Chapter 7: Coffee

1141 Words
Nakapikit lang siya pero hindi pa siya tulog. Ewan kung dahil ba sa kape na ininom nila kanina kasi napadaan pa sila ng 7/11 kasama sina Megan, Alex at Billy. Or dahilan ba ito sa binabagabag ng hambog na Billy na iyun ang presensya niya. Nakiramdam siya sa katabi, alam din niyang hindi pa rin ito makatulog. Katatapos lang nilang mag-usap. Tinutukso niya ito dahil alam niyang masama ang loob nito sa gabing ito. Dahilan kina RJ at Clarissa. Hinatid kasi ni RJ ang dalawang hindot, kaya ayun at alam niyang masakit ang nararamdaman nito ngayon. Rumesbak din ng tukso ito patungkol sa kay Billy na lalo niyang kinaiinisan kapag naiisip niya ang mga pambubully sa kanya ng lalaki kanina. Pumikit nalang siya para piliting makatulog ngunit nagngingitngit pa rin ang kalooban niya sa isang lalaking napakahambog at bully talaga. Bagay talaga ang pangalan nito dito, Billy. Kahit ipikit at pilitin niyang matulog hindi niya mapigilang maalala na naman ang nangyari at ginawa ni Billy kanina. At naiinis talaga siya sa taong yun. “Ang gwapo naman non. Kamukha ni Dao Ming Si.” Aniya sa kaibigang si Megan ng makita niyang tumayo at lumipat ng upuan si Alex at tumabi kay RJ. At ang tangkad pa. Napangiti lang si Megan sa tinuran niya. “Mikey, sigurado ka bang hindi mo type ang isa sa dalawa nitong kasama ni RJ?” Tukoy nito sa dalawang hindot. Biglang ibinaling niya ang tingin sa lalaking katabi. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Dahil sa inis sa sinabi nito. Gwapong gwapo talaga siya rito pero sobra itong masyado! "Sigurado ka ba talagang Billy ang pangalan mo?” Balik tanong niya rito. Nakangisi lang. “Oo naman.” Anitong parang hindi komportable ang katabing si Irene. “Akala ko kasi Bella.” Ani niya na napangisi pa. Sa wakas nakahirit siya ng ganti rito. “Masyado ka kasing madaldal. Para kang babae!” Sabay napahagikhik. Iwan niya nalang talaga! Si Billy namay napasimangot at naasar sa tinuran ni Mikey, kaya umalis ito at lumipat sa tabi ni Alex. Kaya hindi mapigilan ang tawanan sa loob ng VIP room na iyun. Pagkatapos nilang maghang outs, ay ihahatid sila ni Megan nina Alex at Billy pauwi ng Pasay sa bahay nila ng tita niya. Dahil si RJ inihatid ang dalawang haliparot. At ang kaibigan niya para ng wala sa sarili. Alam niyang apektado ito. Kilala na niya ito simula pa noon. Napatigil sila saglit sa may 7/11 dahil yun lang ang bukas na convenience store sa mga oras na yun. Mag-aalas 3 na ng umaga. Aya din kasi ni Bully este Billy na magkape daw muna sila at ng mahimasmasan ng konti yung tama ng alak nila. "Let's go guys," ani ni Alex ng nasa tapat na sila ng 7/11. Pagkatigil nila sa may tapat ay nauna pang bumaba ang impakto na si Billy. Nasa passenger seat kasi ito at siya ang nasa likod nito, samantalang si Alex naman ang nagmamaniho at sa likod si Megan na katabi niya. Hindi talaga siya itinituring na babae nito kaya naman hindi din niya ini expect na pagbuksan siya. Wehhhhh?! Kaya naman siya na kusang nagbukas. Hindi niya kailangan ng tulong ng sinuman lalong lalo na sa onggoy na ito. Pagkababa niya'y nakita pa niyang pinagbuksan ni Alex ng pinto ng sasakyan si Megan at nagpasalamat pa ang kaibigan. Napaka gentleman naman nito at ang gwapo pa. Samantalang itong katabi niya? Ewan! Napalingon