Hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi sa mga sinasabi ng kaharap. Parang isang panaginip lang, kung totoo ba ito o hindi? Basta ang alam niya lagi silang nag-aaway ni Billy. Hindi naman niya akalaing nasa harap sila ng altar ngayon at ikinakasal. Hindi nga niya matandaan kung kailan siya niligawan ng lalaking umuusal ng vows ngayon sa harapan niya. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Ni wala nga sa hinagap niya ang magsuot ng gown or skirt and blouse, traje de boda pa kaya?
Takang taka talaga siya kung anong klaseng kaganapan ang nangyayari sa kanila ngayon nitong mortal na kaaway na lalaking ito. Akalain mo nga naman parang magkaaway lang sila nito kahapon ng dahil sa panglalait nito. Tapos ngayon ikinakasal na sila?!
"Yes, Father!" Nagtaka pa siya sa isinagot niya sa pari ng tinanong siya nito kung papayagan ba niyang maging kabiyak ng kanyang puso ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Nanlaki pa mata niya kung bakit ganun ang isinagot niya. Ewan ba niya at parang may kosa ang lahat ng mga galaw at salita niya. Tanga ba ako?!
"Yes, Father I do." Sagot naman ni Billy ng ito naman ang tangungin ng pari. Sabay tingin pa nito sa kanya at napangisi.
Ngisi talaga?! Parang may mali yata sa nangyayari.
"I will announce you, husband and wife. Now you may kiss the bride." Utos ng pari. At tumalima naman si Billy.
Dahan dahan naman nitong itinataas ang belong suot niya. Habang nakapikit pa siya. Abot abot naman ang kaba niyang nararamdaman dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha nito lalo pa't napangisi ito kanina. Pakiramdam niya talaga kasi may kakaiba.
Diyos ko santisima!panaginip lang sana ito! Usal niya ng dalangin. Habang naramdaman niya ang tuluyang pagkahawi ng belo niya. Dahan dahan naman niyang ibinubuka ang kanyang mga mata.
Namulatan niya ang gwapong mukha ni Billy na malapit na malapit na sa mukha niya. Parang hahalikan na siya nito. Abot abot naman ang kanyang kaba. Kaya naman napahawak ang mga kamay niya sa magkabilang dibdib nito. Parang gusto niyang harangin ito at tumigil.
Ngunit bigla nalang itong nakangisi na parang nakakaloka......
Napabalikwas siya ng bangon at abot abot ang kaba ng magising siya ay isang panaginip lang pala.
What a stupid dream! Diyos ko sa lahat ng panaginip niya ito na pinaka stupid!
Si Billy talaga?! Tangang tanong niya sa sarili. Laking pasalamat niya ng namulatan niya ang loob ng kanyang kwarto. Wala na si Megan sa tabi niya, ngunit naamoy niya ang sinangag kaya alam niyang nagluluto ang kanyang kaibigan ng pang agahan or pananghalian na? Kaya dali dali niyang sinipat ang kanyang cellphone at nakita niya mag-aalas 9 pa pala ng umaga. Kaya pala masakit ang ulo niya, bukod sa may hang over pa siya dahil sa kalasingan kagabi ay kulang pa siya sa tulog. Pinilit niya lang magising dahil sa panaginip na iyun. Walang kwentang panaginip!
Dahil yata sa kaiisip niya sa lalaking iyun kaya hanggang sa panaginip ay andoon parin ang lalaki.
Lalong sumakit ang ulo niya dahil sa ganoong klaseng panaginip pa talaga ang napanaginipan niya sa lalaki.
Kasal pa talaga! Napa ismid siya sa sarili. Ikinasal pa talaga kami ng kumag na iyun! Nanggigil talaga siya sa inis. Bakit kasi ganun? Hindi ba dapat ang panaginip niya sa lalaking iyun ay yung jinujumbag niya yung pagmumukha nito o di kayay hinahabol niya ng itak. Yun dapat! Ows talaga?!
