Paalis na siya ng bahay papuntang Boutique nila ng tita Pat niya. Naipundar niya ang Boutique nong nasa Saudi Arabia pa siya. Samantalang ang sasakyan na minamaniho niya ngayon na Toyota Vios ay noong nasa Dubai na siya. Hinuhulugan lang nila ang sasakyan at may Boutique na naman sila para sa paghuhulog. At ang sahos niya ay iniipon nalang niya sa loob ng bank account niya. Sa awa ng Diyos at malapit na rin itong matapos sa pagbabayad. Kaya kahit hindi na siya bumalik ng Dubai ay kaya na nilang buhayin ang sarili nila ng Tita niya kasi dalawa lang naman sila ng Tita Pat niya. Alam na din niyang magmaneho ng sasakyan kahit noon pang hindi pa siya nakapag-abroad kaya kahit manual alam niya. Yun nga lang expired na ang lesensya niya kaya kailangan asikasohin na niya ito pag may time siya.
Umalis na siya ngayong oras ng tanghalian at ng makasama naman niya sa pag-aasikaso ng tindahan nila ang Tita niya. Kaya naman hindi na rin siya makatulog kahit kulang siya sa tulog. Baka kasi mananaginip na naman siya ng hindi maganda at bangungutin pa siya dahil sa mapanaginipan na naman niya si Billy na onggoy. Gwapong onggoy!
Bakit ba niya laging naiisip ito? Lalo na yung panaginip niya kagabi. Paano kaya kung natuloy yung ano?
Halik?! Oh My God! Kaya naman bigla niyang iwinaksi ang nasa isip. Maghunosdili ka Mikey! Kung ano man ang nararamdam mo tigilan mo na ang Billy na yun!!!! Saway niya sa sarili.
Habang nasa kalagitnaa siya sa pagmamaneho sa highway ay nakaramdam siya ng uhaw. Dahilan ito sa lasing siya kagabi at kailangan niya ng malamig na tubig ngayon. Isa pa nakadagdag sa mainit na pakiramdam niya ay ang init ng panahon at parang mainit rin ang naibubuga ng aircon niya sa loob ng sasakyan. Kaya naman pawisan pa rin siya kahit naka full aircon ventilated na ang loob ng sasakyan. Ganito talaga dito sa Pilipinas napakainit ng panahon. Sa Saudi mainit rin at maging sa Dubai pero meron namang winter time. At sobrang lamig din. At kahit summer doon ay hindi namam niya ramdam ang init dahil nasa loob naman siya ng mall nagtatrabaho. Paglumalabas lang siya naiinitan. Pero dito sa Pinas summer lang ang meron. Kahit ulan nga mainit pa rin dito. Nakadagdag pa ang matraffic sa bandang Pasay na yun kaya kahit malapit lang ang tindahan nila ay aabot parin sa kalahating oras ang byahe dahil sa traffic.
Kaya naman ng napatigil siya saglit sa may traffic light dahil kulay red pa ay hinubad niya ang t-shirt. Tanging tinira lang niya ang spaghetti strap na panloob na kulay puti at meron naman siyang bra. Nakasanayan na kasi niya ang magsuot ng panloob. Naghanap na rin siya ng panali sa buhok sa loob ng pouch niya at may nakita naman siya kaya naman itinali na rin niya ang kanyang buhok kahit hanggang balikat ito'y matatali na rin. Di bale na magmukha siyang tomboy basta mawala lang yung pawis niya dahil sa sobrang init. Nahimasmasan siya ng kaunti pero kailangan na niya ng tubig. Yung malamig na malamig talaga.
Paliko na siya sa may eskinita sa bandang kanan ng makakita siya ng convenience store. Agad siyang nagparking doon sa may parking lot sa harapan ng tindahan na iyun. Bibili siya ng malamig na malamig na tubig at ng mahimasmasan. Pagkapark ay agad siyang lumabas ng pinto. Papasok sa convenience store at nagmamadaling bumili ng tubig.
Pagkabili ay hindi na niya ipinabalot pa na ng cellophane kaya pagkalabas niya ng convenience store habang patungo sa sasakyan niyang nakaparada sa harapan lang ng tindahan ay binubuksan na niya ang mineral water na malamig na malamig at namamadaling ininom ito at siya'y sobrang uhaw na uhaw na.
Wala siyang pakialam sa mga nakapaligid dahil kaonti lang naman ang mga tao doon, ngunit pakiramdam niya ay may parang mga matang nakatitig sa kanya. Magbubukas na sana siya ng pintuan ng sasakyan ng mahagip ng mga mata niya ang isang taong nakatitig din pala sa kanya. Nataranta siya ng mapagtanto kung sino ito. Kaya naman napatigil siya habang nakatitig din ito at wala sa sariling sinipat ang hitsura nito. Hindi niya namalayan na naubos na pala ang laman ng tubig sa mineral bottle.
Sa tindig at ayos nito na bagong gupit. Dati ay naka mid length hair style ito na hinahawi pa nito ng kamay ngayon ay naka military haircut na ito na mas lalong bumagay. Nakasandal lang ito sa may pintuan ng sasakyan nito habang nakangiting tumingin sa kanya.
Oh my! Hot papa! Parang namimilog pa mga mata niyang sambit sa sarili. Tulo laway teh?! Kung close lang sila nito'y ngumiti na rin siya.
Hindi na ito kamukha ni Eddie Guttierez kung hindi kamukha na ito ni Richard. Pati ang tindig na matangkad at ang napakagandang hubog na katawan ng isang lalaki. Lalo pat nakasando lang ito ng kulay itim at naka slim fit jeans.
Subalit ang kaninang nakangiti nitong mukha ay napangisi na kaya naman tanging simangot lang ng mukha ang ganti niya rito habang inihanda ang sarili at papasok na siya sa loob ng sasakyan.
Mas lalo siyang nanggigil ng kumindat pa ito sa kanya kaya naman bago pumasok sa loob ng sasakyan ay binigyan niya ito ng matinding irap.
"Bwesit!" Maktol niya sa loob ng sasakyan pagkapasok. Napabuga pa siya ng malakas dahil sa inis. Bakit ba kasi Billy! Sa lahat ng lugar at tao ito pa talaga at dito pa talaga sa lugar na ito niya makikita ang lalaking iyun. At ang labis niyang kinaiinisan ang ngising nakakaloko nito. Dahil alam niya kung ano naman nasa isip nito. Mapagpintas!
Basta basta nalang niya itinapon ang wala ng lamang bote sa may passenger seat dahil kung malapit lang si Billy itatapon niya talaga sa mukha nito.
Bigla siyang nahimasmasan ng mag ring ang kanyang telepono.
Si Megan.
"Hello, dai." Pagkasagot niya.
"Mikey." Anitong parang nahimigan ang inis niya. "Dai, napaano ka?
"Ah...wala." Aniya habang ini-start na ang sasakyan. "Nagmamaneho kasi ako. Tapos umiinom ng tubig. Kaya ganun naging tono ko. Hehe." Pagsisinungaling niya dahil ayaw niyang tutuksuhin na naman siya ito kay Billy.
"Ah ganun bah?" Anito na parang nakumbinsi naman. "Dai samahan mo naman ako ngayong gabi. First night ko kasi magpeperform."
Ano pa nga ba magagawa niya? Hindi siya makakatanggi sa kaibigan lalo pa't first night nito kaya naman pumayag na siyang samahan ito mamaya. Kahit alam niyang makikita na naman niya si Bully!