Pagkauwi nila ng tita niya galing sa kanilang boutique ay agad siyang naligo ulit para pumunta sa The Hangouts. Katulad ng request ni Megan na samahan siya sa unang gabi ng trabaho nito bilang singer. Kaya naman nang makapaghanda na siya at nakapaghapunan na rin ay nagpunta na siya ng The Hangouts. Nagpaalam na rin siya sa tita niya. Ano pa naman magagawa nito kahit pinipigilan siya eh para kay Megan lang dahil unang gabi nitong magperform. Inaya din niya ito subalit tumanggi ang tita niya at wala kasi itong alam sa mga ganitong klaseng buhay kaya natawa nalang siya kasi naisip niya ano kaya pag tumanda na din siya? Tapos nasanay siya sa mga ganitong gawain. Iwinaksi nalang niya sa isipan ang mga ganitong isipin ang mahalaga habang bata pa mag-eenjoy nalang muna siya.
Mag-eenjoy?! Eh hanggang ngayon virgin ka parin Mikey! Anang pasaway niyang isipan. Inignore nalang niya mga ganitong naiisip at paalis na niya.
Ginamit niya ang sasakyan, dahil wala naman siyang balak maglasing ngayong gabi. Sasamahan lang niya si Megan, at mga isang oras aalis na rin siya. At baka may hindi pa siya magandang makita roon. Malamang dahil isa din si Billy na may-ari ng The Hangouts kaya malamang andoon iyun gabi gabi. Pero bahala na, wala naman siyang paki hindi nalang niya ito papansinin.
Oowwwsss! Talaga lang ha?! Ani ng pilya niyang isipan.
Pagkapasok sa sasakyan ay agad na niyang ini-start ito. At binaybay na ang patungong The Hangouts.
Wala pang trenta minutos ay nakarating na siya. Dahil hindi naman gaanong traffic. Dumaan din kasi siya sa mga eskinitang walang gaanong harang. Dahilan sa lesensya niya.
Next week ko nalang aasikasuhin ito.
Pagkarating ay agad siyang nagpark ng sasakyan niya. At pagkapark ay agad siyang pumasok sa loob ng The Hangouts.
Nang pagkapasok niya'y agad na sumalubong ang maingay na togtog ng banda, ang dilim na kapaligiran na ang daming ibat- ibang kulay at ang ingay ng mga taong nag-eenjoy sa togtog dahil sa rock na kanta. Nakita niya agad ang kaibigan na kumakanta ng What's Up. Kahit anong kanta talaga maganda talaga ang boses nito bukod sa maganda pa ito.
Tumatayo balahibo niya dahil bukod sa malamig kahit naka fitted long sleeve naman siya ay na aamaze siya sa ganda ng boses ng kanyang kaibigan. Halos nasa nito na kasi ang lahat. Maganda, sexy, mabait, professional sa pagluluto at maganda pa ang boses. Eh siya?! Simpleng lasingera lang. Kaya natawa siya sa huling naisip at nagtungo nalang sa may bar.
Agad siyang nakita ni Megan ng mapabaling ang paningin nito sa kanya at nagkangitian pa rin sila kahit dim light lang ang ilaw. Napalingon lingon pa siya sa paligid kung may RJ ba siyang makikita ngunit wala ito. Pati mga kaibigan nito wala din. Kaya naman nagrequest siya sa bartender ng stallion na redhorse kung meron dito hindi naman siya malalasing doon. Meron din naman pala rito pero mas mahal kapag isa lang raw suggestion ng bartender dapat set daw nito para mas mapapamura, pero isa o dalawang bote lang iinumin niya at magchichill lang siya at hindi maglalasing.
Hindi pa nga nangalahati ang iniinom niya ng dumating na ang taong kinaiinisan niya. Si Billy! Alam naman niyang pupunta ito dito gabi gabi dahil isa ito sa may-ari alangan naman pigilan niya ito kahit ayaw niya. Kung hindi lang sa first performance ng kaibigan nunca babalik pa siya sa lugar na ito. Marami namang ibang bistro dito sa Maynila.
