pwede niyang puntahan at tambayan kung nababagot siya.
Naku! Dinampot niya ulit ang remote at ini-off nalang ang television. Mag-c-cellphone nalang siya. Siguro namay wala ng mukha ni Billy sa cellphone niya ano? Kaya namay pagkabukas ng kanyang cellphone ay ngayon lang niya nabasa ang mga mensahe ni Clarky. At isang missed call nito.
Nagising si Mikey kinabukasan na masakit ang ulo niya. Medyo mainit din ang pakiramdam niya. Kaya pala nilalamig siya kagabi akala niya panaginip lang ang pagkuha niya ng kumot. Yun palay nilalamig na talaga siya kahit kaninang umaga lang niya pinatay ang aircon.
Pagsipat niya sa cellphone niya ay mag aalas 10 pa pala ng umaga. Alam niyang mag-isa na siya ngayon at umalis na naman Tita Pat niya para asikasohin ulit ang tindahan nila. Kaya naman tinawagan niya ito at sinabing hindi muna siya makakatulong dito ngayon at parang ang sama ng pakiramdam niya. Kaya naman nag-alala ito at sinabi nitong may gamot daw sa may cabinet sa kusina. Aagahan nalang daw nito ang pag-uwi mamaya.
Maya maya'y napabahing siya bigla dahil ang kati kati talaga ng ilong niya pati lalamunan. May trangkaso ata siya. Kita mo naman sa tagal tagal na panahon ngayon ulit siya nagkasakit. Dahilan siguro ito sa wala siyang sapat na tulog. Mainit ang panahon samantalang napakalamig sa gabi kaya hayan at nagkasakit siya.
Nagpunta siya sa kusina kahit parang umaalog ang sarili dahil masakit talaga ang ulo niya. Siya lang kasi mag-isa kaya serve yourself nalang para asikasuhin ang sarili. Matagal na din naman siyang independent ngayon pa ba siya aangal?
Agad niyang kinuha ang gamot sa loob ng cabinet at pagkakuhay naghanap siya ng makakain. May mga pagkain naman sa lamesa. Nagluto naman ang Tita niya kanina umaga kaya iyun ang mga kinain niya bago siya uminom ng gamot.
Pagkakain at pagkainom ng gamot ay nagtambay siya sa sala. Nakahiga lang siya doon. Ayaw niyang tumambay sa kwarto niya at mainit na roon gawa ng sinag ng araw na pumasok sa loob dahil binuksan niya ang bintana at kurtina.
Nasa kalagitnaan siya ng pagtulog dahil sa ininom niyang gamot na drowsy. Ang nakarinig siya ng nagdoorbell mula sa gate nila.
Painot inot pa siyang bumangon at ginawang balabal ang kaninang kinumot niya para hindi siya malamigan sa labas kahit napakainit naman. Pagbubuksan lang niya kung sino man ang nasa labas ng gate nila. Pagkarating ay agad niyang pinagbuksan kung sino man ang nagdoorbell.
"Aren't you ask first, who's in the outside knocking your door before you open it?" Seryoso ang mukha nitong nabungaran niya ng mapagbuksan ito.
Biglang kumabog ang dibdib niya sa lalaking napagbuksan. Bumungad ang gwapong mukha ni Sandrino.
Bakit andito 'to sa bahay nila?
Paano nito nalaman ang tirahan niya?