Tatayo na sana siya ng biglang nag ting ang cellphone niya. Kaya habang nakaupo lang muna siya sa higaan ay sinipat niya ito. Si Clark pala ang nag message.
Hi my Micky! My Micky na kasi nakasanayan na itawag sa kanya nito. Kmsta?
Okay lang Clarky. Ikw kmsta naman diyan? I ms dubai na.
Clarky din tawag niya rito.
Ito miss na miss na kita este kau ni Megan. With smiley imoji pa. Ganito talaga ito mapagbiro minsan. Matagal ng nagpapahiwatig si Clark sa kanya ngunit ni katiting na pag-asa hindi niya ito pinagbigyan. Wala talaga siyang special na nararamdaman rito kundi hanggang kaibigan lang. Tinapat na din naman niya ito kaya naman nanatili pa rin naman na magkaibigan lang sila.
Wala pa siyang panahon para sa mga kalahi ni Adan ngayon at natatakot siyang matulad siya sa kanyang ina. Hanggang kailan kaya siya magiging bato?!
Bigla na naman pumasok sa isip niya ang gwapong mukha ni Billy kagabi at kahit noong una pa niya itong makita.
Billy na naman! Yamot niya sa kanyang sarili kaya naman tumayo na siya at ng makainom na siya ng malamig na tubig para mahimasmasan. Lagi nalang niyang naiisip ang lalaki hanggang panaginip ba naman andoon din ito.
Pagkalabas niya ng kwarto'y ang magandang kaibigan agad ang tinungo niya sa may kusina. Dahil naamoy niya ang mabangong niluluto nito na sinangag, itlog at tapa in short tatsilog. Nang makita niya ito sa kusina ay napangiti pa siya rito maging ito din ay ngumiti ngunit plastic. Dahil nabanaag niya sa mga mata nito ang kalungkutan. At alam niya kung bakit ito nagkakaganito.
"Hi dai." Bati niya rito.
"Hello." Ganti nito.
"Aga nating nagising ah?." Aniya sabay kuha ng pitchel ng tubig sa may ref. Nakalimutan niya ang baso kaya tinungo niya ito sa may lagayan. Pagkakuhay nagsalin na siya ng tubig.
"Maaga kasi akong nagigising tuwing may hang over kaya nagluto na rin ako ng pananghalian." Sagot nitong abala na sa pag-aahin ng niluluto. "Tara na Mikey. Kain na tayo at ng makauwi na ako ng condo ni RJ."
Tumalima naman siya at sinabayan na ito sa pagkain.
"Maaga ka ba talagang nagising o hindi ka makatulog." Tukso niya rito sabay ngiti ng nakakaluko.
"Hey! Kagabi ka pa Mikey." Anitong parang nayayamot. "Ganito ako pagnalalasing. Tapos may pakape pa si Kapitan kaya ayan tuloy." Sabay hinigop na nito ang sabaw sa sinigang na hipon.
Napangisi lang siya. Ang bilis naman na nakapag ahin ang kaibigan at ang dami pang niluto nito. Akalain mo may sinigang din pala ito.
"Siya nga pala sabi ni Tita Pat, pagkagising mo at mahimasmasan ka na raw sunduin mo daw siya sa tindahan mamaya. Iniwan nga pala niya yung sasakyan para may magamit ka. At siya namay nag commute lang muna."
"Okay dai." Sagot niya sabay kain at napahigop na rin ng sabaw. "Sarap ng pagkaim dai. Thank you." Puri niya rito.
"Walang anuman." Ganti naman nito.
At ipinagpatuloy nila ang pagkain. Pagkakain ay agad naman itong umalis at umuwi ng condo ni RJ para makapaligo may pasok na kasi ito mamaya sa The Hangouts. Kinuha pala nila ito kagabi bilang female singer. Mag-uumpisa na ito mamaya. Maging siya ay maliligo na rin at ng mapuntahan na niya ang Tita Pat niya.