Make it last Mikey! Whehhhh
Tumabi ito sa kanya pero hindi niya pinansin. Habang busy siya sa paglagok ng kanyang alak habang nakatingin sa kaibigang kumakanta ng Try By Pink. Naamoy niya ang pabango nitong Calvin Klein na panlalaki dahil pambabae naman sa kanya.
Alam niyang pinagmamasda lang siya ni Billy. Pero deadma niya lang ito at talagang ipinaparamdam niya ritong hindi niya ito gusto. Narinig niyang nag-order ito ng inumin. At parang sumenyas din sa bartender doon pero hindi niya alam kung anong inumin iyun. Maya maya'y inabot na ng bartender at inilapag na para rito ang inumin kaya nagkunwari siyang nagpalingon lingon sa paligid sabay sulyap sa iniinom na nito. Napatawa siya sa sarili ng makita niya ang orange juice na inorder nito. Napangisi siya bigla at nagkukunwaring ibinalik ang tingin sa entablado.
"May hang over pa kasi ako hanggang ngayon at may ulcer din kaya ito lang muna iniinom ko." Anitong iwinagayway pa ang baso sa harapan niya.
Paki ko! Sabi niya sa sarili pero hindi niya pa rin ito pinansin kaya naman tumugil na ito sa ginagawa. Ipinagpatuloy lang niya ang panonood sa kaibigan. Papaliwanag pa wala naman ako pakialam.
"Nagkajowa ka na ba Mikey?" Kulit tanong na naman nito sa kanya.
Ang kulit grabeh! Ayaw ba talaga nitong tumigil na kausapin siya? Wala ba itong pakiramdam na ayaw niyang makausap ito?! Sumasakit na nga ulo niya sa kaiisip rito hanggang sa napaniginipan pa niya at ngayon nakasama pa talaga niya ang lalaki.
"Mikey!" Kulit nito.
"Oo naman!" Pagsisinungaling niya dahil naririndi na siya sa kakulitan nito. Grabeh! Ang totoo kasi wala pa siyang naging jowa.
"Ano?babae ba o lalaki?"
Kaya naman nilingon na niya ito at pinaningkitan ng mga mata. Ngumisi lang ito. Kaya lalo siyang naiinis sa pagmumukha nito kahit ang gwapo.
"Syempre lalaki!"
"Sure?" Anitong mukhang nanunukso talaga.
Naku! Talo pikon talaga pag jinumbag niya ang mukha nito kahit napakagwapo.
"Sure!" Sabay baling ulit ang tingin sa patapos ng kumakanta na kaibigan. Naipanalangin niyang sana matapos na sa pagpeperform si Megan at ng makapagpaalam na siya sa pag-alis. Naiirita na talaga siya sa katabi.
"Hindi mo ba talaga type si Megan?" Tanong ulit nito.
Napabaling ulit ang tingin niya sa katabi at pinaningkitan ulit ito pero napangisi pa rin.
"Sigurado ka bang lalaki ka rin Bella?" Pauyam na tanong niya rito. "Kasi ang daldal mo dahil bakla ka! At ang sagot sa tanong mong type ko ba kaibigan ko ay oo! Ikaw ba?type mo si RJ?"
"Bagay pala tayo. Tomboy ka, bakla ako." Sabay napabunghalit ito ng tawa.
Umuusok na talaga ilong niya sa inis kay Billy. Hindi dapat Billy pangalan nito kundi dapat Bully. Talo talaga siya dahil pikang pika na siya rito. Nawala lang inis niya at hindi na pinansin pa ang Bully na ito ng dumating si Alex. Kaya nginitian niya ito ng ubod tamis.
Nag Hi pa ito sa kanya at maging siya ay gumanti din. Kaya kita niyang biglang nawala ang tawa ni Billy at napalitan ng seryosong mukha.
Nagpaalam na rin siya sa kaibigan ng matapos itong magperform at nagpahinga sandali. Pinipigiln siya nito pero ayaw na niyang tapusin ang gabing ito. Andiyan naman si RJ na maghahatid rito at sabay na uuwi.