siya rito at napalingon din pala ito sa kanya. Nagkatitigan pa sila. At hindi niya alam kung bakit ganito talaga ang impact nitong hudyong ito sa kanya, bigla na naman kasing bumilis ang t***k ng puso niya na hindi niya alam kung bakit eh masyado na siyang lango sa alak kaya nga kailangan din niya ng kape ngayon para mahimasmasan. Inirapan lang niya ito at binawi na ang tingin. Siya na mismo ang naunang nagtungo sa loob ng 7/11. At alam niyang nakasunod lang ang tatlo niyang kasama. Pagkapasok nila'y agad na silang nag-order ng black coffee. Nauna na rin siyang lumabas at hintayin nalang ang mga kasama na nasa counter pa. Pagkalabas ay napansin niya ang dalawang taong natutulog sa sa labas sa may ilalim ng puno. Isang batang babae at ina siguro nito. Bitbit naman niya sa may kanang kamay ang isang kartong baso na may kape. Hindi niya mapigilang mapagmasdan ang dalawang mahimbing na natutulog na mag-ina. Na ang tanging papag ang isang kapirasong karton lang. Mga pulubi itong walang masisilungan. Nakadama siya ng pagkaawa sa mga ito. Biglang ragasa ng mga ala ala niya noong bata pa siya. Sampung taon palang siya noon ng mamatay ang totoong ina niya. Dahil sa depression. "Mama." Iyak ng sampung taong gulang na bata. Habang nakaagapay ang tiyahin niya sa kanya. Nakikita kasi niyang nakaratay sa isang higaan ang kanyang ina na deneklara ng wala ng buhay na babae. "Tahan na,hija!" Ani ng tita Pat niya habang pinapatahan siya nito sa pag-iyak. Umiiyak din ito. "Huwag kang mag-alala anak andito lang ako." Sabay yakap nito sa kanya. Puno ng simpatya. "Mama." Tanging sambit lang niya habang namilisbis ang mga luha mula sa kanyang mga mata at dumaloy sa kanyang pisngi. Ang tita Pat lang niya ang umagapay sa kanya na kapatid ng mama niya. Wala siyang gaanong alam sa nangyari sa ina. Maaring alam ng tita niya pero sa murang edad ay hindi na muna nito sinabi sa kanya ang lahat lahat. Hanggang sa nagdalaga siya'y nanatiling lihim ang tungkol sa kanya ina. Kung ano ang totoong nangyari. Minsa lang din siya nagtanong ang tungkol sa ama, ngunit ang sabi lang ng tita Pat niya ay wala naman itong alam tungkol dito. Sa kabila ng mga lihim ng mga ito'y ayaw na rin din niyang malaman ang tungkol sa kanyang ama. Basta minsan lang ikwenento sa kanya ng mama niya na namasukan ito ofw sa bansang Lebanon. Ang tanging mahalaga sa kanya ngayon sa buhay na ito ay ang kanyang tita Pat. Ang tanging taong nagbigay ng magandang buhay sa kanya. "Huwag ka kasing tumitingin kung saan saan at ng hindi na matapon yung kape mo." Bigla siyang nagising ng may taong bumulong mula sa kanyang likoran. "Ay bakla!" Nagulat pa siya ng malingunan ang nagsalita. Nagkatitigan na naman sila. Ayun na naman yung biglang kabog ng dibdib niya ng makita ang mukha ng hudyong ito. "Bakla nga!" Nagulat pa siya ng alalayan siya nito, dahil muntik pa siyang matumba. At muntik na naman matapon ang kape niyang hawak. "Bakla?" Anitong napangisi. "Sinong bakla? Ako? Gusto mo patunayan ko?" Sabay bitaw nito sa kanya ng napaayos na siya sa pagtayo. Napalunok siya sa tanong nito at tumalikod ulit ng makita niyang papalabas na rin sina Alex at Megan. Bakit ba ganito yung nangyayari sa kanya pag si Billy na kaharap? Bakit? Bakit? Bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD